Chapter 6

24 8 1
                                        

Nanlaki ang mga mata ni Damien nang matagpuan si Agatha sa kanyang harapan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanlaki ang mga mata ni Damien nang matagpuan si Agatha sa kanyang harapan. Hindi niya inaasahan na mangahas itong pasukin ang kanyang silid. Nasira ang karaniwan at kalmado niyang anyo matapos palitan ng bihira niyang kahinaan. Muntik na niyang nakalimutan na wala siyang saplot.

"Agatha! What the hell are you doing here?!"bulalas ni Damien. Sa isang iglap, mabalis niyang binalot ang tuwalya sa kanyang beywang. Maraming babae na ang nakakita ng hubad niyang katawan pero ito ang unang pagkakataon na nahiya siya ng husto kay Agatha.

Nakanganga si Agatha. Malakas ang tibok ng puso niya at hindi ma-proseso ng utak niya kung anong klaseng sitwasyon ang kinasasakutan niya. Hindi niya sinasadyang makita ito ng ganito. Nahihirapan siya tuloy humanap ng salita. Kumislot siya at nilipat ang tingin sa vase na may patay na mga bulalak. 

"Pasens'ya na po! Hindi ko alam... hindi ko po sinasady–"

Umatras siya, marahang sinara ang pintpo, habang maapoy ang mukha niya sa hiya. Hindi maalis isipan ni Agatha ang imahe ni Damien na walang saplot. Nalilito pa siya lalo sa kanyang kakaibang damdamin. Kinamot-kamot niya ang sariling mga palad habang kinakagat ang labi.

Tinungo ni Damien ang walk-in closet para bumuhis. Sinuot niya ang simpleng itim na t-shirt at shorts. Hinarap niya ulit si Agatha. Ramdam niya ang tensyon at kaba nito. 

"Why did you enter my room without my permission? Are you trying to seduce me? Pagatas ka pang nalalaman,"sumbat ni Damie sa malamig na ekspresyon.

Parang binuhusan ng malamig ng tubig si Agatha. Tinutulak siyang sampalin ito. Hindi siya paninindigan matapos siya nitong halikan at muntik pang dalhin sa tuktok. Ngayon, umaasta itong malamig at dinidistansya ang sarili na tila ba isa siyang madumi. Hindi siya pinapansin sa trabaho at binalewala nito ang pangako na tutulungan siya. Binibilog lang ata siya.

"Damien,"mahina niyang wika na may pagkahalong sakit at inis sa kanyang tono. Saglit ay huminto at kinuyom niya ang mga palad. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Isang iglap, parang hindi ikaw 'yon. Para kang ibang tao. Nilapitan mo ako, hinalikan mo ako, pinangako mo sa akin na tutulungan mo akong hanapin ang ate ko, ngunt ngayon...tila wala na akong halaga. Tapatin mo ako, Damien. Ano'ng nangyayari?"

Tumigas ang panga ni Damien. Isang saglit tila may emosyon na dumaan sa kanyang mga mata,pero mabilis din itong nawala, pinalitan ng walan pakialam na anyo. Wala siyang balak makipag-usap dito.

"Wala akong oras sa ganitong mga tanong, Agatha. Mabuti pa umalis kana,"anang ni Damien. Mabilis na inagaw pa ang hawak nitong baso.

Tila tinusok ang puso ni Agatha sa binitawan nitong mga salita. Nagmatigas siya at hindi umalis sa harap nito. "H'wag mo akong paikutin! Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ipaliwanag sa akin kung bakit ka nagkakaganyan! Bakit ka biglang nagp-iba? Una, parang mahalaga ako sa'yo,tapos bigla kang parang wala lang."

Kinuyom ni Damien ang kanyang kamao, bakas sa bawat galaw niya ang tensyon. Sinara niya ang tingin kay Agatha,tila bumabalik sa kanyang mga mata ang pinagdadaan nitong sakit at takot.

"Do you really wan to know?"basag ang boses na sabi ni Damien. Tinakpan ng isang kamay niya ang mukha saka humugot ng malalim na hininga. "You know, I avoided you because I can't control it, Agatha. I ccan't control myself around you. The next, I feel like I'm losing my mind, and I just want to push you away before I hurt you."

Napapigil hininga si Agatha sa pagtatapat nito. Hindi pa niya nakita si Damien ng ganito–marupok at nilalantad ang sarili.

"Hindi ko alam kung paano gagawin 'to,"patuloy ni Damien,punong-puno ng emosyon ang boses nito. "I'm not good at...feelings. At relationships. My whole life, I've been taught to keep people at arm's length, pero... pero dumating ka at binago mo ang lahat."

Tumalikod si Damien at tila nauupos na kandila na binagsak ang mga balikat. "Pinaramdam mo sa akin ang mga bagay na hindi ko kayang intindihin. I get jealous. I get angry. I don't want to feel this way, but I can't stop it... at oo, magulong-magulo ang ulo ko ngayon. I'm sorry if I hurt you."

Humarap si Damien kay Agatha. Kumislap sa gilid ng mga mata nito ang luha kahit pilit pinapakita ang pagiging tigasin nito. Nakaramdam ng pagsisisi si Agatha. Lumapit siya sa binata para kunin ang baso. 

"I have bipolar disorder, Agatha. That's why I've been acting this way. It's...it's not something I can always control,"tapat nito.

Kumurap si Agatha, napaurong sa biglaan nitong rebelasyon. Nagimbal siya sa hayagan nitong pagtatapat tungkol sa sakit. Sa kabila ng tigasing personalidad ni Damien ay nakakubli ang marupok na suliranin at kailanma'y hindi ito maghihiwalay sa kanya. 

"I'm up one moment, down the next,"pagpatuloy ni Damien, eksasperadong umaakyat ang kanyang boses. "One day, I'm focused, driven, willing to do anything to help you find your sister. The next I'm spiraling, angry at everything, including you. I can't control it, Agatha. Sinubukan ko, pero tila nasa gyera ako kontra ang sariling isipan ko. Kaya tinutulak kita palayo, ayoko kong madamay ka."

Nanatili si Agatha sa kinatatayuan, mabilis ang tibok ng puso niya pero hindi dahil natatakot siya. Dahil 'yon sa pag-intindi at simpatiya. Kailanma'y hindi niya maiintindihan ang pinagdadaanan nito, ang bigat ng internal struggles nito. Pero ngayon, malinaw na ang lahata–ang init at lamig nitong pag-uugali, ang paiba-iba ng mood, ang biglang pagdidistans'ya. 

"Wala akong pakialam, Damien. Kahit ako natatakot sa sakit mo at hindi 'yon magbabago ang pagtingin ko sa'yo."

Kumislap ng kalituhan ang mga mata ni Damien. Hindi siya naniwala sa sinabi nito. "What are you saying?"

"Sabi ko, I don't care if you're struggling with this,"sabi ni Agatha, tinignan niya sa mata si Damien. "Magsti-stay ako. Tutulungan kita. Malalampasan natin ito. Hindi kita tatakbuhan dahil sa disorder mo. Buong puso kitang tatangapin, sa hirap man at ginhawa."

Nabasag ang matigas na ekspresyon ni Damien. "You don't know what are you sayong. It's not that easy. I'm not that easy."

"Hindi naman ako nag-a-ask dahil madali. Gusto ko lang ng honesty. Gusto ko naharapin nating magkasama. Tutulungan mo ako, at tutulungan din kita."

"Hindi ka matatakot?"

"Hindi. Hindi ako takot sa'yo. Andito ako para sa'yo, Damien. At hindi ako pupunta kung saan."

Azure AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon