"Okay ka lang ba ija? May masakit ba sa iyo? Sabihin mo ipapadala kita kay Vito ko sa ospital."
"Okay lang po ako tita jas, hindi na po kailangan. Need ko lang po magpahinga."
"Anak binubully ka ba sa school nyo?"
"Hindi po ma, nagkamali lang po talaga sila ng akala."
"Hindi pwedeng ganyan, si Vito ko anong ginawa?"
"Ah... pinagtanggol nya naman po ako."
Lie!
Asa pang ipagtanggol ako nun. Nakipag-video call sila tita at mama sakin pagkatapos malaman ang nangyari. Nagreport kasi ang Dean at pinaalam na suspended na raw si Kisses. Nagtaka naman ako kung sino ang nagsumbong, wala kasing professor noong time na iyon. Baka may naawang student at nagsumbong. Salamat nalang.
"Buti naman, makauwi nga dyan nang mabantayan kayo. Miss na rin namin kayo?"
"Nako tita okay lang po kami rito, huwag na po at need kayo dyan sa factory."
"Kumusta kayo ng asawa mo Constansia?"
"Okay lang po ma."
"Sige alagaan nyo ang isat-isa. Hindi na dapat maulit ito." Tumango ako bilang sagot.
Napag-alala ko pa tuloy ang magulang namin. Napabuntong-hininga ako. Iiwasan ko nalang si Vito para hindi na maulit pa ito.
Malalim ang iniisip ko nang may malamig na dumampi sa noo ko.
Ouch!
Ano na naman kailangan nito?
"Ano sinabi mo sa kanila?"
Umirap ako.
"Wala."
Wala kang ginawa.
"Tsk," ang bwisit diniin uli ang telang may yelo sa noo ko.
"Aray ah! Ano bang problema mo?" Singhal ko.
"Bukol mo."
Agad kong kinapa ang noo ko pagkasabi nya. Hala oo nga may bukol ako.
"Put this on."
"T-thanks."
"Tsk,"
Pagkabitaw nya sa tela ay umakyat na sya pero bago sya tuluyang nakaakyat...
"Don't mess up when I'm around."

YOU ARE READING
To Be Smitten
Historia CortaAng supladong artista at akong ordinaryong medtech student lamang.