Sa aking pag kaka-alam
Lahat ng tao'y may kasalanan
Sapagkat hindi tayo perpekto
At pare-parehas lamang na taoNgunit ako etong inaabuso Iyong kabaitan
Kaya't hindi ko na namamalayan
Masyado na pala akong nasosobrahan
Sa dami na ng aking mga kasalananLahat ng tao ay pwedeng magbago
Kung nanaisin mo ito, tulad ko
Dahil sabi ng mga tao, lahat ng sobra
Ay nakakasama lalo't tungkol sa pagkakasalaMahal kita Ama, higit pa sa akin
Kaya't hindi ko na sasayangin
Sakripisyong ginawa Mo para sa amin
Kaya't sarili ko, sisimulan ko ng ayusinAraw araw man ako humingi ng patawad
Alam kong hindi matutumbasan kaagad
Nang ganon ganon na lamang
Sa dami ng nagawa kong kasalananNgunit ako'y hindi magsasawa
Kahihingi sa Iyo ng pasensya
Dahil ito ang tunay na nararapat
Upang nais ko ay aking makamitNgunit Ama, magtatanong ako
"Ako pa ba'y mapatatawad Mo?"
Dahil sa dami ng aking kasalanan sa Iyo
Hindi ko batid kung mapatatawad Mo akoAraw gabi, sa Iyo kong idadalangin
Lagi ko na rin sa Iyong hihilingin
Isang munti kong panalangin
Na ako'y Iyo ng disiplinahinDisiplina sa sarili, nais ko ng makamtan
Upang hindi na makagawa maraming kasalanan
Kaya't aking hihintayin na dumating
Akin sa Iyong munting kahilinganAma, sa Iyo'y nais kong ipaalam
Na hangang sa aking kamatayan
Ay hindi ko sadyang malilimutan
Pagmamahal mo sa lahat ng bayanKaya't aking Ama na nasa kaitaas taasan
Ikaw ay aking minamahal na lubusan
Kabaitan Mo'y hindi matutumbasan
Kaya't patawad sa aking mga kasalanan