"Sino kang babae ka at bakit nandito ka? Magnanakaw ka no?" Pambibintang nya pero kanina pa ko nagpapaliwanag sakanya at sinasabi ko ang sitwasyon ng buhay ko ngayon.
"Mom please calm down! I will call kuya and we will know about the situation okay?" Pilit na pagpapakalma ni Vinny kay tita Liza.
"Wala ho akong balak magnakaw sainyo tita Liza! Hindi lang ho talaga maganda ang sitwasyon ng buhay ko ngayon! Namatay ang nakababata kong kapatid at nagaway kami ng mga magulang ko at lumayas ako sa pamamahay namin at wala ho akong ibang matatakbuhan! Please let me explain!" sagot ko, nagmamakaawa, pero tila bingi siya sa lahat ng sinasabi ko.
"Don't call me tita hindi kita kaano ano! Kailan ka pa namamalagi dito sa pamamahay ng anak ko?" Sigaw ni tita Liza.
"K-kahapon lang ho, sadyang wala lang talaga ho akong matakbuhan nung naglayas ako samin." Pagpapaliwanag ko pero sa totoo lang natatakot na ako sa nanay ni Sandro.
"Ano? Lumayas ka sainyo? At dito ka pa napadpad?" Hindi siya makapaniwala, ang kanyang mga mata punong-puno ng galit. "At bakit dito? Anong ginagawa mo sa bahay ng anak ko? Kailan pa kayo magkakilala?" Inis na tanong nya.
"M-matagal na ho kaming magkakilala ni Sandro kaya please po tita nagmamakaawa ho ako sainyo na pakinggan nyo ko kahit saglit lang!"
"Mom please calm down, baka kaibigan sya ni kuya o kaya nangangailangan lang talaga sya ng tulong, hayaan nalang natin si kuya mag explain okay?" Wika ni Vinny at maya maya lang ay may narinig akong tunog ng car engine at don nalaman ko na dumating si Sandro, rinig ko ang pag bukas ng gate at nang makapasok si Sandro ay hinawakan nya ang kanyang ina sa braso.
"Mom please let me explain, Lorraine is going through a really difficult time right now. Namatay yung kapatid niya, and she had a falling out with her parents. She has nowhere else to go. Kaya nandito siya, kasi gusto ko siyang tulungan at bukod pa don ako lang ang kayang tumulong sakanya sa ngayon."
"Bakit dito, Sandro? Dito sa bahay mo? Alam mo naman na hindi ito tama, lalo na't babae sya at mukhang menor de edad palang. Ano na lang ang iisipin ng mga tao kung malalaman nila ang tungkol dito? Baka kung ano pa ang mangyari sa inyong dalawa!" Matigas pa rin ang boses ni Tita Liza, puno ng alalahanin at pagdududa.
"Mom, walang masamang nangyayari. I'm just trying to help her, she needs a helping hand." sagot ni Sandro, may halong frustration. "Wala siyang matutuluyan at hindi ko naman siya pwedeng pabayaan sa ganitong sitwasyon."
Huminga nang malalim si Tita Liza, hindi pa rin kumbinsido. "Sandro, I understand that you want to help her, pero you two are living under the same roof. Hindi tama, lalo na at babae siya. What if people see you together? What if something happens? Alam mo na may mga taong mag-iisip ng masama at hindi natin maiiwasan yon."
Sandro sighed, trying to stay calm. "Mom, I'm not going to do anything inappropriate. Lorraine is just here because she needs support. That's it."
Pero halata sa mukha ni Tita Liza na hindi siya natutuwang marinig ang paliwanag na iyon. "Sandro, I know you're trying to help, but you're both young adults. I'm just concerned. Hindi maganda na magkasama kayo sa iisang bahay. Hindi ko sinasabing may masamang mangyayari, but it's risky. Hindi ko kayang mag bulag bulagan dito at tanggapin ito nang ganun na lang." Wika ni tita Liza and she stared at me right in the eyes.
Nakatayo ako sa gilid habang pinapanood ang palitan ng salita. Ang bigat ng tension sa pagitan nila, at mas nararamdaman ko ang pagkailang ko. Ayoko maging sanhi ng away nilang mag-ina, pero wala rin akong ibang mapupuntahan.
"Mom," muling sabi ni Sandro, "I get your concerns, but I promise you, I'm not going to cross any lines. We're just friends, and I just want to help her through this difficult time."
YOU ARE READING
The Gap Between Us (Under Revision)
FanfictionChantelle Lorraine, born into a life of privilege in the North, is admired for her poise and perfection-a flawless image that conceals the fractures hidden deep within her heart. Despite her family's wealth, she remains haunted by the pain of her ch...