Hues of Love Anthology #7
COMPLETE
Agatha Vasquez, a struggling mystery writer, moves to Nova City searching for her missing sister, Clea. When she discovers a business card linked to Damien Flaine, a ruthless billionaire, she becomes convinced he's...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Let's see if you can kill me, Damien." Patuloy na tumatawa si Daniel, wala itong takot.
"Let her go, Daniel,"sabi muli ni Daniel, hindi pa rin nakikinig si Daniel sa pagbabanta niya.
Ngumisi si Daniel, tignan lang ng blanko ang hawak na baril ng kinakapatid. "You think you can save her, Damien? You've always been soft. Always to weak to do what needs to be done."
Hindi gumalaw si Damien. Determinado siyang barilin si Daniel sa isang maling galaw nito. "I'll kill you if you touch her again."
"Fine. Put. The gun. Down. First and I'll let her go,"pahayag ni Daniel sa matigas na ekspresyon. Pilit niyang pinapaikot si Damien.
Sinubukang angatin ni Agatha ang ulo, blurred ang kanyang paningin habang nilalaban ang sarili na panatilihing gising. Bumabayo ng malakas ang puso niya sa loob ng dibdib niya. Nagkaroon siya ng pag-asa nang dumating si Damien pero nanghihina ang kanyang katawa. "Damien..."humihina niyang bulong.
"You're a liar,"asik ni Damien,mababa at matalim na tila isang blade ang kanyang boses. "You've been lying this entire time. And I'm done playing your games."
Lumukot sa sobrang galit ang mukha ni Daniel. Nanginginig ang kamay nang tinutok ang baril kay Damien. Hindi nag-atubili at saka pinaputok ang baril pero nagmintis siya.
Mabilis na umilag si Damien,at kumaripas ng takbo sa kahabaan ng pasilyo, kinakalabog ng mga yabag ng paa niya ang marmol na sahig. Pumailanlang ang mga putok ng baril, tumama ang mga 'yopn sa dingding at sahig,pero hindi sa kanya. Nagliliparan ang mga bala habang tumatakbo siya patungo sa lobby.
Nagtama ang mga tingin ng dalawang lalaki sa gitna ng malawak na lobby, parehong hinihingal at puno ng galit. Patuloy ang pagpalitan nila ng putok, bawat isa tila desperadong kamitin ang trophy ng tagumpay. Nanatali sila halos kalahating oras
Samantala, sa itaas ng hotel, kinalagan ni Clea si Agatha sa pagkakagapos. Nanginginig ang kamay niya na tinatanggal ang lubid. "Kailangan nating makaalis dito kaagad,"nangangambang pbulong niya.
Mahina at halos hindi makatayo si Agatha kaya kumapit siya sa balikat ng kapatid. Tumutulo ang kanyang luha, "Bakit mo ginawa sa akin to, Ate? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Ipapaliwanag ko ang lahat, pangako,"sabi ni Clea, punong-puno siya ng pagsisisi,"pero kailanga muna nating mabuhay ngayon."
Dahan-dahan silang naglakad patungo sa lobby, mabigat ang bawat hakbang ni Agatha pero nilalabanan niyang magising hangga't hindi makikitang buhay si Damien. Pagdating nila, bumungad sa kanila ang eksena ng kaguluhan. Nagawang itapon ni Damien ang barili ni Daniel subali na huli siya sa pag-aagawan ng isang baril, tila mga hayon sila na naglalaban para sa kanilang buhay. Narinig ni Agatha ang malakas na mga ungol ng galit at pagmumura ng dalawang lalaking sabik nang patayin ang isa't isa.
Sa hindi nababatid na panahon, may biglang pumutok na baril–boom.
Tumigil ang mundo ni Agatha nang makita niyang marahang bumabagsak si Damien, lumuluhod habang hawak ang tagiliran kung saan dumanak ang dugo at dinumihan ang damit puting damit nito. Habang pinipigilan ni Damien ang hininga, bakat sa mukha niya ang sakit.
"Hindi!"sigaw ni Agatha at walang pagdadalawang isip na sinugod palapit si Damien. Bagama't nahihilo siya, hindi niya alintana dahil sa lakas ng loob na protektahan ang taong mahal. Pumwesto siya sa harapan ni Damien, nakahandang harapin ang susunod na atake ni Daniel.
"Ano 'to? Till death do us part?"panunudyo ni Daniel at tinutok ang baril kay Agatha. Ngunit nang kalabitin niya ang gatilyo, isang walang laman na click lang ang narinig.
"Oh fuck!"mura ni Daniel at galit na initsa ang baril. Hinugot niya ang nakariserbang patalim at mabagal na lumapit kay Agatha. Umaapoy sa poot ang kanyang mga mata.
Hindi umurong si Agatha, bagamat nakabakas sa mukha ang takot. "Hindi ka magtatagumpay, Daniel. Hindi ngayon,"sabi niya sa matapang na tono sa kabila ng sakit na nararamdaman.
"Magsama kayo ni Damien, tutal bagay naman kayo. Ano magpaalam ka na kay Clea,"nakakalokong halakhak ang pinakawalan ni Daniel,aakma na siyang saksakin nang may isang matinis na putok ng baril ang bumasag ng katahimikan,
Napahinto si Daniel, nanlaki ang mga mata nang mapagtanto ang matinding kirot sa bandang dibdib. Bumuga siya ng dugo habang kinakapos ng hininga at naramdaman ang dumadaloy na dugo. Tinutop niya ang dibdib, nanlambot ang kanyang mga tuhod saka hinay-hiyang siyang bumabagsak sa sahig. Nawalan siya ng malay hanggang sa tuluyan siyang inanod ni kamatayan.
Tinignan ni Agatha ang pinagmulan ng putok–si Clea, nakatayo ilang metro ang layo, hingal na hingal habang hawak pa rin ang naninigarilyong baril. Maputla ang muka niya, pero isang ngiti na puno ng pag-asa ang sumilay sa kanyang mga labi.
Binaba ni Clea ang baril. Tinignan muna si Daniel kung totoong patay bago tinungo ang pwesto ng kapatid. Niyakap niya agad si Agatha at pareho silang humikbi.
Natagpuan ni Damien ang sarili sa hospital room, malalam ang ilaw at ang mga puting kurtina ay mahina rin tinatangay ng hangin ng aircon. Nakahiga siya sa kama habang hawak ang tiyan na may makapal na benda, mabuti't hindi malubha ang natamo niyang sugat. Sa kabila ng pisikal na sakit, mas mabigat ang iniisip niya–kung makikita pa ba niya si Agatha.
"Damine!"tawag ni Agatha matapos itong iluwa ng pintuan. May bitbit siyang isang malaking bouquet ng halo-halong bulaklak, nasa mukha niya ang pag-alala. Nagmatama ang mga mata nila ni Damien ay tila bumagsak ang mundo sa paligid nila. Agad na tumulo ang mga luha ni Agatha at walang alinlangan na niyakap ng mahigpit ang binata.
"Agatha,"bulong ni Damien, mahina pero puno ng emosyon. Kahit na masakit ang kanyang katawa ay hinaplos niya ang buhok nito, dama ang bawat hibla ng emosyon nito.
Umiling si Agatha, umiiyak pa rin habang mahigpit ang hawak sa leeg nito. "Akala ko...mawawala ka na... Damien, mahal kita. Mahal na mahal kita!"pigil ang hikbi niya pero malinaw ang bawat salita. "Salamat sa pagligtas."
Natigilan si Damien, humiwalay siya sa pagkayakap para tanongin ito. "Is it really true,Agatha?" Sa kabila ng lahat na ginawa niya, narito siya ngayon, tinatanggap ni Agatha.
"Oo, totoo. Mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka,"kumikinang na mga mata na tapat ni Agatha.
Isang mainit na damdamin ang bumalot kay Damien, na tila nawala ang bigat ng kanyang tinatakutan. Hinaplos niya ang pisngi ni Agatha, at dahan-dahan silang naglapit.
"Mahal di kita,Agatha,"bulong niya bago niya sinakop ang labi nito. Malalim silang naghalikan na tila puno ng mga damdamin na hindi nila kayang itago, ito ay isang pangako na hindi na sila magkakalayo pa.