Love story project

5 1 0
                                    

So may big project kami, a resort renovation sa Palawan, and syempre, hindi ko naman in-expect na kasali ako. Akala ko, tambay lang ako dito sa office, chill-chill, wala naman masyadong exciting na ganap. Pero girl, out of nowhere, sinama daw ako?! As in kasama ako sa project na ‘yon?! Baguhan daw kasi ako at kailangan ng experience, kaya sige, push! Nasa cloud nine na agad ako, pero honestly, half of me wasn’t paying attention kasi duh, kilig overload. So syempre, hindi ko rin na-absorb agad kung sino mga kasama ko.

Then came lunch break. Nasa pantry ako, medyo nagsosolo at nag-iisip ng possible Wattpad moments sa future (normal day for me), tapos biglang si Kyle, tong epal kong office mate, e biglang tumabi sa akin.

Kyle: "So, ready ka na ba? Big project 'to, Palawan resort renovation, tapos kasama ka!"

Nagulat ako, muntik ko nang malunok buong sandwich ko. "WHAT?! Ready for what?! Ayusin mo hah! Itatapon ko sayo coffee ko."

Kyle: "Aba, grabe ka saakin hah! Kasama ka nga sa team! Tapos—"

And then, he drops the bomb as he whisper. "Kasama si boss Mr. Chinito mo."

OH. MY. GOSH. Napaatras ako sa upuan, parang gusto ko na agad tumakbo palabas sa kilig. Parang naramdaman ko lahat ng butterflies sa tiyan ko nag-rave party. Alam ko naman na si Jino (aka Mr. Chinito ko) ay kasama sa project since big deal ito at head siya ng team, pero grabe naman ‘to! Confirmation pa talaga! Hindi ko kinaya!

I mean, nakakatawa na, kilig pa, kasi maliit lang ‘yung team na papadala. As in parang mini-vacation na rin ito kasama ang crush ko—EEEPP! Sa isip ko, “Lord, ito na ba ‘yung sinasabi mong Wattpad moment ko?”

Asha: Wag mo nga akong i-joke time!

Kyle: Mukha bang joke?!

So eto na. I had to ask. "Sino pa bang mga kasama?"

Kyle: "Si Kuya Arthur, Ate Kim, tapos... siyempre, ako!"

In my head, I was like, "Ugh, Kyle. Bakit kasama ka pa?!" Pero sige na nga, parte ka na ng story ko, pwede na. Pero girl, OMG. Mr. Chinito ko. He’s going to be there. Kaming lima lang. Close quarters. LITERAL NA MAGKAKASAMA KAMI. Lord, thank you po sa blessing!

Syempre, hindi ko kinaya. Tumayo ako agad at dumiretso ng CR, hindi ko na inisip ‘yung pag-alis ko, muntik pa nga akong madapa kasi heels day ko ngayon.

Kyle: Hoy! Saan ka nanaman pupunta?

Asha: Ay bahala ka dyan! I giggle.

Kyle: Asha! Lagi mo nalang akong iniiwan! Hoy!

Asha: Hep! Subukan mong sumunod! Kyle pout at me. Ay tumigil ka nga! Hindi ka cute. Batuhin kita ng blueprints dyan.

Pagdating ko ng CR, alam mo na, sumabog ang kilig ko. As in, tumatalon-talon ako sa sobrang saya! Para akong bata na nakatanggap ng malaking teddy bear, pero instead, it's Mr. Chinito na kasama ko sa Palawan trip! Eeeeeeee!!!

Asha: "OH MY GOD. PALAWAN! MR. CHINITO! KASAMA KO SIYA!"

Tumatalon ako sa harap ng mirror sa CR, imagining all the possible scenarios. "Magiging stylist ako! What if magkasabay kaming mag-breakfast? Or what if may moment kami sa beach? Sunset? OMG, beach vibes!" Parang feeling ko nasa isang movie na ako. ‘Yung tipong slow-mo na naglalakad kami sa white sand, habang may romantic background music playing. Tapos—wait—what if may time kami alone?! "OH MY GOD!!!"

Syempre, kinuha ko agad phone ko at tinawagan si Joana. Bestie, help!

Joana: "O, bakit nanaman?!"

Asha: "Jo, Palawan! Mr. Chinito! Kasama ko! This is it! Wattpad moment! Oh my god, girl, ready na ba ako?! Paano na ‘to?!"

Tawa lang ng tawa si Joana sa kabilang linya. "Kalma ka lang, Asha! Nagkakabaliw ka na naman! Pero girl, ha, exciting 'yan! Sana naman may beach date kayo! HAHAHA!"

Sabi ko, "Oh my god, girl, this Wednesday na! Ano bang gagawin ko? Anong dadalhin ko? Paano ako mag-aayos? Paano kung… di ko kayanin ‘yung kilig?!"

Pero habang nagdadaydream ako ng romantic beach scenes namin ni Jino, bigla akong nagising sa realidad. May pumasok na ibang mga workers sa CR at nakita nila akong tumatalon-talon sa harap ng salamin, literally fangirling in real life. At alam mo ‘yung mga tingin nila? As in, "Grabe naman ‘tong babaeng ‘to, baliw na ba?" Pero dedma na! Kinikilig pa rin ako! Judge me all you want, pero papunta akong Palawan with Mr. Chinito ko!

Paglabas ko ng CR, naglakad akong nakangiti pa rin, para akong nasa ulap. Nasa hallway pa lang ako, pero feeling ko, hinahatid na ako ng mga anghel papunta sa langit dahil sa kilig na nararamdaman ko. Wednesday na, girl!

For the rest of the day, hindi na ako makafocus. Lahat ng bagay, kahit ‘yung simple email notification, napapangiti na lang ako. Kasi lahat ng thoughts ko, directed na kay Jino. Kaya naman nung nakauwi ako, tumalon ulit ako sa bed ko, imagining all the possible kilig moments in Palawan.

Ano kaya ang mangyayari? Will this be the start of our love story? Will there be a beach date under the stars? O baka naman... disaster nanaman tulad nung mga boxing moves ko sa meeting room? Pero one thing's for sure... ako si Delulu Queen forever!

Can't find way out ASHAWhere stories live. Discover now