#5Maganda ka

27 2 0
                                    

Ikaw na palaging namamangha
Sa mga taong magaganda
Na araw araw mong nakikita
Tuwing ikaw ay naglalakad mag isa

Noo nila ay hugis perpekto
Malapad naman ang sa iyo
Ika'y napatingin sa mapungay nilang mata
Naiingit sa pilik mata nilang mahahaba

Ilong nila sing tangos tulad ng sa kano
Palagi namang nakapada ang ilong mo
Labi naman nila maninipis at mapupula
Iyo nama'y malaki na nga ay maputla pa

Buhok nilang mahahaba at mabango
Ang iyo naman ay napakaraming kuto
Kutis nila ay sobrang napakaputi
Ngipin naman nila'y pantay pag nakangiti

Katawan nila'y perpekto at nagpapayatan
Tila baboy ka naman sa sobrang katabaan
Matangkad na nga sila ay marikit pa
Sa sobrang liit mo naman, di ka na makita

Iyong tinitignan mula ulo hanggang paa
Inaasam na sana ganoon ka din kaganda
Bawat kilos nila iyong pinag aaralan
Porma naman nila nais mong makamtan

Ngunit hindi mo na ba napapansin?
Puso mo puno na ng inggit
Ikaw mismo ay ang iyong nilalait
Sarili mo na din ang minamaliit

Ikaw ay ikaw, at hindi iyon magbabago
Kahit ano mang pilit ang gawin mo
Pagmamahal sarili ang iyong kailangan
Upang inggit mapalitan ng kasayahan

Maganda ka ngunit di mo nakikita
Pagkat nakatingin ka sa ganda ng iba
Pahalagahan mo sarili mong kagandahan
Pagiging kontento dapat mo ng simulan

Sapagkat iyan ang ibinigay sa iyo
Tanggapin mo dapat ng buong puso
Palagi mo na din isa-utak at tandaan
Ikaw ay mayroon ring kagandahan

Unsaid Words | PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon