#2Ikaw pa rin

25 2 0
                                    

Hindi ko maintindihan
Kung anong nararamdaman
Paiba ibang saloobin
Binubulong ng puso sa akin

Batid kong may pagtingin pa din
Sa minahal ko sa nakaraan
Sapagkat nararamdaman ko
Kung gano kabilis tibok ng aking puso

Tuwing mata nati'y ulit nagtutugma
Aking puso'y kakaba kaba
Ako'y agad na natataranta
At di alam kung anong magagawa

Gabi gabi'y di ako mapakali
Pangalan mo'y sinisigaw muli
Mapatigil lang ng kaunti
Mukha mo agad ang nasa isip

Pabago bagong nararamdaman
Siguro nga'y may pagtingin pa din
Sapagkat "oo" sinisigaw ng aking puso
Ako'y muling nahulog sa isang tulad mo

Noon' minahal na kita
Ng higit pa sa sobra
Kahit utak ko'y alam
Ito'y di mo matutumbasan

Oo't nasaktan mo na ako noon
Puso ko'y bat di pa rin matauhan?
Nakulong ng muli sayo, aking sarili
Sapagkat ika'y minamahal kong muli

Unsaid Words | PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon