Chapter 9

13 6 1
                                    

Masakit man sa loob ni Agatha ay pinatuloy niya ang pagpunta sa lumang hotel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Masakit man sa loob ni Agatha ay pinatuloy niya ang pagpunta sa lumang hotel. Alas kwatro ng hapon siya nakarating. Malakas ang kabog ng puso niya nang tinahak ang madilim na pasilyo ng abandonadong hotel. Nakakalat sa paligid ang alikabol, at ang nakakagimbal na katahimikan ay binabasag lamang ng malumanay na tunog ng kanyang mga yapak. Lalong bumibigat ang kanyang pakiramdam habang papalapit siya sa pinto ng isang suite.

Nagbabaka-sakaling matagpuan si Clea dito. Binuksan ni Agatha ang pintuan, at nalaglag ang panga niya nang matuklasan si Clea. Nadatnan niya itong nakaupo sa gilid ng kama. Bagama't may ilang mga pasa sa katawan, mukhang maayos at malusog naman ito. 

Hinamalayan ni Agatha na tumulo ang kanyang mga luha, at hindi na sinayang ang oras para yakapin ng mahigpit ang kapatid, humahagulgol siya sa balikat nito.

"Ate! Salamat sa Diyos, buhay ka!"pagak ang boses ni Agatha, binubusan siya ng kaginhawaan. "Hinanap kita kung saan, alam mo ba 'yon? Kailangan nating umalis dito."

Kumalas si Clea sa pagkayakap, kalma ang kanyang eskpresyon, na may kakaibang lamig sa kanyang mga mata. "Agatha, hindi ako pwedeng umalis dito. You can't understand it."

Nanlaki ang mga mata ni Agatha na sinabayan pa ng panginginig. "Ano'ng ibig mong sabihin? Kailangan na nating umalis, Ate. Ang stepbrother ni Damien,si Daniel,siya may pa–"

Umiling si Clea, seryoso ang kanyang tingin. "Isa akong secret agent, Agatha. Matagal ko nang pinaplano ang lahat ng 'tp. Nagkunwari ako para protektahan kayo at mahuli si Daniel Flaine. Ang totoo n'yan, nagtatrabaho ako kay Damien, kaso hindi ko sinabi sa kanya na buhay pa ako. Ngunit hindi ka dapat pumunta dito."

Humakbang paatras si Agatha, tinitigan niya ng may pagkalito si Clea habang nanginginig ang mga kamay. "Ano? Hindi... totoo ito? Nakipagtulungan ka pala kay Damien. Tapos iri-risk mo ang buhay mo sa trabaho kaysa sa pamilya mo. Ate, gumising ka na, wala ng pag-asa pang mahuli si Daniel."

"Demonyo siya, Agatha at kailangan ko siyang iligpit dahil pinatay niya ang boyfriend ko. Maghihiganti ako sa kanya gaano man kahirap at katagal." Pinunasan ni Clea ang nangingilid na mga luha. "Hinintay ko ang oras na 'to. Sa pagdating mo, hudyat na para tapusin ang kasamaan niya."

Bago pa man makapagsalita si Agatha, ay biglang bumukas ng malakas ang pinto, niluwa si Daniel Flaine. Ang mga mata niya'y kumikislap ng poot habang tintingnan ang magkapatid. Isang mapanlait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

"Ah, Agatha, you're Clea's little sister. I wondered why you showed up and pretend to be the woman of Damien. What an intelligent little bitch. So, I already expected that you'd show up."

Nanlamig ang dugong dumadaloy sa mga ugat ni Agatha nang tinutok ni Daniel ang hawak na barili nito sa kanyan mukha. "Ngayon, isa ka sa mga salot na kailangan ko ligpitin.:

Nantili si Clea sa kinatatyuan, hindi mababasa ang kanyang mukha, pinakikirot non ang puso ni Agatha. Pakiramdam niya ay sinakluban siya ng langit at lupa. "Ate... bakit hindi mo siya pinipigilan?"bulong niya na tila langgam lang ang makakarinig, saka naramdaman niyang dumadalong ang mainit na likido sa kanyang pisngi. Lumuluha siya sa takot at sakit.

Walang sinabi si Clea, nakatitig lang ito sa sahig.

Mala-demonyong humalakhak si Daniel, nasa trigger na ang kanyang daliri. "Looks like yoursister's already made her choice, Agatha."

Napalunok si Agatha, nanginginig ang kanyang boses habang sinusubukang rumason. "Hindi mo ito kailangan gawin–"

"Bakit? Sino ka ba para utusan ako?" Lumapit si Daniel kay Agatha. Pero bago siya nakatugon ay binatukan siya nito sa likod ng ulo niya dahilan para mawalan siya ng malay.

Sa muling pagdilat ng mga mata ni Agatha, nalaman niyang nakaupo siya sa silya at mahigpit na nakagapos. Nilibot niya ang mata sa paligid at nahagilap niya si Clea,abala sa pag-uusap kay Daniel. Nakita niyang hinihila ni Daniel ang buhok niya kaya malakas siyang napaungol at sinipa-sipa ang paa sa sahig.

Naagaw ang atensyon ni Daniel sa ingay na nilikha ni Agatha. Nagising na pala ito. Nilapitan niya at tinatawan ang sitwasyon nito. Maluha-luha si Agatha sa pagmemwersang magsalita kasi tinakpan ni Daniel ng duct tape ang kanyang bibig.

"Oh my little sister, hindi mo na gustuhan ang duct tape?"sabi ni Daniel, at kapagkwan ay hinila niya ng marahas ang duct type sa bibig nito.

Napahiyaw si Agatha at palukso-lukso ito sa kinauupuan. "Pakawalan mo na ako! Gusto ko lang si Ate,"aniya habang lumuluha.

Kumibit-balikat si Daniel. "Ano ka siniswerte. Sagutin mo muna ang tanong ko. That Damien? What that fool told you? How did you know, Clea is here?"

"Walang kinalaman si Damien dito!"

"Sinungaling!" Binigyan ng isang sampal si Agatha.

Imbes na humiyaw sa sakit si Agatha ay binalingan niya ng matalim na tingin si Daniel. "Walang kinalaman si Damien dito. Gusto ko lang si Ate. Ibalik mo na ang ate ko!"

"You're doing this for Damien. I already know it, since you came to the mansion. I sensed that you are up to something,"pagbabanta ni Daniel sabay hila sa buhok ni Agatha para matignan niya ang kaawap-awa nitong mukha. "Tapatin mo ako!"

"Hindi!"sigaw ni Agatha, eksasperada at tila mawawalan siya ng malay. "Ginagawa ko ito para kay Ate. Isusumbong kita, sasabihin ko sa lahat ang kahibangan mo!"

Umalab ang galit ni Daniel at sa isang iglap ay pinalo niya si Agatha ng baril sa mukha. Napaluha si Agatha sa matinding sakit, sumisikip ang kanyang paghinga habang bumibigat ang bawat galaw ng kanyang katawan. Nawawalan na siya ng lakas.

"How brave you are! Isa ka lang tuldok sa mundong'to at h'wag kang umasta na kalabanin ako." Hinila ulit ni Daniel ang buhok niya. 

Nakakuyom ang palad ni Clea, gusto niyang lumaban. Paghigantihan si Daniel pero wala siyang kapangyarihan para kontrahin si Daniel. Kinakagat niya ang labi at halos mapunit ang balat sa sobrang higpit.

"Let her go, Daniel!" Umalingangaw ang galit at nagmamadaling boses ni Damien mula sa likuran. Hindi namalayan ng lahat na pumasok siya. Nakatutok ang baril sa likuran ni Daniel.

Hinarap ni Daniel ang kinakapatid. Ginawaran niya lamang ng makapangilabot ng ngisi. Magulo ang suot nitong suit, sabog ang buhok at may mga matang hindi yata nakaranas matulog.

Nakita agad ni Damien si Agatha, nakatali sa silya, nagmamakaawang nakatitig sa kanya at duguan ang labi.

Azure AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon