Chapter 1

54 15 4
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakasandal si Agatha Vasquez sa bintana ng umuusad na tren. Nakadiin sa malamig at basang-basa ng hamog ang kanyang pisngi habang minamasdan ang tanawin sa labas. Humalo-halo ang kulay dilaw, kuyumanggi at kahel sa kalikasan na siyang nagbibigay ng lungkot at pangngulila sa importanteng tao sa buhay. Panahon na ng tag-lagas, ang huling pagkikita nila ni Clea matapos ang isang taon. Napadesisyonan ng pamilya niyang ilibing si Clea kahit wala ang katawan nito upang tuldokan ang kanilang paghihirap. Bilang kapatid nito, may duda siya na hindi pa ito patay. Kaya napagdesisyonan niyang tumungo sa Nova City. Ang lugar kung saan nagtatrabaho si Clea.

Tinanggal niya ang earphone na nakasalapak sa kanyang tainga nang marinig ang ingay ng pagpreno ng tren. Dumating na sila sa kanilang destinasyon. Nova City, ang isang masiglang metropolis na may matatayog na mga gusali at makabagong arkitektura. Ang lungsod na tila hindi natutulog, puno ng mga tao at sasakyan. Nakatira'y iba't ibang mga lahi't kultura. Nasa bawat sulok ang mga cafe, restauramt, mamahaling tindhan, habang nagkikislapan ang malalaking billboard. Isang lugar ng maraming oportunidad, at nais puntahan ng lahat.

Napabuntong-hininga siya, tumayo, at hinila ang hawakan ng kan'yang luggage. Mabilis siyang lumabas kasama ang iba. Sinalubong siya ng ingay ng mga tao, mga anunsyo at nagmamadaling mga yabag nang bumaba siya sa masikip na platform. Iniikot niya ang paningin hanggang sa makita niya si Pina ang kanyang pinsan, kumakaway at malapad ang ngiti sa mukha.

"Agatha!"sigaw ni Pina, mabilis siyang tumawid sa gitna ng mga tao. Ang kanyang mukha ay namumula sa tuwa na tila isang liwanag sa gitna ng kaguluhan.

"Pina,"tipid na nakangiting sagot ni Agatha, mahina ang kanyang boses at tila nag-aalinlangan. Niyakap siya ng kanyang pinsan, naamoy pa niya ang pamilyar na pabango nito, isang masarap na timpla ng jasmine at citrus.

"How's the trip?"usisa agad ng pinsan habang ikinakawit ang braso niya kay Agatha. Naglalakad sila palabas ng istasyon.

"Heto, pagod at nagugutom,"mabilis na pag-amin ni Agatha habang ginagala ang tingin sa nagtataasang gusali at abalang kalsada ng syudad.

Simpatikong tingin ang pinukol sa kanya ni Pina habang hindi nawawala ang ngiti sa labi. "Sigurado ka ba sa desisyon mo, insan? Iniwan mo ang writing career mo para gawin 'to? What if mafi-failed ka lang?"

Natigilan si Agatha. Humugot ng malalim na hininga at tumingala sa langit. "Pwede naman balikan kahit anong oras ang pagiging mystery writer ko pero si Ate hindi pwedeng ibalik. Gusto ko lang na suportahan niyo na lang ako sa mga plano ko,"aniya saka binalik ang tingin sa pinsan.

Kunot ang noong bumuntong hininga si Pina. "Meron akong restaurant na irerekomenda sa'yo. Timing na mag-resign. Mataas ang sweldo dahil 5 star ito. Binigay ko kaagad ang resume at siguradong tatanggappin ka agad nila."

"Salamat insan,"pasalamat ni Agatha na magaang nakangiti saka pinisil ang braso nito. "Sisimulan ko na ang paghahanap sa kapatid ko."

"Pag-aari ito ng Flaine,"tipid na siwalat ni Pina.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Agatha. Naalala niya ang pangalang 'yon ng makita ang isang business card na nasa gamit ni Clea. Si Damien Flaine, isang sikat at bilyonaryong CEO na may iba't ibang negosyo sa buong bansa. Nasa Nova City ang pinakamataas at mahal na Hotel nito. Ito ang pinagdududahan niyang may kinalaman sa pagkawala ng kapatid niya. Huminto sila sa harap ng bus. Sumakay muna sila bago siya magtanong. "Isa ba ito sa pagmamay-ari ni Damien Flaine."

Tumango si Pina at nakadekwatrong umupo sa tabi niya. "He's the well-known ruthless and unpredictable CEO,"kaswal niyang saad na tila kinikilig.

Napanguso si Agatha. Ang iisipin nia ngayon kung paano siya makalapit kay Damien Flaine. Umaasa siyang dadalaw ito sa restaurant. Kung gusto ng D'yos, ito ang hudyat para matuklasan niya ang pagkawala ni Clea.



Pagod at may matinding sakit ng ulo si Damien Flaine nang pumasok siya sa kanyang mamahaling sasakyan. Sumandal siya sa upuan habang niluluwagan ang kanyang necktie. Isa na namang mabigat na araw ang hinarap niya-mga meeting na walang katapusan, tambak na papeles at walang tigil na pakikipagsagutan sa psychopath niyang step-brother. Nagtatangka na naman itong guluhin siya. Pinahahalata lang nito na gustong agawin ang kompanya.

"A break,"bulong niya sa sarili habang pinadaan ang mga daliri sa magulo niyang buhok. "I need a damn break."

"Saan po tayo pupunta ngayon Sir?"tanong ni Peter sa boss, siya ang nagsilbing driver at personal assistant nito sa ngayon.

Bumuga ng hangin si Damien. "Take me to the Neonova Restaurant. Gusto kong kumain ng dinner doon. Malayo sa magulo kong pamilya,"sabi niya saka pinikit ang mga mata.

Hindi na sumagot si Peter. Tahimik itong nagmaneho patungo sa sinasabi nitong destinasyon.

Natagpuan ni Damien ang sarili na pumasok sa kanyang marangyang restaurant. Naka-censor ang sliding door kaya mabilis siyang nakapasok. Binati kaagad siya ng mga emplyedo at tarantang hinandaan siya ng lamesa. Umupo siya at pinatong ang baba sa nakatukod na kamay sa lamesa. Inikot-ikot iyon ang tingin. Maraming tao ngayon pero may isang tao na umagaw sa kanyang atensyon.

Nakangiting lumapit si Agatha sa lalaking may madilim na awra. Sinabi ng lahat na si Damien Flaine ito. Ang may-ari ng restaurant at ang taong atat niyang makilala. Nakatulalang nakatitig sa kanya.

"Sir?"pakli niya sa mainit pero magalang na tono.

Kumurap si Damien. Bumalik siya sa hwesyo at inayos ang pag-upo. "I'll have Wagyu Beef Filet Mignon, well-done. And a glass of your best red wine."

Sinulat agad ni Agatha ang sinabi nito habang sinusulyapan ito sa ilalim ng kanyang pilik-mata. Sumikip ang dibdib ni Damien nang makita ulit ang ngiti nito. He didn't know this girl, yet the way she moved,the lightness in her steps, the soft hum of her voice as she took his order-it pulled at something deep inside him. Bigla siya naging interesado.

He wanted her.

Hindi lang basta makita o makausap-he wanted to possess that brightness, to keep it close, to be the reason she smiled.

"What's your name?" Wala sa sarili tanong ni Damien. Hindi inalis ang mga mata sa dalaga.

Lumaki ang mga mata ni Agatha kasabay ng pagbayo ng kanyang dibdib. "A-Agatha Vasquez po,"nauutal niyang tugon.

Pumaskil ang tipid na ngiti sa mukha ni Damien, nasa kislap ng mga mata nito na may iba siyang motibo.

"Be my assitant,"pakli niya.

Azure AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon