Rated-SPG: Mild Violence poUmungol sa sakit ang babae nang hinila ng marahas ang kanyang buhok ng taong kilalang-kilala niya. Pinulupot nito ng mahigpit ang mga daliri sa ilang strands ng kanyang buhok habang nginingisihan siya ng kakaloko.
Sinubukan niyang pumiglas pero inalog nito ng malakas ang kanyang ulo.
Humalakhak ito. Isang malalim na tawa na pinanginginig ang kanyang spinal cord. Kinakaladkad siya ng isang psychopath. Pinagkakatiwalaan niya pero ito ang pinalit sa kanya.
"Your participation will complete the mission, darling,"bulong nito sa tainga niya. Dumampi sa pinsgi niya ang mainit na hininga nito. "The only thing left is to take the Flaine company."
Hindi pinansin ng lalaki ang takot na bumalot sa kanya habang patuloy siyang kinakaladkad sa malamig na sahig. Malakas ang tibok ng kanyang puso nang itulak siya papasok sa maliit na silid na walang bintana, itinali agad nito ang kanyang mga kamay sa silya gamit ang magaspang na lubid.
His eyes glistened with maniac glee as he stepped back, admiring his craft like a craze artist.
"One way or another, you will going to help me,"sambit ng lalaki habang tumatawa, iniwan siyang nag-iisa sa dilim.
Nakaupo si Damien sa kanyang madilim na silid. Tanging ilaw lang ng maliit na lampshade ang lumiliwanag, sapat lang para makita ang kanyang mukha. Nakatiim bagang siya habang minamasdan ang hawak ma baril. Saglit ay tinuon niya ang atensyon sa malaking white board na sinabit niya sa pader. Puno 'yon ng mga notes, mga larawan at magulong mga mapa ng mgabtaong trumaidor sa kanya. Itinuon niya ang baril sa isang larawang nakapaskil doon.
Tila may isang bagyo sa loob ng isipan niya na lalong pinanalala ang kanyang kabaliwan sa bawat sandaling lumilipas.
"Someone's gonna pay off,"he whispered to himself,his voice low and dark. "The next person who will betray me...I'll kill them."
Nanatili ang kanyang mga salita sa hangin na parang isang threat, habang lalo pang bumabagsak ang kanyang isipan. Hindi na niya malaman kung ano ang kaibahan ng kaibigan at kalaban.
Samantala, tahimik na nakatayo si Agatha sa gilid ng pekeng libing ng kanyang kapatid na si Clea, seryoso ang ekspresyon habang nakatingin sa kabaong. Habang nagluluksa ang mga tao sa paligid, tila wala siyang naririnig. Isang bagay lamang ang nasa isip niya-hindi totoo ito. Buhay pa si Clea.
Kinuyom niya ang kanyang mga palad, umalab ang kanyang puso habang pinagmamasdan niya ang kanyang pamilya, hindi niya magawang humikbi kasi alam niya at nasa puso niya buhay pa ang kanyang kapatid. Nandiyan lang si Clea.
Tumayo siya at iniwan niya ang libing. Nasa mga mata niya ang determinasyon. She will going to find her sister no matter what it took.

BINABASA MO ANG
Azure Abyss
RomansaHues of Love Anthology #7 COMPLETE Agatha Vasquez, a struggling mystery writer, moves to Nova City searching for her missing sister, Clea. When she discovers a business card linked to Damien Flaine, a ruthless billionaire, she becomes convinced he's...