#1Aral pala

58 3 0
                                    

Nagsimula tayo sa hindi magkakilala
Walang pakialam makita man kita
Ni pangalan hindi ko alam
Ni itsura hindi ko din matandaan

Ngunit isang araw, isa sa'yong mga kaibigan
Di ko inaasahan, sa akin ay may nais sabihin
"Ate, hinahangaan ka kaibigan kong ito."
Mga kaibigan mo'y agad kang itinuro

Ngunit ng ika'y aking bigyang pansin
Ika'y agad kong kinahumalingan
Nginitian kayo at agad na umalis
Kabog ng aking puso'y agad bumilis

Sa sumunod na mga araw, ikaw at ako
Mga kaibigan mo lagi tayong binibiro
Ikaw itong sinasaway iyong mga kaibigan
Pero kaibigan mo lalo tayong hindi tinitigilan

Dumaan maraming araw, walang pinagbago
Hindi pa din tumitigil mga kaibigan mo
At sa tuwing ika'y inaasar sa akin
Kabog ng puso ko, sinbilis takbo ng kabayo

Ano itong nararamdaman ko?
Bakit mabilis tibok ng aking puso?
Araw araw, lagi lagi
Tanong sa aking sarili

Isang gabi, aking napagtanto
Alamin ang pangalan mo
Kaya't ngayon ay heto ako
Pursigidong malaman munting pangalan mo

Buhay na iyong kinatatayuan
Lahat ay akin na ring nalaman
Pati pangalan ng 'yong magulang
Aking inalam iyong mga impormasyon

Larawan mo'y pinagmasdan
Agad akong natigilan
Saka lamang nalaman
Ako pala'y may pagtingin

Tinanong ako ng mga kaibigan ko
Kung ako daw may pagtingin sayo
Aking itinanggi sabihin ang katotohanan
Sa takot na malaman aking nararamdaman

Ngunit aking mga kaibigan
Atat nang malaman
Kung anong katotohanan
Kaya't inamin tunay na nararamdaman

Bakit tinantanan tayo mga kaibigan mo?
Walang pakealam makita man tayo
Tumigil sila pagbibiro sa atin
May kung anong lungkot akong naramdaman

Kaya't ng nalaman mga kaibigan ko
Agad nilang inamin pagtingin ko sa iyo
Bumalik sa dati mga kaibigan mo
Ikaw at ako agad tayong biniro

Ngunit ng iyong nalaman
Tunay kong nararamdaman
Agad akong tinggihan
Ng walang pag aalinlangan

Kirot doon, kirot dito
Ngayong nararamdaman ko
Aking puso'y agad nabigo
Luha sa aking mata'y agad na tumulo

Kaya pala tumigil mga kaibigan mo
Kasabay ng pagtigil ng nararamdaman mo
Ngayon, paano na itong nararamdaman ko?
Sugatan kong puso, bat di mo sinalo?

Lumipas isang taon
Aking nabalitaan
Lumipat ka na daw
Sa ibang paaralan

Lungkot na aking nararamdaman
Agad na nadagdagan
Sa aking bagong nalaman
Ikaw pala'y may bagong nililigawan

Dumaan ilang buwan
Ika'y aking kinasuklaman
Sakit na aking nararamdaman
Pinilit na kinalimutan

Kaya pala dumaan ka sa buhay kong ito
Upang bigyang aral, aking utak at puso
At ang sakit na idinulot mo
Naging aral sa aking pagkatao

Unsaid Words | PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon