Sa araw araw na ikaw ay lagi kong nakikita
Di ko parati maintindihan aking nadarama
Ang aking puso'y kinakabahan at natataranta
At aking masasabi, sa iyo ako'y humahangaKilay mo'y kakaiba, mata mo'y mapupungay at singkit
Ngunit para sa akin, tila ito ay napakarikit
Matangos mong ilong at labi mo ay kay pula pula
Parang parati kong nais makita gwapo mong mukhaSa tuwing mga mata nating dalawa'y nagtutugma
Ramdam ko aking mukha ay agad agad namumula
Lalo na pag magulo mong buhok iyong hinahawi
Aking nararamdaman sa tyan ay nakakakilitiHabang tumatagal panahon na ika'y aking gusto
Ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko sayo
Na kapag ikaw ay nakita kong may kasamang iba
Ako'y nasasaktan, aking tanong, paghanga ba o mahal na?