#15Balang Araw

8 1 0
                                    

Nag-iisa sa tahimik na kapaligiran
Tulalang nakatingin sa buwan
Iniisip ang gumugulo sa isipan
Tinatanong ang sariling kakayanan

Tila ako lamang ang nakakaramdam
Mga sakit na ako lamang ang nakakaalam
Hinanakit na dinadala na ng ilang taon
Ah, kailan kaya ako makakaahon?

Masyado lamang ba akong makasarili
Nag-iisip nga lamang ba ng mga mali
Mismong sarili ay akin ng pinagdududahan
O hindi mo lang alam ang aking nararanasan

Bakit hindi sumasang-ayon ang panahon?
Baliktarin naman natin ang sitwasyon
Nang maunawaan mo aking pinaghuhugutan
Baka sayo ko rin makuha ang mga kasagutan

Umaasa na balang araw ay maiintindihan
Lahat ng mga sakit na aking nararamdaman
Pagod na pagod ng makatulog na luhaan
Pinagdarasal na gumaan na ang kalooban

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unsaid Words | PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon