23 - Open feeling

566 24 0
                                    

Maruz's Pov

Pumasok nako sa tent at sa hindi ko inahaasahan ay gising pa pala si insan. Kita ko sa mukha niya na masaya siya kaya naman nagtataka ako.

"Why bakit ang saya mo?" Tanong ko

"Ikaw ang dapat tanungin ko niyan, akala moba hindi ko nakita yung hinatid mo si Aina sa tent nila." Panggagansyo niya sa akin kaya hindi ko maiwasang matuwa. Umupo nako sa sheet at tumingin sakanya.

"Umamin na siya sa feelings niya about sakin." Bigla naman napaupo si insan sa kinahihigaan niya nung sinabi ko iyon.

"Tapos anong nangyari? Wag mong sabihin na nireject mo siya." Umiling ako sa sinabi niya, bakit ko naman irereject eh gusto ko narin siya.

"No pero sinabi ko na if willing ba siyang maghintay saakin, kasi confused parin talaga ako ngayon kung kaya kobang iwan ang dream ko para sakanya."

"Anong sabi niya?"

"Willing naman daw siya maghintay."

"Hanggang kailan mo siya paghihintayin?" Napatulala ako ng saglit sa tanong niya.

"Hmm hanggang sa sure nako."

"Paano kung hindi ka maging sure? Paano kung masaktan molang siya at piliin mo parin ang pagapapari mo?" Ayoko man siyang paasahin pero mahirap parin talagang bitawan ang pinangako kong pangarap.

"Hindi naman siguro mangyayari yun, ayoko siyang paasahin at saktan. Gusto kolang ng time."

"Insan sana hindi mo siya masaktan sa mga pag-aalinlangan mo." Batid niya habang tinapik pa ang shoulder ko, tumango lang naman ako bilang tugon.

Humiga na nga kami sa comforter at ito hindi makatulog dahil sa kakaisip sakanya.

________

Aina's Pov

Nagising na ako at kita ko namang gising na si Mina, nagccp siya.

"Good morning Mina." Bati ko ng may ngite sa labi, nabaling naman ang tingin niya sa akin.

"Good morning din Aina." Bati niya ngunit parang pilit ngumite.

Bumangan nako sa pagkakahiga ko at lalabas na sana ngunit tinawag ako ni Mina.

"Aina."

"Yes?"

Kita ko sa mga mata niya ang lungkot kaya naman nilapitan ko na siya.

"Why what's the matter?"
Hindi siya umiimik at kita ko ang mga pinapakawala niyang buntong hininga.

"Sabihin mo sakin Mina bakit?" At dun na nga bumagsak ang mga luha niyang kinina pang gusto kumawala. Niyakap ko siya.

"Pinilit kong humiling na layuan niya ako pero ang hirap pala." Sabi niya na umiiyak parin, mukang alam kona kung sino ang tinutukoy niya, hinaplos ko ang kanyang likod dahil hagulgol parin siya ng hagulgol.

"Ma-hal ko si Coby pero bawal eh."

"Bakit naman bawal?"

"Kasi may agreement na ang mga magulang ko sa magulang ni Miguel, na.. na kapag tapos nako sa pag-aaral sakanya ako ikakasal." Nagulat ako sa sinabi niya dahil nasa ibang bansa naman si Miguel ngunit bakit nakipag agreement?

"Diba nasa ibang bansa siya?"

"Oo dun lang daw siya mag-aaral pero pagtapos niya ng kolehiyo babalik na siya rito." Kita ko sa mukha niya ang tinding pagkalungkot.

"Ang hirap na lagi kong sinusungitan si Coby pero na-nasaktan ako kapag ginagawa ko iyon. Tapos ngayon... Ngayon nilalyo na niya ang sarili niya sa akin, akala ko mas mapapadali para makalimutan ko siya kaso ang hirap pala. Miss ko na yung pang-aasar niya, pagbibigay ng mga kung ano ano. At higit sa lahat yung assurance na binibigay niya saakin." Yan ang mga pagrarant ni Mina sa akin, nasasaktan ako na nakikita ko siyang ganito. Kaya pala ganun nalang kung ituring niya si Coby kasi may pinag-dadaanan pala siya.

YES I DO FATHER | MIKHAIAH Where stories live. Discover now