Hues of Love Anthology #7
COMPLETE
Agatha Vasquez, a struggling mystery writer, moves to Nova City searching for her missing sister, Clea. When she discovers a business card linked to Damien Flaine, a ruthless billionaire, she becomes convinced he's...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Matapos niya mapasyahang pumasok, iinulak pabukas ni Agatha ang mabigat at yari sa kahoy na pinto ng study room ni Damien. Patakip siya ng bibig kasabay ang malakas na pagbayo ng kanyang dibdib. Hindi niya masyadong maaningan ang loob dahil tanging kulay dilaw na ilaw lang ang nagbibigay liwanag. Habang ina-adjust niya ang paningin sa dilim ay agad naman siyang nangatal at napako sa kinatatayuan matapos masaksihan ang madugong suntukan ni Damien at kapatid nitong si Daniel.
Nakatihaya si Damien sa malamig na sahig–sinasangga ang bawat suntok, samantala si Daniel ay nasa ibabaw niya. Ramdam niya ang mainit na likidong tumutulo mula sa kilay, pisngi at bibig at hindi niya maipag-kakaila na kumikirot at humihiyaw na sa sakit ang buong katawan. Sa walang tigil na panunugod ni Daniel, unti-unti siyang nawawalan ng lakas at tila namamanhid na rin ang kanyang kalamnan.
Halos maiyak sa takot si Agatha sa nasasaksihan. Sumakit ang dibdib niya nang makita ang gutay-gutay na damit ni Damien. Tawalis kay Daniel, sinaniban na yata ng kademonyohan sa walang humpay niyang pagsuntok sa kanyang kinakapatid. Puno na ng mantsya ng dugo ang kanyang kamao, at may malupit na ngiti na nakapaskil sa kanyang pawisang mukha.
Pinuno ng maalisansang na tila bakal na amoy ng dugo ang loob ng silid at ang nakakasakal na katahimikan na may nakakangatal na karahasan.
"Why do you keep poking around on my affair?"mahinang ungol ni Daniel na may sumusiklap na galit sa kanyang mga mata. "Sinabi ko sa'yo na huwag na huwag mong pakialam ang buhay ko. One wrong move, and you're finished."
Mabigat na humihingal si Damien, pero kinaya niyang iangat ang mukha. Sa kabila ng sakit, ginawaran niya ng matalim na titig si Daniel. "You think you can scare me,Daniel? I'll expose everything you've done if you don't tell me where Clea is."
Isang mapanganip ang kumislap sa mga mata ni Daniel. Itinaas niya ang kamao, hinanda ulit na suntukin pero nang kinumpas niya ang kamay ay biglang may babaeng humiyaw sa likod nila.
"Tumigil na kayo!"sigaw ni Agatha, sinikap niyang maging matapang. Nagimbal siya nang maaninawan ng mabuti ang kalagayan ni Damien. "You! Stop hurting him!"
Tinigil ni Daniel ang kamao sa ere. Binagsak niya 'yon at umalis sa ibabaw ni Daniel. Tumayo siya at nilingon ang dalaga, nakamaskara ng sorpresa at paghahamok ang kanyang mukha. Napansin niyang akyat-baba ang dibdib ito. Nauubusan ito ng hangin sa takot ngunit nakuha pa rin kontrahin siya.
Pinasadahan si Agatha ng tingin ng lalaki. Nasa mga mata nito ang paghamak at kuriosidad." At ikaw sino ka ba?"singhal ni Daniel,tila matutunaw si Agatha sa tono ng pananalita nito. "Damien's new woman? How pathetic. Bringing a woman into this house–what a shame."
Nanginig ang mga kamay ni Agatha,pero nilakasan niya ang loob na huwag magpatinag. Hindi niya inalis ang mga mga mata kay Damien. May pagsusumamo sa mga mata nito na pinapahiwatig na kailangan nila maging matatag
Naging bato ang ekspresyon ni Daniel. Sa huling paghahamok kay Damien at Agatha, tinalikuran niya ang mga 'to at malakas na sinara ang pinto.
Tumakbo kaagad si Agatha sa piling ni Damien nang maglaho ang ingay ng pinto. Nanginginig ang kanyang mga kamay na hinawakan ang duguang mukha nito.
Nagawa pang ngumiti ni Damien kahit halos mawalan na siya ng malay. "Agatha...masaya akong nandito ka. Alam ni Daniel kung nasaan si Clea. I need to get him to talk, but..."nanghina ang kanyang boses. Eksasperado, matigas siyang napaubo at sumuka ng dugo.
This time, hindi na kontrol ni Daniel ang sarili. Malapit na siyang paslangin nito kung hindi dumating si Agatha. Ayon sa reksyon ng kinakapatid niya, nagpapahiwatag itong may alam sa pagkawala ni Clea. Matapos non ay tuluyan siyang nilamon ng dilim.
Makalipas ang isang araw, sinama ni Damien si Agatha sa bagong hotel na pinapatayo niya ngayon para mag-quality control. Matapos ang pangyayaring 'yon, sinisikap niyang ilagay palagi sa tabi niya si Agatha kasi nasa kutob niya na nagdududa ngayon si Daniel na may kinalaman si Agatha kaya naisipan niyang mag-usisa kay Daniel no'ng gabing 'yon. Hindi ligtas ang dalawa kapag malayo ito sa paningin niya.
And the reason his feelings towards her is getting stronger. Handa siyang pumaslang para lang kay Agatha. Kung sisirain man niya ang mundo, ay gagawin niya sa ikalilitas lang ng mahal niya.
Nasa isang luxury suite sila ng hotel. Kakatapos lang ginawa ang interior design. Ginala niya ang paningin namay bagong agenda habang marahang sumandal sa pader. Humihilom pa lamang ang kanyang mga sugat kaya makaramdam siya ng kaunting kirot.
"Agatha,"agaw pansin niya sa dalaga na nakatayo sa tabi niya. Suot nito ay mahabang bistida na bulaklakin at hapit sa katawan. Niregalo niya 'yon at bumagay naman sa mysterious personality nito.
Tumango lang si Agatha pero hindi siya umimik. Kaya nagsalita ulit si Damien. "We need to investigate Daniel quietly. if we're going to find Clea, we have to be careful. We can't let him know we're onto him."
Sa kabila ng nakakalunod na halo-halong emosyon ni Agatha, nanatili siyang matatag. "Naiintindihan ko po. Ano ang plano?"
Inalis ni Damien ang sarili sa pader. Nilagay niya ang mga kamay sa bulsa at naglakad-lakad sa paligid. Saglit siyang napaisip hanggang huminto siya sa harap ni Agatha. Limang dangkal lang siguro ang layo sa pagitan nila. "We need to gather as much information as we can aout Daniel's recent activities. Any business deals, personal connections–anything that might give us a lead on Clea's whereabouts. I have a doubt his involved in any other illegal activities not only drugs. He could be a humantrafficker."
Tumango-tango lang si Agatha habang iniisip ang ibang magiging konklusyon sa lahat ng masasamang gawain ni Daniel. Hangga't hindi pa kilala ni Daniel ang pagkatao niya, sasadyain niyang alamin ang lihim nito. Sa tulong ni Damien at sa awa ng Diyos. Malalaman niya rin ang katotohanan.
Humakbang palapit si Damien kay Agatha kaya walang okasyon na makakatakas ito sa kanya. Hinawakan niya ang ulo nito at hinagkan ang noo. "I will protect you, Agatha. I promise."
Hindi na rumeklamo si Agatha. Hinayaan niya ang sarili na tangayin sa umaalab na katawan ni Damien. Unang beses siyang nakaramdam ng tunay na pagtanggap at protektsyon.
Si Damien ba ang lalaking matagal pupuno ng puwang sa puso niya.