Nang tumayo si Sylverine, o mas kilala bilang Empress Sy, walang tunog maliban sa mga yabag niya habang naglalakad patungo sa kalaban. Ang mga tao sa paligid, kahit na ang mga kakampi niya, ay tahimik na nagmamasid.
Nasilayan niya ang takot na bumalot sa mukha ng mga natitira pang kalaban, lalo na’t nang makita nilang umatras sila nang makita siyang palapit.
“Enough, Empress,” awat ni Kyrie, ang boses nito’y halos bulong, puno ng pag-aalala.
Ngunit tiningnan lang siya ni Sylverine nang malamig, isang titig na parang tumatagos sa kaluluwa. Hindi na kailangan ng salita. Alam ni Kyrie na wala nang makakapigil kay Sylverine ngayon, lalo na kapag ganito kalamig at walang awa ang ekspresyon niya.
Kahit siya mismo ay natakot, at tumigil na lang sa pag-usisa. Walang magtatangka na pigilan ang Empress, lalo na sa mga oras na mas malamig pa ang boses niya kaysa sa yelo.
“You know, I don’t like people who are stopping me,” bulong ni Sylverine sa kalmadong tono.
Ang mga salita niya’y parang mga balisong na pumupunit sa katahimikan ng arena, isang paalala na hindi dapat siya kinokontra, lalo na sa ganitong pagkakataon. Walang choice si Kyrie kundi umatras at manood, kahit pa ang sariling takot ay nangingibabaw na sa kanya.
Si Sylverine, sa kabila ng malamig na ekspresyon, ay unti-unting lumapit sa kalaban niyang kanina pa nagpupumilit bumangon. Nakikita niyang nanginginig ito, kitang-kita sa bawat galaw ng lalaki ang kaba at takot. Wala nang natirang tapang sa mukha nito—puro takot na lang ang bumabalot sa kanya
Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay, at sa isang mabilis na galaw, may pinindot siyang mekanismo sa kanyang dagger. Agad na nag-transform ito mula sa isang ordinaryong patalim, naging isang matalim at mahahabang samurai. Ang kalaban niya ay halos sumigaw sa takot nang makita ang pagbabagong iyon.
“Surprise,” bulong ni Sylverine, ang mga mata niya’y kumikislap ng lamig at kasiyahan sa takot na dulot niya sa harap ng kanyang biktima. Hindi na siya nagsalita pa, dahil alam niyang sapat na ang takot na nakikita niya sa mukha ng kalaban.
Nagpatuloy siya sa kanyang laro, itinorture ang kalaban nang walang pag-aalinlangan, tila wala siyang nararamdamang awa. Hinataw niya ang lalaki gamit ang samurai, bawat galos ay mas matalim at mas malalim, bawat sigaw nito ay parang musika sa kanyang pandinig. Sa bawat oras na sinusubukan nitong makaiwas, muli’t muli siyang dinadapuan ng matalim na talim, ang katawan nito’y hindi na halos makakilos sa sakit.
“Alam mo ba,” nagsimulang magsalita si Sylverine, habang tuloy-tuloy pa rin ang paghiwa niya, “ang mga tao na gustong lumaban sa akin, lagi ko silang pina pa alalahanan kung saan sila hahantong.” Tumigil siya saglit, tinitingnan ang sugatang kalaban na halos mawalan na ng ulirat. “Sa ganitong klaseng kamatayan.”
Ang ibig sabihin ni Sylverine ay ang buhay niya noon. Buhay niya na pinakamasaya para sa kanya dahil palagi siyang nakakarinig ng musika.
Nanginig ang kalaban, hindi malaman kung magsasalita o magmamakaawa. Ngunit hindi na hinintay ni Sylverine ang kanyang sagot. Alam niya na wala nang lakas ang lalaki, kaya't binigyan niya ito ng isang huling hiwa na mas malalim at mas brutal kaysa sa lahat ng nauna.
Naramdaman niyang tumigil ang paggalaw nito, ngunit hindi pa siya tapos. Ipinako niya ang tingin sa lalaki, hinintay ang mga huling panginginig ng katawan nito bago niya muling itinaas ang samurai.
Ito ang paalala para sa lahat—ang mga susubok lumaban sa kanya ay hahantong lang sa parehong kapalaran.
Nang tumigil si Sylverine, ang arena ay muling napuno ng katahimikan. Lahat ng naroroon, kahit na ang mga miyembro ng kanyang sariling grupo, ay alam na hindi ito isang ordinaryong laban. Ito ay isang larong palaging siya ang nananalo, at walang sinuman ang makakatakas mula rito nang hindi nasusugatan—pisikal man o mental.
BINABASA MO ANG
Bound by Rebirth
RomanceDo you believe in reincarnation? Sylverine Valero, feared mafia queen and heiress, had it all-power, wealth, and control. But a strange dream of a woman pleading for help drags her into a world far from her empire. Upon meeting the goddesses of rein...