Chapter 42

68 4 3
                                    

"Beh parang ang blooming mo yata ngayon anong meron sayo? Pansin ko palangiti ka na these days, naka move on ka na ba sa pagkamatay ni Camille?" Kirsten asked, but whenever Camille's name is mentioned, there's always a lump forming on my throat, until now, hindi parin ako maka move on sa pagkamatay nya, I always feel guilty when I am happy while I was one of the reasons why she died. 

"I-I'm just trying to move on, I'm just trying to stay positive." Ikling sagot ko. 

"Hoy isa ka pa ayus ayusin mo rin yang itsura ng utak mo, hindi madaling mag move on ng ganun lang okay? Mabuti ngang masaya si Lorraine eh." Wika ni Janine.

"Beh, matagal ko nang hindi natatanong sayo to ah, n-nag uusap pa ba kayo ni Sandro?" Tanong ni Veronica at pabulong ang pagsabi nya ng Sandro.

"Hoy isa ka pa ayus ayusin mo rin ang itsura ng utak mo, obviously mukhang wala naman na silang connection sa isa't isa, he was busy with his new position." Wika ni Janine habang patuloy kaming naglalakad papunta sa classrooms namin.

"It's true guys, we haven't talk anymore ever since he got into the position." I lied. 

"Oh see? I told you!" sabat ni Janine, sabay tapik sa balikat ko. "Move on na yan si Lorraine pag kay Sandro nakalimutan na nya kasi sya eh, kaya hayaan niyo na."

"Eh bakit parang ang blooming mo lately?" tanong bigla ni Veronica, sabay kindat. "Mukhang may glow si ate girl!" Sabi ni Kirsten, shocks ang akala ko hindi nila to mapapansin.

"Uhm wala, nag ayos lang ako ng konti, hindi ko gusto na magulo ang itsura ko, I just want to be presentable at all times." Sagot ko.

"Yun naman pala, hindi naman ibig sabihin ng nag g-grieve pa ay ibig sabihin hindi na sila pwede mag ayos okii?" Wika ni Janine.

"Tama! Kung magmumukmok ka lang d'yan, lalo ka lang hindi makaka-move on," dagdag ni Veronica habang nakangiti. "Kaya go, girl! Mag-ayos ka, magpaganda ka, at kung sino man ang mabighani—eh 'di bonus na yun!"

"Hala, grabe kayo!" sagot ko, sabay tawa, pero sa totoo lang, medyo nakakagaan ng pakiramdam ang mga sinasabi nila.

"Alam mo naman kami, supportive sa glow-up mo, beh," sabi ni Janine na parang nanay na proud na proud. "Basta, kahit anong mangyari, nandito kami, ha?"

"Oo nga," dagdag ni Veronica. "Kaya kung gusto mong mag-vent out o mag-breakdown, go lang. Pero huwag mong hayaang mawala ka sa sarili mo. Ikaw pa ba?"

Napangiti ako ng totoo sa sinabi nila. Kahit paano, kahit may mga bagay na hindi ko sinasabi sa kanila, alam kong nandiyan sila. "Salamat, guys. Kayo lang talaga ang laging nandiyan."

After our classes have finished, we did the usual hangout we used to do when we were still in highschool, we went into the current biggest mall at the moment which is Robinsons Ilocos, when we got there we directly went to the al fresco dining, kasi mas chill doon, hindi masyadong crowded.

"Kamusta kayo ng parents mo Lorraine?" Tanong ni Kirsten. "Hindi ko alam, hindi ko alam kung kaya pa ba nila akong tanggapin, kasi sigurado ako tuwing nakikita o naririnig man nila ang pangalan ko, alam kong unang papasok sa utak nila ay ako ang dahilan ng pagkamatay ni Camille." Sagot ko.

"I just want to tell you that it's not easy to lose a child, wag mo muna sanang iprioritize yung galit mo sakanila and they just need understanding, hindi madali sa isang magulang ang mawalan ng anak." Wika ni Kirsten.

"You're right, hindi ko muna dapat iprioritize ang sarili kong nararamdaman, pati narin naman ang sarili ko sinisisi ko na eh, so what can I do, yun na ang tingin nila sakin, and I don't know if I ever will bring back our relationship." Sagot ko, kahit na mas umaangat ang galit ko sakanila, pinaintindi naman sakin ni Sandro na hindi naman talaga madali ang mawalan ng anak, they just need a deeper and better understanding.

The Gap Between Us (Under Revision)Where stories live. Discover now