20 - Mix Signals?

564 24 0
                                    

Maraming lumipas na mga araw at lalong nahulog ang loob ni Aina, minsan nga na parang pinapahalata na niya ito kay Maruz ngunit parang manhid talaga siya.

Aina's Pov

"Uhm excuse me po Prof may saglit lang po kaming i-nannounce for up coming candidates na sasali para sa pageant." Sabi ng isang SSLG kaya naman pinatuloy na sila ng Prof. Namin.

"Good Morning Po may i ask and may i know kung sino po ang interested na sumali sa pageant?" Tumaas ng kamay si Mina kaya naman tumigin sakanya yung SSLG.

"Yes Ms. Are you interested?" Tanong nito.

"No po, pero pwede po bang mag nominate?" Sa tanong niya lahat ng classmate namin na patingin sakanya.

"Uhm pwede naman po, sino po ba ang i-no-nomimate mo?"

"Si Aina Arceta po." Masigasig niyang sabi, ngunit nagulat ako bakit ako pa eh marami namang iba dyan.

"Ms payag kaba?"

"Hu-h eh-"

"Sige na Aina diba Classmate, sino agree na siya ang candidate?" Tanong ulit ni Mina, lahat sila sumangayon kaya wala nakong nagawa ako na yung nilista.

Time skip<<<

"Go girl kaya mo yan!" Sabi ni Mina sakin.

"Bakit ba kasi ako, bakit hindi nalang ikaw?" Sabi ko ng may pagkairita.

"Ano kaba, diba sabi mo dati pangarap mong maging model? Kaya ikaw agad naisip ko." Pagmamayabang niyang sabi, oo dati yun pero time is changed.

"Hays Mina, dati yun iba na ngayon."

"Tama si Mina kaya moyan Aina, ikaw pa sa ganda mong yan." Ani ni Maruz kaya ang Cof ay napatingin sa kanya at ito nanaman bumibilis nanaman tibok ng puso ko.

"Ehem, alam mo Bro baka matunaw ka sa tingin ng kapatid ko sayo." Sabi ni Coby kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Maruz's Pov

Nakauwi na kami ng insan ko galing sa school, nagluluto ako ngayon ng hapunan namin na Pork steak kasi nagrequest tong pinsan ko na nagccrave daw siya sa food nayun. Kaya naman niluluto ko ito.

"Insan, pwede magtanong?" Tanong niya mula sa likuran ko, kaya naman napatingin ako sakanya.

"Hmm ano yun." Sabi ko habang naghihiwa ng sibuyas.

"Insan ang laki naman ng hinihiwa mong sibuyas naluluha nako, bakit ikaw ang manhid mo. Hindi mo man lang ramdam na mahal ka niya." Napakunot ang nuo ko sa sinabi niya, ano ba sinasabi niya tungkol lang ba sa sibuyas oh may pinapahiwatik talaga siya?

"Huh?" Tipid kong sabi.

"Hutdug?" Minsan talaga pilosupo din tong pinsan ko.

"Joke lang tapusin mo muna niluluto mo mamaya ko nalang itanong, manunuod muna ako Tv." Sabi niya at tumalikod na saakin, nailing nalang ako sa ikinikilos niya.

Natapos na nga akong magluto kaya tinawag ko na siya para kumain na kami, ito ngayon sabay kami kumakain.

"Ano pala yung itatanong mo Insan?"

"Ah aware kaba na..." Tila parang ayaw niyang ituloy ang sasabihin niya.

"Ang alin?" Hindi nako makapaghintay sasabihin niya.

"Alam mo Insan minsan naiinis ako sayo." Seryoso niyang sabi na parang may inis talaga sa tono. Kaya naman naguguluhan ako.

"Inis? Saan?"

"Nag-bubulagbulagan kalang ba talaga Insan? Kasi parang nagmimix signal ka sakanya eh. I mean, caring ka naman talaga sa lahat pero wala kabang nararamdaman para kay Aina?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya, hindi korin maintindihan ang sarili ko. O sadyang nagbubulag-bulagan lang talaga ako? Pinapakita niya at nagbibigay siya ng sign na gusto niya ako pero nilalayo ko ang sarili ko sakanya.

YES I DO FATHER | MIKHAIAH Where stories live. Discover now