Chapter 8

1 0 0
                                        

Chapter 8

“Looking for me?”

Halos limang minuto na akong naghihintay.

“Where are you from?”

Asik ko sa babae, mamamatay na ako sa boredom.

“Ikaw na yung mukhang nanay sa’tin, Kiara”

I rolled my eyes at her silliness

“Hmph, ang tagal mo kasi. Alam mo naman na ang tagal ko ng hindi nakakalabas ’di ba? I wanna smell blood and hear begging! I think mababaliw na ako sa loob nito”

I hear her laugh from behind bago siya naupo sa harap ng screen at nagsalita.

“Matagal ka ng baliw, Kia. But only I and you are aware of that”

Napanguso ako sa sinabi niya bago ngimuti ng matamis.

“Nuh-uh, Faye. You forgot those who knows batangnasadilim!”

“Tsk. Para kang bata, buti at kilala kita kundi baka pati ako mapaniwala mong mabait ka”

Hagip sa tono niya ang pagbibiro.

Biglang tumunog yung screen na ikinalawak ng ngiti ko at nagpangisi kay Faye.

[Location Detected, Location Detected—Found. Please wait... 1%......8%.......

.....18%........54%.

  .......86%....


...99%...100%.

FOUND AND CONFIRMED!¿?#&$]

“Guide me”

Hindi ko na nilingon si Faye at diretso ng umalis, narinig ko ang “Goodluck and enjoy” na sabi niya sa’kin sa headset.

Dahan-dahan at pulido ang galaw ko, walang dapat makahuli.

Napakadami ng bantay sa mansion na ito, napakataas din ng bakod.

Kung hindi pa ako nagtraining ng husto ay hindi ko talaga kakayaning makalabas.

Bantay sarado ako ng hindi mabilang sa daliri na bantay pero syempre ako na’to noh? Natatakasan ko sila.

Sino bang nagsabing lulundagin ko ’tong pader? Tangina, sinong tanga ang gagawa non?

Kinuha ko yung bilog na bagay sa gilid ko at pinindot yung isang button, lumabas yung lubid na may hook sa unahan at dumiretso papuntang pinaka-itaas ng bakod at kumapit doon.

Pinindot ko uli yung button ng isa pa kaya naman bigla akong lumipad paitaas, hinatak kasi ng bola yung lubid papasok kaya umaangat ako, gets?

Mabilis lang yung nangyari, agad na akong tumalon pababa.

Mas madaling bumaba kesa umakyat, try mo sa 4th floor.

“Kaliwa”

Rinig kong sabi sa headset kaya mabilis ako na tumakno papuntang kaliwa.

“Huminto ka sa eskinita, babae”

Ginawa ko.

“May nakaparadang motor, kuhanin mo. Hinanda ko ’yan”

Nakita ko yung black na motor

“I’ll ride you, baby”

Hinalikan ko ito bago pinaandar, nakapasak na nga ih susi e.

“To the left”

“Next, stop to the right. See the blue line? Go there”

Nadetect ng digital yung tinutukoy niya and that’s how it works. Sinunod ko yung direksiyon with the help of Faye and that detector.

Mahaba ang byahe pero dahil ako ang batangnasadilim ngayon, wala akong pake sa batas trapiko.

Ala-una na kaya wala na ding mga tao.

And there I saw, a damn fuckin holy shit black wall.

Imbes na kilabutan, mas lalo akong ginanahan at na-excite. Ano kayang nasa loob niyan.

Iniready ko na yung ginamit ko kanina at umakyat sa bakod, syempre hindi ako umakyat sa harapan. ’Di ako tanga para magpakita sa cctv o sa mga tagabantay.

Nakapasok na ako sa loob, tumingin sa paligid para i-detect kung may mga bagay o high-tech equipment na nanonood sa’kin.

“Clear”

Malinaw na sabi ni Faye.

Nung may nakita akong guard hindi na ako nag-aksaya ng oras.

Ginamit ko yung maliit na karayom at mabilis na inihagis iyon sa kanya, diretso sa leeg.

‘It’ll take 5 minutes to completely kill him’

Sakto lang para makaalis sa lugar na’to.

Gano’n rin ang ginawa ko sa iba, hindi ito halata kasi maliit talaga at pagkatapos tumama nito sa’yo ay nalulusaw kaagad na mas lalong nagpapalakas sa lason.

Malaki yung bahay, sigurading naligaw na ako dahil parang maze ang style kung walang Faye at detector.












Kiara (Gerande #1)Where stories live. Discover now