Page 10

463 21 0
                                    

Pababa pa lang ako sa hagdan pero naririnig ko na agad ang mga tawa at usapan sa baba. Hindi ko pa man nakikita kung sino-sino ang nasa sala, sigurado akong sila Levin at ang mga kaibigan niya ang nandiyan. Kilala ko kasi ang ibang boses na narinig ko ngayon. Hindi ko rin maiwasang mapailing—hindi ba nila kayang tumahimik kahit sandali lang?

Nagpatuloy ako sa paglakad, hindi pinansin ang mga ingay na nagmumula sa sala. Alam kong tumingin sila sa direksyon ko, naramdaman ko ang mga mata nila habang bumaba ako. Pero wala akong pakialam. Wala akong oras makipag-usap ngayon. Kailangan kong gawin ang plano ko.

Diretso ako sa dining hall, iniisip kung ano ang lulutuin ko para sa brunch. Perfect dahil late na rin ako nagising at wala pa akong kinain. Naalala ko ang isang recipe na natutunan ko dati—𝘰𝘮𝘦𝘭𝘦𝘵𝘵𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘴𝘮𝘰𝘬𝘦𝘥 𝘴𝘢𝘭𝘮𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘷𝘰𝘤𝘢𝘥𝘰 𝘵𝘰𝘢𝘴𝘵. Sakto, simple pero sapat na para makakain ng mabuti at magpatuloy sa araw.

Habang nag-prepare ako ng mga ingredients, naramdaman ko ang tension na kanina ko pa bitbit mula sa baba. Hindi ko alam kung ano na namang pinag-uusapan nila Levin at ang mga kaibigan niya, pero mukhang wala na naman akong pakialam. Hindi ako interesadong makisali. Ang importante, ako at ang plano ko.

𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯?

Habang nagluluto ako, naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likod ko, pero hindi ko siya pinansin. Nasanay na rin ako sa ganitong mga eksena—mga hindi ko kilala, pero nandiyan lang, nanonood, tahimik na nagmamasid.

"What are you cooking?" tanong ng boses mula sa likod ko. Malamig ang boses niya, pero halatang may halong interes.

Hindi ko siya nilingon. Hindi ako mahilig makipag-usap lalo na sa mga taong hindi ko kilala. "Wala ka na don" sagot ko, hindi ko man intensyon, pero parang pabalik ang dating. Nagsimula na akong magprito ng itlog, pinapabayaan ko lang ang usapan habang nagpo-focus sa niluluto ko.

Pero naroon pa rin siya. Tahimik, pero alam kong hindi umaalis ang tingin niya sa bawat galaw ko. Nang matapos ako, handa na akong kumain, pero napansin ko ang titig niya sa pagkain ko. Gusto niyang tikman.

"Do you want to eat this?" tanong ko sa kanya, inaabot ko ang plato ng omelette na bagong luto.

Saglit siyang tumingin sa akin—isang mabilis na tingin lang, pero sapat na para maintindihan ko. 𝘚𝘪𝘭𝘦𝘯𝘵 𝘮𝘦𝘢𝘯𝘴 𝘺𝘦𝘴, naisip ko.

Naglakad ako papunta sa kusina, kumuha ng plato at tinidor, tapos iniabot ko sa kanya. "Kumuha ka ng kutsara," sabi ko, iniwan ko siyang pumili ng sarili niyang gamit.

Habang tahimik niyang kinukuha ang kutsara, hinanda ko na rin ang sarili kong plato, pero patuloy ko pa rin siyang nararamdaman sa likod ko, parang tinutok ang buong atensyon niya sa akin. Nang mapansin kong hindi pa siya nagsisimulang kumain, inudyukan ko siya. "Tikman mo na. Tingnan natin kung papasa 'yan sa panlasa mo."

Nakangiti siyang sumubo ng konti, at napansin ko ang bahagyang kurba sa labi niya habang nginunguya ang pagkain.

"I'm Dariel. Hindi ko naman aakalain na magaling mag luto ang asawa ng kaibigan kong si Levin" ngising sabi niya.

Compliments ba yun o pang-aasar?

Hindi ko na lang siya pinansin. Marami pa akong dapat gawin, pwede nmang hindi ako kakain dito pero ayaw ko ng marami pa akong ibang pag-aabalahan habang may tinatrabaho

"Wala ba kayong bahay?" Tanong ko na ikinatigil niya. Naiwan pa sa ere ang dapat niya e subo, "Just asking... Nasa sayo na kung sasagotun mo or hindi"

Bakit ko pa ba tinatanong? Ganito rin kaya ang ugali ng mga kasama ko sa organization noon. Halos sila na lang ang tumira sa sarili kong mansion

Bound by RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon