Epilogue

26 7 3
                                        

Habol-hiningang tumatakbo si Damien sa kahabaan ng platform ng tren, ang mga mata'y punong-puno ng kaba. Nakita niya kaagad si Agatha sa kabila ng maraming tao, nakatayo ito malapit sa pintuan ng tren, nakatingin din sa kanya. Hawak ng kamay nito ang maliit na trolley-handa nang bumalik muli sa bayan nila para klaruhin ang problema sa kanyang kapatid.

"Wait, Agatha!"sigaw ni Damien sa basag na boses, balot na balot siya ng desperasyon.

Pinatili ni Agatha ang atensyon kay Damien. Kumislot ang binata nang makita ang lungkot sa mga mata nito. Gusto niyang magsalita, ipaliwanag kung bakit hindi siya nakapagpaalam-na abal siya sa trabaho. Naunawaan naman ni Agatha yon pero iba pa rin kung magpapaalam siya ng personal.

Niyakap ni Damien ang dalaga nang magkaharap sila, tila huminto ang oras. Halos ayaw niya itong bitawan.

"Don't go, my love...oh please. Come back immediately,"paos na bulong ni Damien, tila isa siyang bata na natatakot maiwanan. Hindi niya mapigila ng sarili na maluha. Gusto niyang ipakita kay Agatha kung gaano ito kahalaga sa kanya.

Pinakawalan ni Agatha ang malungkot pero matamis na ngiti. Hinawakan niya ang mukha ni Damien matapos itong humiwalay sa kanya. "Kailangan kong gawin muna ito, promise babalik agad ako."

Binigyan ni Agatha ng mapusok na halik si Damien. Masakit man kailangan niyang umali upang ayusin ang problema ng kanyang pamilya. Kaya walang magawa si Damien kundi ang panoorin itong umalis.

Nakahinga ng maluwag si Agatha nang bumukas pinto ng treno. Ginawaran niya ulit ng mabilis na halik si Damien bago pumasok sa loob.

Tahimik na ngayon ang Nova City, ligtas na rin ang Flaine Group, at higit sa lahat ligtas ang kanyang kapatid. Subalit hindi pa rin maiaalis ang kalungkutan sa kanyang puso habang pinagmamasdan niya si Damien, nakatayo pa rin sa platform habang paalis ang tren.


PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO

Maagang-maaga, tila bumabalik ang liwanag sa buhay ni Agatha. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang agahan nang marinig ang katok ng pinto. Kinabahan siya.

Pagbukas ng pinto, bumungad si Damien, magulo ang itim nitong buhok at tila hindi nakatulog sa laki ng eyebags nito. Napukaw ang atensyon niya ng makita ang dalang regalo ni Damien, tila ipinadala galing sa buong mundo. At sa kabila ng lahat ng ito, nakita niya ang kakaibang ningning sa mga mata ni Damien.

"Ano'ng ginagawa mo dito Damien?"nagtatakang tanong ni Agatha.

Masiglang ngumiti si Damien, hindi na ito nag-aksaya ng ora. Agad na lumuhod sa harap ni Agatha, na tila isang eksena sa pelikula, at mula sa bulsa ng kanyang coat, inilabas niya ang isang maliit na kahon.

Tinutop ni Agatha ang bibig nang makita ang kumikinang na blue-daimond ring.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Agatha,"sabi ni Damien sa malalim at pun ng determinasyon na boses. "I won't let you go ever again. Will... you marry me?"

Sa sandaling yon ay tila huminto ang mundo sa paligid nila. Nanginginig siya sa sobrang kasiyahan at pagmamahal. Agad niyang inabot ang kamay kay Damien, maluha-luha na binulong ang "Oo...oo Damien!"

Matapos non ay hinalikan siya ni Damien at punong-puno ng kasiyahan na niyakap ito. Nagpalakpakan ang pamilya ni Agatha at mga tauhan sa likod.

Parang kinikiliti si Agatha sa walang humpay na panghahalik sa kanya ni Damien.
Tumigil ito para bulungan siya.

"Do you know what you are to me, Agatha?"

Nalito si Agatha,"what do you mean?"

"You're an abyss... but not just any abyss. You're my Azure Abyss." Tumigil ito saglit para humugot ng hininga saka pinatuloy. "Deep, mysterious, beautiful... but dangerous. I can't see the bottom, but I keep diving in, knowing I might drown."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Azure AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon