Pack with me!

3 1 0
                                    

Pag-uwi ni Joana galing work, as usual, naabutan niya akong super hyper sa kwarto namin. Lahat ng damit ko, nakakalat na sa kama. Ako? Nakatayo sa gitna, hawak-hawak yung floral sundress ko na parang may final runway moment ako.

Asha: "Jo!!! Help! Anong dadalhin ko sa Palawan trip namin?!"

Joana, fresh from work, hindi pa man lang nakakapagpalit ng damit, tumingin lang sa’kin na parang nanonood ng telenovela. "Oh my God, Asha. Girl?! Bakit parang apocalypse yung kwarto mo?!"

Asha: "Eh kasi naman, hindi ko alam kung anong outfits ang babagay for the trip! Pano kung may romantic beach dinner kami ni Jino? Tapos sunset? Kailangan ready ako!" Sabay hawak ko sa isang sundress at ipinakita kay Jo na parang nagpa-fashion show ako. "O, eto? Pwede ba ‘to for a beach date?"

Si Joana, as usual, parang nanonood ng comedy show. Humiga siya sa kama habang nilalaro yung throw pillow. "Girl, hindi ka naman pupunta sa taping ng telenovela. Simplehan mo lang! Baka magdala ka pa ng gown!"

Asha: Girl! Hindi mo kasi gets. Eh paano kung biglang magka-moment kami? Alam mo yun, yung tipong 'slow-mo' sa beach habang naglalakad kami under the moonlight! Romantic moment! Tapos... boom! Confession!"

Joana burst out laughing, hawak-hawak yung tyan niya habang hinihimas ang mukha ko. “Asha, girl, delulu ka na naman! Pero sige, tulungan kita. Sundress, check. Pero wag mong dadalhin lahat ng makeup mo, ha? Baka buong vanity kit mo ang lamunin ng luggage mo!”

Asha: "Excuse me, Jo, pero kailangan ko ng backup sa lahat ng scenario. What if may formal dinner kami, kailangan ba naman na walang red lipstick ako? What if beachside lang, dapat peachy pink naman!" Sabay kuha ko sa vanity kit ko na parang handa akong mag-makeup tutorial on the spot.

Joana: "Oh my God, girl! Hindi ka pupunta sa Palawan para mag-beauty pageant! Hindi mo kailangang i-pack yung buong Sephora!" Nakatingin siya sa akin with the are-you-for-real look habang pinipilit kong isama lahat ng shades ng lipstick ko.

Pero ako? Dedma. Naka-focus ako sa aking important mission. "Jo, I need to be prepared for every possible angle. Hindi ko alam kung kailan magce-click si Jino sa’kin, pero when he does, dapat flawless ako!"

Joana: "Flawless daw, oh!" Sabay hampas sa kama, tumatawa. "Alam mo, kahit wala kang makeup, manlalambot na yun si Mr. Chinito mo kapag nakita ka niya na ganito ka ka-excited!"

Napahinto ako, nakatitig kay Jo na parang nag-envision na ako ng romantic scene. "Girl... imagine mo, we’re walking along the shore, tapos bigla na lang niyang hahawakan yung kamay ko. Hindi na kami magsasalita... kasi alam mo na, love at first touch!"

Joana: "Oh my God, girl, slow burn ka nga, pero grabe naman 'yang imagination mo! Baka sa kilig, ikaw pa yung matumba sa buhangin at himatayin!" Humalakhak siya ulit, sabay bagsak ng ulo niya sa unan.

Tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-prepare ng outfits, hawak-hawak na ngayon yung floral sundress na pang-beach talaga. "Tapos, Jo, isipin mo... may sunset pa! Alam mo yung mga moment na yung hangin sumasabay sa buhok mo, tapos lahat ng angles, perfect? Cue romantic music!" Nagsasayaw na ako sa kwarto, imagining the whole scene habang si Jo, patuloy sa pagtawa.

Joana: "Oh my gosh, girl, ano bang napapanood mong K-drama lately?!" Sabay saklob niya ng unan sa mukha niya, natatawa na hindi na halos makahinga. "Tama na, Asha! Ang tindi mo mag-daydream. Pero fine, fine. Dali, ipack mo na ‘yan! Baka naman talaga 'yan na 'yung Wattpad moment mo with Sir Mr. Chinito!"

Asha: "Right?! Ito na 'yun, Jo! Baka ito na talaga ang moment! Pero syempre, may epal si Kyle. Kaya kailangan talaga akong mag-stand out!"

Habang pinaplano ko na ang mga outfits, si Jo na ang nagta-tidy up sa gulo kong kwarto. Tinatawanan na lang niya ako habang naglalagay ako ng imaginary scenes sa utak ko—lahat revolving around my romantic beach getaway with Jino.

Joan: "Asha, girl, kung ready ka na sa lahat ng scenario, baka pati volcano eruption scene, handa ka na rin! Hahaha!"

Asha: "Excuse me, Jo, multitasking 'to! Para akong artista sa rom-com... pero prepared sa lahat ng plot twists!"

At habang ginagawa namin ang buong prepping session, tawa kami ng tawa hanggang sa halos masaktan na yung mga tiyan namin. Kahit si Jo, aliw na aliw na sa kakakilig ko at pangarap na beach confession.

Joana: "Sige na, girl. Dalhin mo na lahat ng kilig mo sa Palawan. Basta wag mong kalimutan... wag kang maging full-on Asha. Baka mabulunan si Jino!"

Asha: "Eh paano naman kung ganito talaga ako, ha? Baka ma-in love siya lalo sa pagiging totoo ko!"

Joana: "Well, kung mangyari 'yun, swerte siya. Kasi ang dami mong baon... pati kilig!"

At with that, natapos ang gabi namin ng tawa at kilig overload. Wednesday couldn't come soon enough!

Can't find way out ASHAWhere stories live. Discover now