10- Mom's Apologize

655 24 0
                                    


Author's Pov:

Tapos na ang kanilang klase at pauwi na silang tatlo sa bahay, habang si Coby ang nagmamaneho kitang kita parin sa muka nya ang pagkainis. Pinutol naman ni Samy ang katahimikan.

Samy: Okay lang ba kayong dalawa? Lalo kana Coby okay kalang?

Tumango lang naman silang dalawa na walang reaksyon na makikita sa mga muka. Nakauwi na nga sila sa bahay binati naman sila ng mga kasambahay ngunit si Samy lang ang pumansin sa kanila.

Coby: Aina halika rito.

Nasa sala si Aina habang si Coby ay nasa taas at papunta ng kanyang kwarto. Umakyat naman si Aina dahil pinapapunta sya ni Coby sa taas.

Aina: Bakit Coby?

Nasa kwarto sila ni Coby habang sila'y napatulala lang sa isa't isa, ngunit may sinabi na si Coby pagputol sa segundong pagkatulala.

Coby: Naniniwala kaba kay Jio? Totoo kaya ang mga sinabi nya? Alam mo naman Aina na kahit minsan hindi kaya ni Mom na manira ng pamilya diba?

Aina: Alam ko Coby, pe-pero kilala rin natin si Jio, kahit minsan hindi naman nya magagawang magsinungaling lalo na kung wala namang kabuluhan.

Coby: Ganto nalang tawagan natin si Mommy at tanungin sa kanya kung ano ba ang totoo.

Aina: Sige para naman malinawan narin tayo dito, kanina pa ginugulo ang isip ko eh.

Dinaial na nga ni Coby ang number ng kanilang Mommy at nagring na ito.

Cindy: Hello Coby my son.

Coby: Uhm mo-mom may gusto lang po kaming itanong sayo ni Aina, kasi naguguluhan na kami dito. A-alam ko naman na hindi mo iyon magagawa yon mom diba?

Biglang natahimik sa kabilang linya dahil sa mga sinabi ni Coby.

Aina: Hello mom anjan papo ba kayo? Mom.

Cindy: Ah im here pa mga anak, a-ano bang itatanong nyo?

Aina: Totoo bang wala ka sa Switzerland mom at totoo ba yung sinababi ni Jio?!

Dito na nga naiyak ulit si Aina bigla uling natahimik sa kabilang linya.

Coby: Mom sumagot ka! Totoo ba na magkarelasyon kayo ni Tito Josh?!

Cindy: A-h eh mga anak magpapaliwanag ako.

Coby: So totoo nga mom! Bakit, bakit mo nagawa yon kay tito Josh pa talaga! Eh kumari mo si Tita Jho diba! Matalik pang magkaibigan!

Dito na nga rin bumagsak ang mga luha ni Coby dahil sa galit.

Cindy: Anak magpapaliwanag ako sorry.

Kanyang sabi at naiyak narin.

Coby: Umuwi ka mom ngayon para magpaliwanag kung hindi wala ka ng uuwian na mga anak sa bahay mo!

Yan ang huling sinabi ni Coby at pinatay na ang linya. Tuluyan na ngang naiyak silang dalawa dahil nalinawan na totoo ang mga sinabi ni Jio.

Coby: All this time totoo pala! Tapos sinapak kopa si Jio! It's all my fault sana mapatawad pa ako ni Jio sa nagawa ko sakanya.

Aina: Wala kang kasalanan Coby nadala ka lang sa emosyon mo, kahit ako ganon ang gagawin ko. Pero sa mga nalaman ko dapat lang talaga mag sorry tayo kay Jio dahil nasaktan na nga sya ni Mom pati tayo pa diba?

Umakyat si Samy upang hanapin silang dalawa dahil nag-aalala sya sa dalawa nyang pinsan. Kumatok sya sa pinto ni Coby at binuksan ito, pagkabukas nya ay nakita nya ang dalawa na iyak ng iyak. Kaya naman niyakap nya ang dalawa.

YES I DO FATHER | MIKHAIAH Where stories live. Discover now