Chapter 5
Nang makaalis ang matanda dahil pinaalis ito ni kuya malamang.
“Why?”
“I don’t like him, he seems like a bad guy”
“I see”
Tumahimik ang loob ng kwarto ko saglit bago ako nagsalita.
“I can handle myself, kuya. If that’s what you are worried of, na-handle ko nga this past years, ngayon pa kaya?”
“I know na kaya mo, Kia. But the thing here is ayaw kong ipressure mo yung sarili mo kaya nagrequest ako para may magturo sa’yo”
“Hindi naman ako nahihirapan at na-p-pressure, kuya. Magsasabi naman ako kung oo pero hindi naman, I evem find it easy kaya there’s no need na, ok?”
Bumuntong hininga ito bago ngumiti.
“I can’t believe you’re growing up too fast”
Ginulo nito ang buhok ko bago ibigay ang isang kahon sa akin.
“Happy birthday, Kia”
He remembered. Akala ko nakalimutan na niya kagaya ng iba pero hindi.
My eyes watered instantly and I know he regrets saying those words.
We bonded together like what we usually do.
It’s so fun! Sana ganto araw-araw. Sana palaging masaya.
Umalis si kuya ng hapon baka raw mahuli siya sa ball.
Nakaka-curious naman, anong klaseng mga tao ba ang pupunta doon? Mga mamamatay tao ba kagaya ng ama ko? O nga drug dealers? O baka naman illegal settlers?
Di bale na mas masahol pa nga doon ang ama ko.
“Faye? May pagkain ka ba riyan?”
Nagugutom nanaman ako.
“Ikukuha nalang kita sa kusina”
Walang pasabi na itong umalis at kumuha ng pagkain.
Ang ingay. Ang ingay-ingay.
Ang tagal ni Faye, nagugutom na talaga ako.
May kalokohan nanambang pumasok sa ulo ko pero kaagad kong iwinaksi iyon.
“Saglit lang naman e”
Agad akong tumayo at napangiti.
Saglit lang naman akong sisilip, hindi nila makikita!
Dahan-dahan akong lumabas, palinga-linga.
Nag-iwan si kuya ng iba pang magbabantay dahil sigurado siyang ang malikot kong paa ay maglalakbay nanaman.
‘Tama talaga siya sa hinala niya’
I giggled at the thought.
Nalagpasan ko lahat ng mga guard, anak yata ’to ng head, mga boba.
Malayo ang main field sa kwarto ko, malawak kasi ang mansiyon. Parang palasyo na ito e.
‘Nakakapagod naman!’
I did my ninja moves para mas mabilis na makapunta.
“Wow”
Naggagandahan ang mga palamuti nasa loob, at napakaraming pagkain.
Nakasilip ako sa bintana sa itaas, inakyat ko malamang.
“Nagugutom na talaga ako, ano ba yan. Kainis naman”
Bumaba kaagad ako pagkatapos non, sabi ko nga silip lang, hindi ba?
Napahinto ako ng may narinig akong paparating.
Nagtago kaagad ako sa likod ng halaman, damn it!
“I can’t believe you’ll be the head of Castinova seeing that you’re still young”
No wonder, it’s mens.
“I agree but if any other gets that damn position other than this boy, I’ll surely oppose”
Nagtawanan ang mga lalaki habang ako nilalamok.
‘Kelan ba matatapos yung mga bwisit na ’to?’
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pag-alis nila kaya dali-dali na akong tumakbo papalayo.
Patay ako kay Faye.
YOU ARE READING
Kiara (Gerande #1)
RomanceHer innocent smile hides who she really is, her sweet smile can fool you without a hint.....her innocent yet sweet smile can kill you without mercy. Kiara Yvette, the neglected daughter. Bago mamatay ang mama niya she promised one thing that she'll...