Hues of Love Anthology #7
COMPLETE
Agatha Vasquez, a struggling mystery writer, moves to Nova City searching for her missing sister, Clea. When she discovers a business card linked to Damien Flaine, a ruthless billionaire, she becomes convinced he's...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ito ang hudyat ng pag-iimbestiga ni Agatha. Sa hindi inaasang pangyayari na kilala niya si Damien Flaine. Ang Diyos na mismo ang gumawa ng para pagtagpuin sila. At naging buenas siya nang inalok siya nitong maging personal assitant siya. Halos maiyak siya at hindi na nagpakipot na tagganpin ang offer nito.
Si Damien mismo ang magdadala sa sarili nitong patibong. Kapag mapatunayan niyang ito ang may pakana, hindi siya magdadalawing isip na ipakulong ito. Mayaman at makapangyarihan ito, hindi basta-bastang maidala sa kulungan. Ngunit kailangan niya maging wais. Kailangan niyang humanap ng matibay na ebidensiya.
"Agatha, sigurado ka ba na doon ka muna titira?"nag-aalalang tanong ni Pina habang tinutulungan niyang nililigpit ang gamit ng pinsan. Wala pang one week na nanirirahin ito at agad naman nakahanap ng bagong oportunidad. Hindi niya inaasahan na ang mismong may ari ng Flaine Group ang nag-offer na maging personal assistant ito.
Sinara muna ni Agatha ang maleta bago sumagot. "Oo, sayang naman ang opportunity kung hindi ko i-ga-grab diba? Saka ito na siguro ang tamang panahon para matuklasan ko ang pagkawala ni Ate,"sabi niya sa mabayad na boses pero puno ng determinasyon.
Niyakap agad siya ni Pina. Hinagod niya ang likod nito. Ayaw niya sanang maging emosyonada pero tinutulak siya nitong umiyak. Inaamin niya, may takot siya sa loob ngunit kailangan niyang magpakatatag para sa hustisya.
"Mag-ingat ka palagi doon. Ipagdarasal kita na sana magtagumpay ka sa lahat ng pinaplano mo,"huling pahayag ni Pina bago tuluyang lumisan si Agatha sa kanyang bahay.
Bumaba si Agatha mula sa taxi, bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang malalaking iron gates ng mansiyon ni Damien Flaine. Tumambad sa kanya ang malapalasyong istratutura na tila naliligo sa kulay kahel na liwanag mula sa papalubog na araw. Humugot siya ng malalim na hininga, humigpit ang pagkahawak niya sa kanyang luggage bago itulak ang gate at tahimik na naglakad patungong main door.
Sinalubong siya ng isang matandang lalaki na nakasuot ng maayos na itim na suit. Nakangiti itong sinalubong siya. Kahit papaano, friendly ang isang 'to.
"Miss Vasquez,"bati ng Butler sa nagagalak na boses. "Hinihintay po kayo ni Mr. Flaine."
Napalunok si Agatha, nag-alinlangan siyang tumango, at sumunod sa butler. Habang tinatahak nila ang mahabang pasilyo, hindi niya mapigilang suriin ang malamig at marangyang interior design ng bahay. Marmol ang sahig, kristal ang chandelier, at may mamahaling mga painting na nakasabit sa pader.
Huminto ang butler sa harap ng malaking pintuang kahoy. Kumatok muna ito bago buksan ng bahagya.
"Naghihintay na siya sa inyo,"sabi ng Butler bago siya iniwan.
Nagdalawang-isip muna si Agatha bago pumasok. Sinikap niyang maging matatag.
Nakaharap sa bintana si Damien na naghihintay sa kay Agatha. Nang maramdaman niyang pumasok ito ay kaagad niyang nilingon ang dalagang iniaasam niya.
"Sit,"sabi niya, sa malalim at maawtoridad na boses. Tinuro niya ang bakanteng sofa ng kanyang study room.
Sinabayan niyang umupo si Agatha, ilang saglit silang tumahimik bago siya magsalita ulit. "You're here to be my personal assistant,"sumandal siya habang tinatapik ang daliri sa armrest ng sofa. "Simple lang ang mga gagawin mo. I-aayos mo ang mga iskedyul ko, mga meeting at iba pang gawain ko. As I said before, you'll stay here as long as you are my assistant."
Hindi magawa ni Agatha magsalita o tumanago kaya tinignan siya ng mataman nito."Is there a problem?"
Mabilis na umiling ang dalaga. "Wala po, Sir. Naiintindihan ko po ang sinabi niyo,"kabado niyang pahayag.
"Good,"tugon ni Damien, ngumiti siya. Sinisikap maging hindi nakakatakot ang mukha. "Yopu'll have everything you need here. But remember-this house has rules. Break them,and you'll face the consequences."
Humigpit ang tiyan ni Agatha sa malamig na tono nito. Lalong lumakas ang hinala niya. "Naiintindihan ko po,"mabilis niyang tugon sa kabila ng malakas na tibok ng puso niya habang pilit na pinanatili ang kalmadong ekspresyon.
Matagal na tinitigan ni Damien ang dalaga, tahimik niyang hinuhusgahan ito bago siya tumayo. "You may go. The butler will show you to your room."
Marahang tumayo si Agatha, ramdam niya ang tensyon sa buong katawan habang mabilis na tumitibok ang puso niya. Habang papaalis siya naramdaman niya ang mga matang lumiliyab sa kanyang likuran.
Sa susunod na dalawang linggo, tila isang anino si Agatha sa loob ng mansiyon. Tahimik niyang ginagawa ang trabaho, araw-araw pareho ang nangyayari- inaayos ang meeting, nagpapadala ng emails at inaayos ang imperyo ng misteryosong bilyonaryo. Palaging nandoon si Damien, hindi nito inaalis ang mga mata sa kanya. Bawat galaw niya ay sinusubaybayan nito.
Ginugol niya ang oras kasama ito pero hindi pa rin nasasagot ang mga katanungan sa isip niya. Gusto niyang konprontahin ito tungkol sa pagkawala ng kapatid niya. Gusto niyang tuldukan ang paghihirap na ito.
Malakas ang kabog ng dibdib niya ng pumasok siya sa kwarto ni Damien, nanginig ang baso ng gatas na hawak ng kanang kamay niya. Napalunok siya, pinatatag ang sarili. Ngayong gabi, she would confront him-no more pretending, no more waiting for answers.
Madilim ang silid, tanging maliit na ilaw lang ng bedside lamp ang nagbibigay liwanag. Nakaupo sa dulo ng kama si Damien, hindi nakabutones ang shirt niya, inangat nito ang tingin nang pumasok si Agatha, kumibot ang labi niya.
"Milk?"tanong ni Damien sa mababa at halos na-a-amused na tono. Sumandal siya sa headboar para tignan ito ng malapit.
"Opo"sagot ni Agatha, pinanatiling matatag. Lumapit siya amo niya at pinatong ang gatas sa mesita nito.
Aalis na sana siya pero bigla kinabig nito ang kamay niya. Hinala siya nito palapit at halos hindi siya makahinga nang magdiki ang katawan nila.
"Alam mo,"bulong ni Damien sa tainga nito, na may mapanganib na boses. "Hindi ako humingi ng gatas dahil nauuhaw ako," nanilim ang kanyang mata, nanatili 'yon sa mukha ng dalaga. "I wanted you here."
'Sir..."bulong ng dalaga,sinisikap i-steady ang boses pero nawala ng bigla siya nitong hinila pahiga ng kama, naalarma siya sa sobrang lapit nila. "Hindi po ako pumunta rito-"
Tinakpan ni Damien ang labi nito gamit ang hintuturo. Nilibing niya ang mukha sa leeg nito at sinimulang halikan ng marahan, hanggang naging intense nang makaramdam siya ng pagkauhaw. Pumiglas ang dalaga kaya pinigilan niya ang dalawang kamay nito at mabilis na nilagay sa uluhan nito.
"You came,"bulong niya,"because you want me."
Kumabog ng malakas ang puso ni Agatha at rinig yon ng binata, pero hindi inanda. Kinuyom niya ang mga kamay, nalalaban ang isip. Hindi dapat siya maunahan ng pagnanasa. Kailangan niyang mag-focus. Nandito siya para kay Clea. Kailangan niya malaman ang totoo.
Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob, nilabanan niya ito hanggang makahanap siya ng paraan para makawala. Tinulak niya si Damien sa didib. "Tama na!"matapang niyang sigaw. "May gusto akong itanong.
Sumalpok ang kilay ni Damien, kinulong nito ang malalim na titig kay Agatha. "Sabihin mo."
Agatha licked her lips, iniipon ang lakas ng loob habang ramdam ang mga matang sumusunod ni Damien sa kanyang labi. "I-Ikaw ba ang may pakana sa pagkawala ng kapatid ko? Ikaw ba ang dumukot sa kanya?"