Ramdam mo ba ang sakit?
Kung pamilya mo ikaw ay nilait
Dahil sa ikaw ay di kagandahan
Ika'y kanila na lamang pagtatawananTuwing maririnig mo kanilang halakhalakan
Luha sa mata mo'y agad magu-uunahan
Pero ito'y di mo na lamang pinahahalata
At nagpapangap na sing saya nilaTila di mo na kinaya masasakit na salita
Na natatanggap mo sa iyong pamilya
Kaya't agad agad kang tumakbo
Sa loob ng sarili mong kwartoPagkasara mo ng iyong pintuan
Luha mo'y agad nagbagsakan
Sakit na iyong nararamdaman
Sadyang hindi matutumbasanMasakit na salita, lagi mong natatanggap
Galing sa iyong pamilya, iyon ang masaklap
Di na mo na rin kinaya ang magpaggap
At ginawa mo na matagal na dapat naganapMaya maya ang hinahanap mo'y nakita
Kutsilyong nakalagay sa iyong kama
Kaya't agad agad mo itong kinuha
Pagsaksak sa sarili iyong ginawa