Bumalik kami sa bahay nila tita Liza at tito Bongbong, they said they want to spend time with me kasi nasasabik din sila magkaron ng babaeng anak and at the moment kasi walang girlfiend sila Simon at Vinny matagal na lalo na si Simon kasi busy sa pagiging ceo sa isang company sa Manila.
"You see that, this is Sandro when he was just one year old, alam mo hirap na hirap ako sa pag bubuntis sakanilang tatlo and one time we expected na magkakaron kami ng girl but unfortunately wala, lalo na din sa side ni bonget at wala silang girl don only on my side, and I'm happy to have you here Lorraine." Tita Liza said as she shows me a photo album and baby pictures of Sandro.
Napangiti ako habang tinitingnan ang mga baby pictures ni Sandro. Kitang-kita sa mga litrato kung gaano siya kakulit noong bata pa siya. "Ang cute naman ni Sandro," sabi ko habang hinahaplos ang isang litrato kung saan may suot siyang maliit na cowboy hat.
"Hay nako kung alam mo lang, sobrang likot niyan dati," kwento ni tito Bongbong, nakangiti rin habang naaalala ang mga panahon na maliit pa si Sandro. "Ang dami niyang kalokohan noon, lalo na nung nagsimulang maglakad. Kung saan-saan pumupunta, kaya lagi kaming abala sa kakahabol."
Napatawa ako, hindi ko maiwasang isipin kung gaano kalayo sa personality niya ngayon ang kwento. "Talaga po? Hindi ko ma-imagine si Sandro na ganun. Palagi siyang composed at seryoso."
"Natural lang 'yon," sagot ni tita Liza, "Nagbago siya nung tumanda, lalo na nung nagsimula na siyang sumabak sa pulitika at responsibilidad. Pero sa bahay, alam mo, bumabalik parin yang kakulitan niya, lalo na kapag si Vinny at Simon ang kasama niya."
"Siya nga pala, Lorraine, gusto lang namin na maramdaman mo na parte ka na ng pamilya. Hindi namin nagkaroon ng anak na babae, pero sa pagkakaroon namin ng isang anak na katulad mo para sa amin, isang malaking biyaya 'yan," dagdag ni tita Liza, habang hinahawakan ang kamay ko.
Nakaramdam ako ng init sa puso ko at napangiti ng husto. "Maraming salamat po, tita Liza, tito Bongbong. Sobrang saya ko po na naririnig ko 'yan mula sa inyo. Gagawin ko po ang lahat para maging mabuting partner kay Sandro, at sana po, ay mapasaya ko rin kayo."
"Hindi mo kailangan mag-alala," sabi ni tito Bongbong. "Mahalaga sa amin ang kaligayahan ng anak namin, at kitang-kita naman namin na masaya siya kapag kasama ka. Basta tandaan mo, Lorraine, hindi mo kailangang maging perpekto. Ang importante lang ay mahal mo ang anak namin at totoo ka sa sarili mo."
Tumango ako, na medyo napaluha pa. Ramdam ko ang pag-gaan ng loob ko sa kanila. "Opo, tito. I'll always do my best to make him feel special."
"Halika na, Lorraine, tingnan mo pa 'tong iba pang mga litrato." Inabot ni tita Liza ang susunod na pahina ng album, at doon nakita ko ang litrato nina Sandro, Vinny, at Simon noong mga bata pa, may hawak-hawak na laruan. Hindi ko maiwasang mapatawa sa itsura nilang tatlo na parang hindi mapaghiwalay kahit noong mga bata pa lang.
"Kailangan mo yan ipakita kay Sandro minsan. Nakakatuwa talagang tingnan," sabi ko habang iniisip kung paano ko aasarin si Sandro sa mga lumang litrato niya.
Tumawa si tita Liza, "Sige lang, siguradong matutuwa rin 'yun. Isa pa, gusto ko rin makita ang reaction niya!" Tita Liza said and we kept on reminiscing while looking at the baby pictures of Sandro, he was so cute and he really looks like tita Liza a lot and I think si Vinny lang ang naging kamukha ni tito Bong, kinwentuhan pa nila ako ng mga naging kaganapan nung mga bata pa sila and I really felt special habang kausap nila kasi napapagitnaan nila akong dalawa, well I also loved making them feel like I am their daughter kasi I felt they are the parents that I really needed for so long.
"Well well it seems like you guys are having fun." Singit ni Vinny. "Come sit with us, pinapakita namin kay Lorraine ang mga naging baby pictures nyong magkakapatid." Wika ni tito Bong at biglang nagulat si Vinny.
YOU ARE READING
The Gap Between Us (Under Revision)
FanficChantelle Lorraine, born into a life of privilege in the North, is admired for her poise and perfection-a flawless image that conceals the fractures hidden deep within her heart. Despite her family's wealth, she remains haunted by the pain of her ch...