Isang napakaaliwalas na kahapunan
Sa aking mga kaestudyante ang dumaan
At isang programang kami ay binigyan
Ng aming paaralan na pinapasukanAking puso'y agad na kinabahan
Sapagkat hindi ko pa ito nararanasan
Kaya't ito'y agad kong pinaghandaan
Dahil iyon daw ay minsan lamangPagkarating ko sa aming paaralan
Ay agad kong pinuntahan
Ang programa'ng pag gaganapan
Na aming pinagtulong tulunganAko'y umupo sa katabi ng aking kaibigan
Kami'y nagdaldalan at nagpapurihan
Pero tila may hinahanap aking mga mata
Mata nati'y nagtuma ng ika'y aking makitaIyong mga mata tila may sinasabi
Labi mo nama'y gumuhit ng isang ngiti
Sa aking kinauupuan, hindi ako mapakali
Kaya't pagiwas ng mata'y aking piniliAking mga kamag-aral ay kaysasaya
Tulad ko'y may mga kolorete rin sa mukha
At mahahabang kadamitan na magagara
Nagsuot din ng nagtatangkadan na bakyaIlang minuto muna ang nagdaan
At programa'y agad na sinimulan
Kaya't kami ay nagsipagtayuan
Mula sa aming kinauupuanPagod ay agad kong naramdaman
Pahinga muna ang aking kailangan
Kaya't ng makita ko ang aking upuan
Iyon ay muli ko nanamang nilapitanMga dumalo'y aking pinagmasdan
Ang iba sa kanila'y nagsisipagkantahan
Ngunit mas marami ang nagsasayawan
Tila lahat sila ay mga nagkakasiyahanIlang mga lalaki sa akin ay lumalapit
At sa kanila di na ako nagpapapilit
Kaya't kung minsan ako'y bumabalik
Sa entablado namin na malawakPanibagong kanta'y muli naming narinig
Batid kong pamilyar iyon sa aking tinig
Natulala ako sapagkat aking napagtanto
Kinanta mo sa akin ang musikang itoAng aking mga mata'y muli kong iginala
Agad kong hinanap ang iyong mga mata
At ng ikaw ay muli ko nanamang makita
Nakakagulat lang ikaw pala'y nakatigin naIkaw ay unti unting lumapit at nagtungo
Sa gawi kung saan ako'y nakapwesto
Iyong kamay ay agad mong inilaan
Sa babaeng nasa aking likuranBabaeng maganda'y iyong inalalayan
Papunta sa gitna ng entabladong bilugan
Isang musika na napakasarap sa tainga
Ngayon ay pinagsasaluhan nyong dalawaAking luha tila gusto ng magbagsakan
Ngunit ito'y agad kong pinunasan
Upang ako'y hindi maging kahihiyan
At kayo'y akin na lamang nginitian