A Chance Encounter.

313 6 0
                                    

Serena's POV

As the sun hit my face agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at lumapit sa bintana ng kwarto ko "Good morning Philippines!" masigla kong sigaw.

Agad naman akong bumaba at wala na akong naabutan na tao sa loob ng bahay kundi ako lang.

Si mommy naman kasi ang agang umaalis para buksan ang café nya, pero kahit ganon sinisigurado naman nya na napagluluto nya ako ng almusal at naaasikaso pag may libreng oras sya.

Matapos kong kumain at hugasan ang mga pinggan ay naglinis agad ako ng bahay at inaayos na ang mga susuotin ko at dadalhin kong gamit sa cebu, yes, I'm going to cebuuuuu. Pupunta ako ron para mag relax and syempre para mapanood na rin ang sikat na Sinulog Festival.

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay agad naman akong nagpahatid sa driver namin sa airport; pagkarating ko dito ay inintay ko nalang na matawag ang eroplano na sasakyan ko.

Nasa loob na ko ng eroplano at abalang nakatingin sa labas hanggang sa dalawin ako ng antok.

Di ko na namalayan ang oras kung anong oras kami nakarating dito sa cebu tinapik nalang kasi ako ng isang F.A para sabihin na nandito na kami sa cebu.

Pagkababa ko ng eroplano ay agad ko namang tinaas ang mga kamay ko sa ere habang nakapikit at nakangiti "hi cebu" sabi ko sa sarili ko.

Wala akong sinayang na oras at agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa hotel na binook ko, pagkarating ko dito ay lumapit lang ako sa counter para kuhanin ang susi ng room ko "Hi po, kailan po mag uumpisa ang Sinulog fest dito?" tanong ko sa babae.

"hello ma'am, bukas pa po ang umpisa, 2:00 pm po" magalang nitong sagot sakin at tumango naman ako at nagpasalamat tsaka ako nagtungo sa kwarto ko.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad kong inayos ang mga gamit ko at nagpahinga saglit, tinext ko na rin si mommy para sabihin na nandito na ko sa cebu at nakarating ako ng ligtas dito.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa, ala-sais naman ng gabi ng magising ako, ang haba ng tulog ko palibhasa ay pagod kahit wala pang ginagawa.

Agad naman akong bumangon at hinanap ang telepono ng hotel para tumawag sa kanila at umorder ng kakainin ko para sa hapunan.

Ilang minuto lang ang hinintay ko at may nag doorbell na sa labas ng pintuan ko agad ko namang nilapitan yon at binuksan.

"Good evening ma'am, here's your order po. 527 po ang total ma'am" sagot nito sakin at inabot ko naman ang bayad ko at pinapasok ko na dito ang order ko at kumain na.

8:30 na ng mag halfbath ako dahil sa lagkit na nararamdaman ko sa katawan ko, matapos kong mag halfbath ay ginawa ko lang ang night routine ko tsaka ako dumiretso sa kama ko, hindi ako lumabas ngayon kasi sinave ko yung energy ko para bukas.

10 pm naman ng naisipan kong matulog na para maaga rin akong magising bukas.



(MORNING)

Nagising naman ako dahil sa ingay na nag gagaling sa cellphone ko dahil sa sinet kong alarm.

Nanatili pa ko ng ilang minuto sa kama ko bago tumayo at nag tungo sa CR para mag hilamos at toothbrush. Nang nakapag ayos na ko ay napag desisyunan kong sa labas nalang kumain ng breakfast para na rin makapag lakad-lakad ako.

FF (1:30 PM)

Nagmamadali akong nag ayos ng sarili ko dahil 30 minutes nalang mag sisimula na ang sinulog at bbyahe pa ako.

saktong alas dos naman ng makarating ako sa venue kung saan gaganapin ang street dance para sa Sinulog festival.

Napamangha naman ako dahil sa makulay at magandang desenyo ng kalsada, maiingay din ang mga tao dahil may mga grupo na tumutugtog.

Ang saya halos hindi na nga ako magkamayaw kakapindot sa camera na dala ko kasi ang ganda talaga dito! Memory kaya ito no, ngayon lang kasi ako nakapunta dito sa cebu.

Habang nagkakagulo ang paligid agad naman ang napatingin sa hawak kong camera dahil nakatutok ito sa isang babae sa di kalayuan, agad naman akong napatulala sa kanya, may stranger naman nagpakuha ng litrato sakin at agad ko namang ginawa, matapos yon ay agad kong binalik ang tingin ko kung saan ko nakita ang babae pero ganon na lamang ang pagkadismaya ko dahil wala na ito roon, hahanapin ko pa nga sana siya kaso ay nagsimula na ang street dance kaya doon ko nalang tinuon ang atensyon ko at kumuha ng mga litrato.







JOVANA'S POV

I'm here at cebu for a short visit and also to see the beauty of cebu and the famous Sinulog fest.

Nasa kabilang panig ako ng kalsada at pinapanood ang kabataang sumasayaw sa kalsada when my eyes landed on the girl who's on the other side of the road;she’s dancing with other people, laughing and clicking her camera non-stop, the way she smile, the way her eyes smile it make me smile too, i don't know why I'm feeling this pero I think I have a small crush on the stranger.

Hindi naman naalis ang tingin ko sa babaeng yun at sinusundan ko lang siya ng tingin ng makita ko na lumapit siya sa isang stall na nagbebenta ng handcraft; agad naman akong nagtungo doon at tumingi tingin na rin.

When I saw the girl that I really wanted to see, I start a conversation.
"This piece is stunning, isn't it? I've always loved the craftmanship of these local artisans." I politely said to the girl who's busy with the handmade jewelries.

Napatingin naman ito sakin "It really is, I'm fascinated by how every piece tells a story, Are you visiting cebu or living here?" tanong naman nito sakin habang nakangiti.

Napangiti naman na rin ako at sinagot sya "I'm actually here for a short visit, how about you?"

"I’m here for a vacantion I really want to experience this festival and explore the local culture." nakangiting turan nito sakin.

"How's the experience?" tanong ko naman dito.

"It's been an amazing experience so far" she said while smile from ear to ear.

Our conversation flowed easily, and we decided to explore the festival together since were both alone. We enjoyed the lively performances, sampled streetfoods, and wandered through the colorful stalls. We also shared curiosity and enjoyment of the festival created a natural bond with us.

As we spent more time together, we discovered a deep connection. We talked about our passions, dreams, and experiences, finding common ground and enjoying each other’s company. I admired how serena’s enthusism and zest for life.

On the other hand serena was drawn to jovana’s warmth and genuine interest.

We bid our goodbye to each other since the street dance is already done at the sky is getting darker.

"thank you for today jo, I really enjoyed this festival and also your presence" nakangiti nitong sabi sakin.

"You're welcome and thank you rin, I really enjoy the bond that we shared and also this colorful festival, see you around serena" I said to her while smiling before she went in to the taxi.

I was at my hotel room when I realized something hindi ko pala nahingi ang number nya, paano kasi nag enjoy akong kausap sya at nakalimutan kong hingin ang number nya at socials

Pumunta naman ako ng cr at nag linis
ng katawan bago humiga sa kama, 11:30 pm na at hindi pa rin ako makatulog paano naman kasi hindi maalis sa isip ko ang itsura ni serena, ang ganda niya lalo na pag nakangiti. I want to see her smile everyday because it makes me smile too; ilang minuto lang din ay nakatulog na ako.

Love and ResilienceWhere stories live. Discover now