Ano nga ba talaga nila ako?
Ano nga ba talaga ang totoo?
Ano ba ang tunay kong pagkatao?
Ano ba itong ginagawa ko?Bunso at anak tawag nila sa akin
Pero tila gusto na nila akong patirin
Kahit wala naman akong ginagawa
Ni pag isipan sila nang masamaKung minsa'y hindi na nila ako napapansin
Parang ako ay dumadaan daan lang na hangin
Di ba nila alam na ako'y pamilya rin?
Pero bakit hindi man lang nila ako batiin?Mag isa na nagsasaya sa aking kaarawan
Dahil sa kanila ito ay parang wala naman
Hindi tulad pag kaarawan ni Ate o Kuya
Binibigyan nila Inay at Itay ng bagong blusaPumunta ka dun, bumili ka nyan
Gawin mo yun, linisin mo yan
Tila alipin kung ako'y turingin
Bakit kayo ganito sa akin?Kaano-ano ko bang talaga sila?
Ganito ba ang turing ng isang pamilya?
Tila parang iba ako sa'king mga kapatid
O sadyang utak ko lamang ay makitid?
