Chapter 3

3 0 0
                                        

Chapter 3

Tama ang hinala niya, may bagong misyon nanaman ang kuya niya.

Bwisit na tatay ’yan, wala man lang kwenta.

Bumalik na siya sa kwarto niya tutal wala naman na siyang gagawin, maliban na lang kung magkukunwari uli siyang mahina kapag pinuntahan siya ng mga bullies.

“Sana naman mapagod na sila, fuck”

Nahiga siya sa malambot na kama, ramdam pa rin ang pagkirot ng katawan niya.

Buti nalang palagi siyang binibilhan ng kuya niya ng gamot, kung hindi baka puro scar na siya.

“Akala ko pa naman prinsesa ako dati,  title lang pala”

Kumbaga sa kasabihan, may korona ka nga, wala namang may pake at sumsunod sa’yo.

Pagkagising niya ng umaga, napansin niya ang sulat sa vacinity.

Madungis na bata,

Aalis muna ako. Mga tatlong araw yata akong mawawala, alagaan mo ang sarili mo. Wag lalampa-lampa, wala ng gagalaw sa’yo, Kia. Kumain ka ng kahit anong gusto mo, sabihin mo lang kay Faye. Yung bagong tagabantay mo. Mag-iingat ka.

-KUYA HADES

Napangiti ako ng malawak, sa wakas. May tagapagbantay na’ko!

“Faye!”

Isang babae ang agad-agad na lumitaw at yumukod sa’kin.

“Lady, ano pong maipagliligkod ko?”

Lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya.

“Pwede mo ba akong dalhan ng milk and chicken sandwich? Tatlo ha! Thank you”

Yumuko ito muli sa akin bago umalis.

Lumipas ang dalawang araw na walang gumagalaw sa’kin, hanggang tingin hindi-ni hindi nga sila makatingin.

Lumabas ako papuntang hardin kasama si Faye.

We became close as days pass by, napag-alaman ko rin na her father sold her off sa black market.

That hurts y’know, sarili mong ama ipagbibili ka?

Naging magkaibigan kami pero sinisigurado ko pa kung mapagkakatiwalaan talaga siya.

Kung hindi niya ipagkakalat ang sikreto ko kahit kanino, kahit mismo sa kapatid kong nag-alaga sa’kin.

‘Syempre noh, mahalaga kaya yung may mapagkakatiwalaan kang, kahit hanggang sa kamatayan dala yung secrets mo’

“Faye, bakit ang ingay sa main field?”

Itinuro ko pa ang bahagi ng mansiyon kung saan maingay.

“May gaganapin yatang ball. Sabi ni Hades pupunta ang ibang Head ng iba pang organisasyon kaya bantayan raw kita ng maigi”

Sabay kaming napairap sa huli niyang sinabi kaya nagtawanan kami pareho.

“Thank you, Faye”

Nagulat siya dahil sa sinabi ko, alam niyang nakaugalian ko na yon pero hindi pa rin siya sanay.

“H-ha?”

I smiled meeting her curious gaze.

“Thank you for protecting me these past days, sa pagiging kaibigan ko, sa pagiging partner in crime ko. Thank you kasi ikaw yung napili ni kuya para magbantay sa’kin”

Faye seems to feel her breath stop ng matapos si Kiara sa sinasabi niya.

She grew up from a messy family and this fucked up organization. Kung saan ang mga babae mas mababa pa sa lalaki, walang mapagkakatiwalaan kasi lahat kaya kang sasakin patalikod o barilin paharap.

But damn this little girl in front of her, she knew being close to someone means weakness.

Nung una niyang makita si Kiara akala niya kaya niyang ihiwalay ang personal na bagay sa misyon lang.

Wala pa ngang isang araw nagawa na niyang kuhanin ang loob ni Faye, nakuha niya ang tiwala nito.

She’s a top skilled assassin kaya nga pumasa siya dito e, sa harap ng lahat she’s stoic and merciless.

Ang kaharap lang pala non isang batang 14 years old, those gaze that held naiveness will surely kill her own pero that’s also the reason why she want to protect her.

That day the 18 year old assassin bowed her loyalty to the 14 year old girl, deep in her heart.

Kiara (Gerande #1)Where stories live. Discover now