Chapter 3

42 11 4
                                        

Tila niyanig si Damien sa tanong ni Agatha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tila niyanig si Damien sa tanong ni Agatha. Inaakusahan siya nito ng bagay na hindi niya alam. Hindi pa niya kilala ng buo ito kaya wala itong karapatan para husgahan siya ng ganoon at hindi niya kilala ang kapatid nito.

Maaring may kinalaman si Daniel sa nangyayari. Ang step-brother niyang kasing itim ng budhi ni satanas. Alam niyang na-i-involved palagi sa druga, sindikato at babae 'yon. Ang maitim na bahagi ng pamilyang Flaine na pilit nilang tinatago sa publiko.

Saglit silang tumahimik maliban mumunting tunog ng lungsod mula sa labas ng bintana. Kumunot ang noo ni Damien bago bumaba sa kama, pinalitan ng malamig at mapanganib na ekspresyon ang ngiti sa kanyang mukha.

"What are you accusing me of, Agatha?"tanong niya sa malamig na boses saka sinapo niya ang noo.

Tumingin si Agatha ng derestso sa mga mata ng binata, hindi siya natinag kahit sasabog na sa takot ang kanyang puso. "May kinalaman ka ba, Sir? Nakita ko ang business card mo sa mga gamit ng at ko. I want to know it...ikaw po ba yon? Ikaw ba ang dahilan kaya nawala siya?"

"Ano'ng pinagsasabi mo? Hindi pa kita lubusang kilala at lalo nang hindi ko kilala ang kapatid mo!"

"Talaga? Hindi mo kilala si Clea Vasquez? Ang dati niyong empleyado?" Matapang na pahayag ni Agatha. Nagkikislapan ang kanyang mga mata.

Naurong si Damien. Parang pamilyar ang pangalan na 'yon. Narinig niya minsan pero hindi niya matandaan na may kilala siyang Clea Vasquez. Marami siyang empleyado at hindi niya alam ang pangalan ng lahat. Nagdududa siyang may kinalaman talaga si Daniel dito.

"Be careful with your accusations,"sabi niya sa mala-yelong boses. "You don't know what kind of enemus you're making."

"Hindi ako natatakot Sir. Malalaman ko rin ang totoo kahit hindi niyo sabihin,"tugon ni Agatha,hindi pinapakita ang takot.

"Fine." Lumapit si Damien sa dalaga na may pagbabanta sa mga titig niya. Hindi ito niyanig. "Paanong sasabihin kong ako ang may pakana? Ano ang gagawin mo?"

"Ipapakulong kita! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa ate ko!" Matapang na sigaw ni Agatha.

Kumulo ang dugo ni Damien at parang susuntukin niya ang mukha nito. Pinigilan niya ang sarili. Hindi siya ito. Hindi siya nanakit ng babae. Mabuti siyang tao kapag hindi umaandar ang kanyang mental illness. Matalim siyang tinignan nito, at hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili. Isang iglap ay hawak na niya ang leeg nito.

"Subukan mo! You have no idea what you're dealing with, Agatha,"singhal niya. Lalong hinigpitan ang pagsakal dito. "You've made me obsessed with you. You think you can just accuse me of something like that?"

Suminghap si Agatha, nilagay niya kaagad ang dalawang kamay sa braso nito, sinusubukang tulakan palayo sa kanya. Mabilis ang tibok ng puso niya pero naging matigas ang buong katawan niya nang masalubong niya ang naniningas nitong mga mata.

"Damien,please...stop..."

Hindi nakinig si Damien. Basag ang boses niya at nakakalokong ngumiti. He squeezed harder, his jaw tightening, his eye wild with a mix of rage and something darker. "Try me put in jail, Agatha. Just try. Before I locked you away... because the more you push me, the more I want to keep you."

Unti-unting nanilim ang paningin ni Agatha. Kinapos siya ng hininga at ilang sandali'y lalamunin na siya ng kadilimin. Naramdaman ito ni Damien kaya linuwagan niya ang pagkahawak sa leeg nito. Sapat lang iyon para makapagsalita si Agatha.

"Gusto ko lang ng hustisya para sa kapatid ko,Sir,"sabi ni Agatha sa gitna ng bawat paghinga.

Naglaho ang bahid ng galit sa mukha ni Damien. Lumambot muna ang kanyang ekspresyon bago naging malamig ang kanyang titig. Kinalas niya ang kamay sa leeg nito. Umatras,pero hindi inalis ang kanyang mga mata sa dalaga.

Habol ang hiningang bumangon sa kama si Agatha habang hinihilot ang kanyang leeg. Kahit may takot sa loob niya, nakaramdam naman siya ng tagumpay.

Kinuyom ni Damien ang mga palad. Iniwas niya ang tingin sa dalaga. "Wala akong alam tungkol sa pagkawala ng kapatid mo at hindi ko siya kilala. Even if you think me I'm a liar, I will lend you a hand to find your sister. And I think my step-brother is involved with this."

Matapos non ay kinwenta ni Damien ang tungkol sa kanyang kinakapatid na si Daniel. Sinabi niya lahat ng totoo at handa siyang tulungan ito.

Kahit nag-alilinlangan si Agatha, nagkaroon siya ng kaunting pag-asa pero hindi niya pwedeng ibigay ang buong kompyansa niya. Sa ngayon na may pag-obsess ito sa kanya. Kailangan niya pa rin mag-ingat.

Maghahating gabi nang magising si Agatha nang makaramdam ng pagkauhaw. Sa totoo lang, kakatulog niya lamang matapos isipin ang parang sirang plakang, pabalik-balik na eksenang naganap kahapon sa pagitan nila ni Damien.

Bumangon siya at mabilis na sinuot ang slipper. Marahan niyang binagtas ang madilim na pasilyo nang makuha ng atensiyon ang mga lumalahong boses na umalingawgaw. Nakita niyang may liwanag na lumalabas mula sa hindi nasarang pinto ng study room ni Damien.

Habang papalapit siya ay lalong lumalakas ang boses. Hindi simpleng pag-uusap. Kundi ang matatalim na pagsasagutan sa pagitan ng dalawang lalaki. Ramdam niya ang tensyon sa hangin. Malalaki, mabibigat at nakakatusok na boses na mayroon sila. Walang gustong magpatalo. Mayamaya, narinig niya ang pagbasag ng mga vase at iba pang gamit sa loob.

Dahil sa panic ay wala sa sarili siyang pumasok sa loob. Nadatnan niyang nagsusuntokan ang dalawa.

Si Damien na nakahandusay sa sahig na duguan ang mukha samatalang kumaibabaw sa kanya ang kapatid na si Daniel, pawisan, dugaan ang gilid ng bibig at punong-puno ng dugo ang kamao. Parang nauuhaw si Daniel. Hindi sapat sa kanya na makitang duguan lang ang mukha nito kaya wala siyang tigil sa pagsuntok dito.

"I will surely kill you, Daniel!"malakas na sigaw ni Damien kahit nawawalan na siya ng pwersa.

"You can't win against me. Soon, the flaine group will be mine. You are just a trash that should be disposed of right away,"nakakalokong sambit nit Daniel na halos abuhin na ang mukha ni Damien.

"If I find out that you are involved in Clea's case. I'll immediately send you to hell!"

Agatha stands still. Frozen.

Sino ba sa kanila ang salarin?

Azure AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon