33 - Disagreed Rant

428 24 1
                                    


"Boss sure kaba pupuntahan natin bahay nila Aina?" Tanong ni Dos kay Rye, habang nagmamaneho siya ng kotse.

"O-o i will convince her na ako ang nababagay sakanya!" Napakamot nalang  sina Dos at Al, si Al kasi nasa sedan while si Rye ay nasa backseat.

"Pe-pero boss naka inom  kana, baka mas lalo kalang di kausapin ni Aina." Pagco-concern ni Al sa boss niya.

"I don't care! Alam niyo ba marami na akong sinakripisyo for her! 4 months, 4 months ko siyang nililigawan pero wala lang sakanya iyon! First time lang akong ayawan ng isang babae! *Fake laugh* Kala naman niya ganon siya kaganda." Paluhang pagpapahayag niya.

"Boss, kayo narin nagsabi na di siya ganon kagandahan. Boss di siya kawalan, kung ayaw niya marami pa namang iba diyan." Al said.

"Last nato, pag-inayawan niya ako. Di ko siya hahayaang maging masaya."

____________________

Nandito na sila sa tapat ng mansion nila Aina.

"Aina! Aina! Lumabas ka mag-usap tayo." Sabi niya Rye tapos niyuyugyog yung gate.

"Sir, sino po ba kayo? Bakit niyo po hinahanap si Ms. Aina?" Tanong nung guard.

"Call her, kundi papatayin ko pamilya mo!" Pagsisigaw ni Rye sa guard, natakot ang guard sa ikinikilos niya pero dapat maging matatag ito dahil guard siya eh.

"Sir, di po pwede baka po mapagalitan ako ng amo ko. Tyaka ngayon ko lang po kayo nakita." Kalmadong sabi nung Guard.

"Hoy tanda! Sundin mo na lang utos ng Boss namin gusto mo talagang magsisi?!" Pagsisindak ni Dos.

"Aina! Lumabas ka dyan kausapin moko!"

"Sir, umalis nalang po kayo, wag po kayong manggulo."

Aina's Pov

Nandito kami sa kwarto ko ngayon kasama sila Jerome at Maruz. Dahil group mates ko sila sa research paper.

"Guys okay na ba itong outlines?" Maruz Asked.

"Wow ang ganda!" I said kasi maganda naman talaga.

"Di naman, mas maganda ka parin." Pagbibiro ni Maruz, di ko tuloy maiwasang mamula.

"Huy, tumigil kayong dalawa. Andito ako oh ayokong maging third wheel." Pagtataray ni Jerome natawa naman kaming dalawa.

Biglang may kumatok sa pinto...

"Open po iyan!" Sigaw ko.

"Hi po manang!" Bati naming tatlo.

"Magandang araw po sainyo, uhm Miss Aina, meron pong lalaking naghahanap po sa'yo sa labas. Sigaw po ng sigaw, pangalan niya raw po Rye." Nagkatinginan kaming tatlo ng saglit sa sinabi ni Manang.

"Ah sige po bababa napo kami salamat po." Bumaba na si Manang.

"Bakit nandito yun?" Maruz Asked.

"I don't know." I said ng may pagkalito.

"Nako malamang kukulitin ka nanaman nun, tara na nga at jombagin na natin yung lalaking yun." Jerome said.

Bumaba na kami at lumabas na papuntang gate. Nakita namin silang tatlo na nag-aantay parin sa gate.

"Salamat naman at lumabas kana Aina, can we talk?" Rye said, tumingin ako kay Maruz kita ko sa muka niya na galit siya.

"Ano pa bang pag-uusapan natin Rye? Ang kulit mo, sinabi ko na ayoko sayo diba? Di kaba nakakaintindi o sadyang mang mang kalang?" Galit kong tonong batid sa kanya.

"HAHAHA! Lahat na ginagawa ko para lang magustuhan mo ako, anong bang meron si Maruz na wala ako? Haha mas mayaman at mas nakakaangat ako sa buhay! What do you want? Mag pa scholar ako like him! Ganyan lang ba talaga ang standard mo sa isang lalaki!" Lalong nag-init ang dugo ko sa mga pinagsasabi niya, dito ko siya nasampal ng malakas.

YES I DO FATHER | MIKHAIAH Where stories live. Discover now