Warning ⚠️: bawal sa mga bata mag-isip. Medyo sensitive
Nangagalaiti si Damien Flaine habang minamasdan si Agatha na nakangiti sa mala-teenager na lalaki–ang bagong manager ng housekeeping department, na kausap nito. Sumisikip ang dibdib niya at halos dumugo ang ibabang labi niya sa malakas na pagkagat niya.
Nasa lobby sila ng hotel at ikalawang araw sa pagsusuri. Hindi sila natapos kahapon dahil may iba siyang pinuntahan. Kaliwa't kanan kasi ang mga meeting niya kaya patung-patong ang hindi natatapos na extra work.
Kapagkwan ay nalaman niyang nasa likod na siya ni Agatha. Walang pasabi-sabing hinablot ang kamay nito at hinila papasok sa malapit na hotel room.
"You!"dinuro niya ang hintuturo sa mukha nito matapos sarhin ang pinto. Ki-norner niya sa pinto si Agatha. Dumikit ang likod nito sa pader, at nanlalaki ang mga mata sa gulat. Tinukod niya ang isang kamay sa pader.
Kumislap sa mga mata ni Damien ang hindi mapagaling intensity. Nakatingin lang siya sa malayo pero ang ekspresyon niya ay saksakan ng selos at frustration. Tila gusto niyang lamunin si Agatha.
"Ano po'ng ginagawa niyo,S-Sir?"nababahalang tanong ni Agatha.
Sumingkit ang mga mata niya at nawawala na siya sa sarili. "You are mine! You belong to me, and I'll do whatever it takes to keep it that way."
Sa bilis ng pangyayari, nagulantang si Agatha sa kinilos ng binata. Napasalo niya ang kanyang hininga ng marahas na sinakop ni Damien ang kanyang mga labi, malupit at tila nauhuhaw ang mga halik nito. Ito ang first kiss niya–mismong rough at pinipilit siya. Naging desperado si Damien sa selos na nararamdam nito. Naging blanko ang utak niya at hindi na makahinga sa ginagawa nito.
"Open you mouth!"maawtoridad na utos ni Damien nang malaman niyang tinitikum nito ang bibig. Atat na atat na siya ipasok ang dila sa bibig nito at tikman ang nakakalason nitong halik.
Sinubukan ni Agatha na itulak ang binata pero lalong humigpit ang pagyakap sa kanya. Binuka niya ang bibig at naramdaman ang nanunuklaw na dila nito. Nandiri siya sa pagsipsip nito ng dila niya. Umungol siya nang bumaba ang isang kamay nito sa pwet niya at sinimulang lamasin iyon.
"Stop it!"protesta ni Agatha nang makawala ng bahagya sa labi nito. Sinubukang tulakin ulit pero walang silbi dahil inangat siya ni Damien at dinala sa kama. Pinulupot niya ang dalawang paa sa beywang nito. Fine. Magsusugal na siya. Kung ito ang gusto ng binata. Papatulan niya.
Nilatag siya ni Damien ang dalaga sa kama. Gumalak siya nang sa wakas ay kusa na itong nagtumutugon sa bawat halik niya. Dinahan-dahan niya ang pagkilos ng labi na tila minamasahe niya ng buong pag-iingat. Kinuha pa niya ang ulo nito para idiin sa kanyang mukha at lalong lumalim ang kanilang halik.
His passion bordered on madness, his desperation evident in every movement. He can't let her go. And don't want to finish this moment. He want to devour her and keepp her at his side forever.
Samantala si Agatha, nakaramdam siya ng takot at pagkalito habang umiinit ang katawan. Nilalaban ng konsensiya niya a huwag magpakalulung. Hindi pa niya buong kilala ang taong marahas siyang hinahalikan. Hindi niya pwedeng ibigay ang sarili hangga't hindi nasusulusyonan ang problema.
Ibang-iba si Damien ngayon at hindi iyon naiintindihan ni Agatha. Parang may isa pa itong pagkatao. Taliwas ito sa normal na pakikitungo sa kanya. Ang nasa harap niya ay isang baliw at kamanyakan lang ang iniisip.
Mariin niyang pinikit ang mga mata at walang pagdududang kinagat ang labi ni Damien. Iyon ang dahilan para huminto at kumalas ito palayo sa kanya. Tumulo ang dugo sa labi nito. Madilim ang mukha ni Damien, hindi mababasa 'yon dahil sa magkahalong galit at pighati. Sinapo niya ang bibig, kumirot iyon at nalasahan niya ang mala-bakal na lasa ng kanyang dugo. Tumayo siya. Napaisip ng sandali para pakalmahin ang sarili.
"Agatha..."bulong ni Damien sa basag na boses. "H-Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa akin."
Yumuko si Agatha"I care about you, Damien, pero hindi ito pag-ibig. Hindi ikaw yan! Kailangan mo ng tulong."
Lumukot ang mukha ni Damien, nasa mukha niya ang pighati. Hinawakan niya ang buhok, pinikit ang mga mata habang nilalabang na ibalik ang sarili. Alam niya, umaandar na naman ang sakit niya kapag makaramdam siya ng labis na emosyon. Kaya iniiwasan niyang umibig. Subalit hindi niya mapigilan ang sarili nang makilala si Agatha. Naramdaman niyang ito ang magpapagaling sa kanya.
"H-Hindi ko...hindi ko gustong saktan ka,"ani Damien, halos hindi marinig ang boses. "I just..I don't know not to control it."
"Hindi mo rin 'yon kasalanan,"sabi ni Agatha sabay tayo. Humakbang siya papalabas ng silid. "Pero napansin ko lang na umibang tao ka. Sisikapin kong kalimutan to, Damien."
Pagkasabi'y nilagpasan ni Agatha si Damien at tuluyan nang lumabas. Humugot siya ng malalim na hininga. Tinutop ang dibdib at hindi mapaniwalang maisip ang konklusyon... nahuhulog na siya sa mga bisig ni Damien.
Matapos ang pangyayaring yon, ilang araw naging malamig si Damien kay Agatha. Iniwas niya ang sarili para huwag gawin ang ginawa nito noon. Gusto niyang kalimutan, tapusin, itiklop sa buhay niya si Agatha pero hindi gusto ng puso niya. Nababaliw na sa kakasigaw ang isipan niya subalit sunusuway ng puso niya.
He's madly in love with her. And he can't help it. Binabangga niya na ang ulo sa pader para mawala ang bipolar syndrome niya at ninais na maging normal na tao kaso walang epekto. Kaakibat na niya ang sakit at hindi siya nito lalayasan kailanman.
Naisipan niyang sabihin ang totoo tungkol sa sakit niya kay Agatha.
Hindi naman masikmura ni Agatha ang malamig na trato sa kanya ni Damien. Isang tanong. Isang sagot lang ang communication nila sa ngayon. Ilang araw na rin ang lumipas matapos nangyari yong aksidente sa hotel.
Pero hindi niya kayang ini-ignora siya ng lalaking... alam niya at conscious siya na mahal na niya ngayon. Ha! Ang taksil niyang puso hindi kayang pigilan magmahal kahit baliw pa tong mamahalin. Hindi magpakabaliw na rin siya.
Kumuha siya ng gatas para manghas sa kwarto nito. Susugurin niya si Damien para konprontahin nito. Hindi na siya natutunawan sa inaasal nito.
"Damien!"tawag ni Agatha matapos niyang buksan ang madilim na kwarto nito. Hinagilap niya ang bulto ni Damien pero wala ito rito. Saglit narinig niya ang paghinto ng lagaslas ng tubig sa shower room. Pumihit ang pinto at lumabas ang anino isang mataas na bulto na may matipuno at makisig na katawan.
"Gusto ko sanang..."hindi niya na natapos at nabitawan niya ang baso nang makita si Damien na hubo't hubad habang pinapatuyo ng twulya ang buhok nito.

BINABASA MO ANG
Azure Abyss
RomanceHues of Love Anthology #7 COMPLETE Agatha Vasquez, a struggling mystery writer, moves to Nova City searching for her missing sister, Clea. When she discovers a business card linked to Damien Flaine, a ruthless billionaire, she becomes convinced he's...