𝙄𝙎𝘼𝙉𝙂 𝙇𝙄𝙉𝙂𝙂𝙊 na mula nong nangyaring laban namin sa babaeng nag ngangalang Fara.
Ngayon ang plano kung pumunta sa 'The Pit'. Gusto ko ng magkaroon ng sariling gropo. Gropo na dapat katakutan ng lahat kahit bagohan pa lang
Suot ko ang black leather jacket ko, sakto lang ang fit para hindi maka-hadlang sa galaw ko. Underneath, may suot akong fitted tank top, plain and dark, bagay sa gabi at sa lugar na papasukin ko. Ang pants ko, gawa sa flexible na materyal, designed for movement. Matched with my combat boots, bawat hakbang ko, mabigat, parang nakahanda ako sa kahit anong mangyayari at hindi ko dapat kalimotan ang maskarang tatakip saking mukha
My hair was tied up in a tight ponytail—wala akong gusto na distraction. This was 𝘛𝘩𝘦 𝘗𝘪𝘵—a place na naririnig ko lang dati sa mga usap-usapan ng mga Ryswell. Pero ngayon, ako mismo ang papasok dito for the first time.
Huminga ako ng malalim, pinipilit kong itago ang kaba. 𝘠𝘰𝘶 𝘨𝘰𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘴, 𝘚𝘺𝘭𝘷𝘦𝘳𝘪𝘯𝘦 May knife akong sinuksok sa loob ng boots ko, just in case. Sabi nila, sa 𝘛𝘩𝘦 𝘗𝘪𝘵, walang rules. Lahat pwedeng gamitin para manalo—kahit ang buhay mo ang nakataya.
Habang naglalakad ako papunta, kitang-kita ko na iba ang mundong 'to. The streets were darker than usual, kahit may street lamps, parang hindi abot ang ilaw sa bawat sulok. The walls, graffitied and broken, gave off an abandoned vibe, parang patay na ang lugar, pero naririnig mo pa rin ang tibok ng underground.
Habang lumalapit ako, nararamdaman ko ang bigat ng lugar na 'to—dito hindi ka lang basta-basta papasok kung wala kang dahilan. Sa mga gilid ng daan, may mga grupo ng taong naka-standby, either naghihintay ng laban o nag-aabang ng aksyon. Tahimik lang ako, blending in with the shadows. Pero alam ko, binabantayan nila ang bawat kilos ng sino mang dumaan.
Sa dulo ng daan, nakita ko ang malaking bakal na pinto, mukhang kalawangin pero alam kong solid 'to. Behind it, was the infamous 𝘛𝘩𝘦 𝘗𝘪𝘵. May dalawang lalaki sa harap, malalaki ang katawan, mukhang trained to kill. Tumigil ako saglit, gathering my thoughts. First time kong papasok dito. This was it. Hindi na 'to ang mundo na kilala ko.
𝘋𝘰 𝘐 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘣𝘦𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘦𝘳𝘦? Saglit akong nag-alangan. Pero kailangan ko 'to. Para maging malakas.
Nag-step forward ako. Tiningnan nila ako, parang sinusukat kung dapat ba akong papasukin. Pinakawalan ko ang isang malalim na hinga, trying to look unfazed kahit kabado ako. Isa sa kanila, nagtaas ng kilay pero walang sinabi. Tumabi na lang siya, at pinapasok ako.
"Organization name and your leader" seryosong sabi niya. Oh—katulad lang pala to sa underground na pinag-aarian ko
"I'm new member. Looking for a new group" malamig na sagot ko
Sa ganitong sitwasyon hindi ka pwedeng mag sinungaling dahil makikilala ka nila. Ngunit dahil mas gusto kong tago ang pagkatao ko kaya wala silang makukuha na information tungkol sakin. Naihanda ko na to lahat bago ko napag desisyonan na pumunta dito
Tiningnan niya pa ako saglit. Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang mundo na minsan ko ng naging tirahan noon ngunit iba nga lang ngayon kasi hindi ito katulad ng dati. The smell of sweat and blood was overwhelming, na parang literal na buhay ang binabayad dito. The noise—cheers, shouts, bets being made—naging musika sa pandinig ko. Sa gitna ng chaos, naramdaman ko na buhay na buhay ang lugar na 'to. Underground, away from the polished world na kilala ko, pero dito, ikaw lang at ang laban ang mahalaga.
𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘴 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘵 𝘧𝘦𝘦𝘭𝘴 𝘭𝘪𝘬𝘦, naisip ko, as I walked deeper into the crowd, my heart racing with every step. Ito talaga ang pangalawang buhay ko at hindi ko na mababago kahit san man ako mapupunta sa mundo
BINABASA MO ANG
Bound by Rebirth
RomanceDo you believe in reincarnation? Sylverine Valero, feared mafia queen and heiress, had it all-power, wealth, and control. But a strange dream of a woman pleading for help drags her into a world far from her empire. Upon meeting the goddesses of rein...