Chapter 8

7 6 0
                                    

"Ano'ng kinalaman ng dating hotel sa kapatid mo?" Nalilitong tanong ni Damien

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano'ng kinalaman ng dating hotel sa kapatid mo?" Nalilitong tanong ni Damien. Malalim niyang pinagmasdan si Agatha. Ramdam niya ang kaba nito. 

"Marahil nandoon ang ate ko. Sigurado akong si Daniel ang magkagagawan,"kumbinsidong saad ni Agatha. Inabot niya ng itim na kwaderno ni Daniel kay Damien.

Nandilat ang mga mata ni Damien na kinuha ang notebook. Binuksan niya at mabilis na binasa lahat ng pahina. Nakasulat doon ang lahat ng plano ng kinakapatid niyang gusto siyang sirain. Kung hindi dahil kay Agatha hindi niya madidiskubre ang ibang binabalak nito sa hinaharap. Isa sa balak nito ay ang sunugid ang papalugi na restaurant. Ang restaurant na sinusubukan niyang palaguin  ulit.

"Oh f*cking assh*le!"umiinit ang mukha niyang pagmumura saka binato ang notebook. "Hindi na ako magdadalawang-isip na papatayin siya ngayon!"

"Kaya napagdesisyonan akong pupunta sa sa abandonadong hotel na yon,"matapang na anunsyo ni Agatha.

Nanangis ang panga ni Damien. "No,"mataman niyang salita. "I'll go there. Alone. Don't think,we'll go together."

Kumislap ng hindi kapani-paniwala ang mga mata ni Agatha. "Hindi, Damien. Hindi ka pupunta na wala ako. This is about Ate Clea–kailangan kong pumunta doon."

"Hindi kita hahayaan,"ungol ni Damien, tumataas ang tono sa galit. Ang matangkad niyang anyo ay tila mataas na gusali na nakatayo sa harap ni Agatha, sinamahan pa ng umaapoy na mga mata. "That's place is dangerous. I can't risk anything happening to you."

Matigas na umiling si Agatha habang dumadagundong ang puso niya. "Hindi ako nag-a-ask ng permission. Kailangan nating gawin itong magkasama."

Tumigas ang ekspersyon ni Damien, ang kanyang labi'y naging manipis na linya. "I said no,"sumbat niya, mababa ang kanyang boses pero may halong babala. "Hindi mo maiintindihan ang mga kapahamakan. Ako mismo ang pupunta. You stay here."

"Bakit ba palagi mo akong pinoprotektahan na para akong babasaging pinggan?"asik pabalik ni Agatha, kumukulo ang dugo sa frustration. "Hindi ako takot. Para ito sa kapatid ko. Kailangan pumunta doon."

"Hindi–"tugon ni Damien, humina ang boses niya saglit, bago sumiakbo ulit ang galit niya. "I wont let you walk into danger, Agatha. Not for Clea, not for anyone,"

Ginawang bola ni Agatha ag mga kamao sa gilid nita, sumingkit ang mga mata niya sa galit. "Hindi ka naman ang gagawa ng choice ko. Hindi mo 'ko pwend i-kontrol, Damien. Puppunta ako sa ayaw't gusto mo!"

Hindi na hinintay ni Agatha ang tugon nito, tinalikuran niya at tinungo ang pintuan. Hinabol siya ni Damien at hinablot ang kamay nito. "Agatha–wait–"

"Bitawan mo 'ko,"singhal ni Agatha, winaksi palayo ang kanyang kamay. Naniningas ang mga mata niya sinalubong ang mga mata nito sa huling pagkakataon. "Kung hindi mo ako tutulungan, gagawin kong mag-isa ito."

Iniwan ni Agatha si Damien na nakapako sa kinatatuyuan, sinara ng pinto sa likod niya at humakbang palayo, iniwan niya si Damien na tignan siyang lumalayo na nakabakat g frustration at kawalan ng kakayaan sa itsura nito.

Maningay ang bawat yabag ni Agatha habang tinatahak niya ang pasilyo ng mansion, abala at magulo ang isip niya habang hinahanda ang sarili sa maaaring mangyari sa hinaharap. Wala siyang pake kung hindi gusto ni Damien na tutungo sa doon–hindi niya hahayaan na mag-standby at hindi umaaksyon.

Tyempong narating ni Agatha ang entrance, saka namang bumukas ang pinto at niluwa si Daniel, naningkit agad ang mata niya nang makita ito. Malinis ang suot niya suit,mas matalim ang ngisi niya kagaya ng punit sa jacket niya. Kumislap ang mga mata niya na may malalim na amusement dahilan para gumapang ang takot sa balat ni Agatha.

"Well,well,"sabi ni Daniel, saksakan ng pagkamuhi ang tono noto. "If it isn't Damien's little pet. Waht the heck are you doing here, playing house?"

Napatiim bagang si Agatha, hindi nagpapatinag. "Hindi naman ako nandito para sa'yo, Daniel."

Humakbang palapit si Daniel, arogante ang mga titig nito na pinakukulo ang dugo niya. "Akala mo ba nababagay ka dito?"singhal nito, na may cruel smile sa mga labi. "Akala mo ba may pakialam si Damien sa'yo? You're just another toy to him–another distraction. He'll toss you aside when he's done."

Napapigil hininga si Agatha. Nilakasan niya ang loob, sabay angat ng mukha niya na balot na balot ng katapangan. "Hindi mo ako kilala o si Damien."

Napalis ang ngiti sa labi ni Daniel, dumilim ang ekspresyon niya habang papalapit siya sa dalaga. Bumaba ang boses niya sa isang mapanganib na bulong. "You should watch your mouth, b*tch. You don't belong in this world."

Sa bilis ng pangyayari, tinaas ni Daniel ang kamay at ginawaran niya ng malakas sampal si Agatha,pero bago pa maka-react si Agatha, sumulpot si Damien. Tinulak ni Damien ng marahas si Daniel. Pumwesto siya sa harap ni Agatha para protekthan ito.

"Don't you dare,"singhal ni Damien, malilim at nakakamatay ang kanyang tono. "If you touch her again, I'll kill you!"

Nakakalokong tumawa si Daniel. Na-e-enjoy pa sa reaksyon ni Damien. Para siyang mabaliw makita ang kinakapatid na handang isakripisyo ang sarili sa isang babae. Totoong na-i-in love na pala ito.

"Talaga? Pasensiya na touch ko siya,"panunudyo ni Daniel. "Sayang nga, sampal lang ang inabot niya."

"G*go ka pala eh! Tini-trigger mo pa 'kong patayin ka. Get out of here, before I change my mind aboput letting you walk away." Umuusok ang ilong na saad ni Damien.

Saglit, naging naghari ang nakakamatay na katahimikan, pumipitik-pitik ang tensyon sa ere. Hindi tinanggal ni Daniel ang ngisi bago niya tinalikuran ang dalawa. Inayos niya ang jacket, at pinukulan ng nakakalasong sulyap si Agatha bago umalis.

"Ito ang gusto kong ibabala sa'yo, Agatha." Bumaling si Damien kay Agatha. "You shouldn't have face him alone." Paos ang bose niya habang lumalapit siya kay Agatha at inaabot  ang nanginginig na kamay sa pisngi nito.

"Damien,"gulo ni Agatha, nanginginig ang boses sa magkahalong takot at adrenaline na nararamdaman. Tinignan niya sa mata si Damien, tumitibok ng mabilis ang kanyang puso. "Kailangan kong gawin tpo. Hindi ako aatras. Hindi kay Daniel, at hindi sa'yo."

"Bakit ayaw mong makinig,"tutol ni Damien. Binitawan niya ito.

"Para ito kay Ate. Handa akong itaya ang sarili ko maligtas ko lang siya." Yumuko si Agatha at humakbang patalikod kay Damien. "Haharapin ko si Daniel,"aniya bago lumakad pero pinigilan siya ni Daniel.

Hindi ito umimik. Tingnan lang siya sa mata na may pagsusumamo. Humugot siya ng malalim na hininga. Tinanggal ang kamay nito sa braso niya at masakit ang lalamunan itong iniwan.  Napapahid siya ng luha nang makalayo rito.

Azure AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon