29 - JiSa Moments

467 31 6
                                    

Nakapasok si Jerome sa competition kaya nag-papractice na ito and then support siya ng mga friends. 1 week nalang ay magaganap na ang singing competition.

Cafeteria^^^

Samy's Pov

"Hays, guys nagsasabi ba sainyo si Jio kung bakit 'di pa siya umuuwi ng Pilipinas?" Malungkot kong sabi kasi grabi ba 1 week ng nakakalipas di parin siya pumapasok. Aaminin ko nakakainis siya minsan pero caring din talaga siyang tao.

"Oo nga eh, sabi naman niya na ok lang daw siya duon sa US tinatanong ko nga kung anong nangyari kay Tita di naman niya sinasabi." Gray said, bakit ako pag-nagtetext di siya nagrereply ang galing, niyang mag-paasa.

"Sana okay lang si tita noh, kilala korin talaga yun si Jio di talaga pala kwento iyon, hays." Malungkot na batid ni Maruz habang napa sighed.

"Magsabi ka nga samin Samy, gusto mo naba si Jio?" Seryosong sabi ni Shicel, ay wow gusto? Yun magugustuhan ko lagi ngang nang-aasar yun eh.

"Yun magugustuhan ko? Never!" I said while nag cross arm, pero can't deny it na namimiss ko siya sana naman umuwi na siya. Kung tawagan ko kaya siya mamaya?

"Sus kahit i-deny mopa coz lagi mo kayang bukang bibig si Jio, lalo na nung nanduon na siya sa US." Biro sakin ni Aina.

"Eh bat ikaw nung hindi ka panga nakaamin kay Maruz, bukambibig morin siya palagi eh." Biro korin sakanya patolera ako eh, Ahaha. Namula naman siya bigla ng sulyapan siya ng babi niya daw. Magkatabi kasi sila eh haha.

"Luh 'di naman bukang bibig grabi ka naman duon." Pag-dideny niya magpinsan nga talaga kami.

Yun inaasar nila ako dahil nga lagi kong nababanggit si Jio, hindi ba pwedeng nag-aalala lang sa kalagayan niya?

FF

Nakauwi na kami sa bahay after maraming projects and report na tinapos makakahiga narin sa kama. Sakit sa ulo maging Senior High lalo pa kaya pag nag college na'ko baka di ko na kayanin lord. Sa maghapon bakit ko ba iniisip yung taong yun? Hays nag-aalala lang ba talaga ako sakanya or gusto ko na siya? Iba nato Samy tawagan ko na nga lang di naman nagrereply or nag-seseen sa text ko. Umupo ako sa kama at dinaial ko number niya, saglit lang din naman ay sinagot na niya.

"Hello?" - Jio

"Hi Jio, kamusta ka diyan?" I said na may pag-aalalang tono.

"Wow ikaw ba talaga yan?!" Biro niya, wow ah nakukuha pang patawa tawa di nga nag-rereply sa text ko.

"Bakit may iba pa bang Samy na pinaka magandang babae sa balat ng lupa na Classmate mo?!" Pagtataray ko pero tinawanan niya lang ako.

"Eto naman, nagbibiro lang naman ako para kanang nagrarap haha. So bakit ka nga napatawag? Miss mo na ako noh?" Wow kapal miss! Mukha mo!

"Talaga miss? Di ba pwedeng nag-aalala lang hah kasi 1 week kanang di napasok, tapos marami kaming ginagawa sa school and then ikaw andyan parin sa US!" Hays sinusubukan kong kumalma kaso iba rin talaga eh nakulo talaga dugo ko kapag kausap siya.

"Marami kayong ginagawa? Edi congrats Princess."

"Sige na papatayin kona ito, wala kang kwenta kausap!" Galit kong tono.

"Huy, wag mo patayin ito na seryoso nako."

"So bakit hindi ka pa nga nauwi?" Mahinahon kong tanong, napabuntong hininga siya sa sinabi ko.

"Nakiusap si Mama sakin kanina na... Dito na muna ako titira, kanina niya lang din sinabi saakin. Na mimiss niya daw kasi ako eh." Sa sinabi niya ay nalungkot ako.

"Di kana babalik dito?" Pagtatanong ko na mahahalata sa boses ko ang pag-kalungkot.

"1 year muna ako dito mag-sstay." Antagal naman nun, bakit parang masakit ng di siya makita ng matagal?

"Hello Samy andiyan kapa ba?" He asked kasi natahimik ako bigla.

"Uh yuh andito pako, ano pala yung sinasabi ni Coby na emergency daw kung bakit pumunta ka diyan?"

"Ah tinawagan kasi ako ng Tita ko na nahimatay daw si Mama, pero okay na siya ngayon."

"Di na ba magbabago desisyon mo?"

"Bakit mamimiss mo ba ako?" Pagbibiro niya.

"Oo." Deretso kong sagot, bigla namang natigilan sa kabilang linya.

"Hello, hello ba yan wala na ata."

"Talaga mamimiss moko?" Ay wow akala ko wala na.

"Oo nga! Kahit na mapang-asar kang katabi mamimiss parin kita!"

"Mamimiss din kita, wag ka munang magjojowa ah, hintayin mo'ko mabilis lang yung 1 year promise. I will court you pa." Di ko alam kung matutuwa bako sa sinabi niya o maiiyak.

"Bat kasi need mo pang tumira dyaan, kung manliligaw ka gawin mo na ngayon! Umuwi kana dito!" Pinatay ko yung cp dahil ayoko ng marinig ang sasabihin niya, humiga na ako ng kama.

"Hays, bakit mo sinabi Samy yun ang obob mo talaga!" Yan ang nasabi ko at napasapo sa mukha.

Nagring yung phone ko at si Jio ang tumatawag, diko na sinagot dahil nahiya ako sa sinabi ko. 5 times siyang tumawag at nag text nalang siya.

Text Jio:

Huy, ano yung sinabi mo umuwi na'ko dyan at ligawan na kita? Pakiulit baka sakaling umuwi ako ng de oras. - JIO

Yan yung text niya, nakakahiya! Ibaon niyo nalang ako sa lupa.

Wala lang yun, diyan kana tumira sa US if gusto mo wag kanang umuwi bye! - SAMY

Tumawag ulit siya, this time sinagot kona ayaw akong tigilan eh.

"Pls repeat Ms. Princess yung sinabi mo, pakiklaro." Pang-aasar niya.

"Kapag nasabi kona bawal ng ulitin, wag kanang babalik dito ba-bye na!"

"Wait lang wag mo munang ibababa, gusto kolang ulit marinig uuwi nako promise. Sabihin molang ulit yung sinabi mo liligawan na kita babalik nako sa Pilipinas." Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, as in sobra i can't deny na i like him na talaga. Bago ako nagsalita huminga mona ako ng malalim.

"Oo na i like you narin, namimiss na kita pls umuwi kana dito." Malambing kong sabi, narinig ko siyang sumigaw.

"Talaga gu-gusto moko! Cheez! Princess sige babalik nako diyan!"

"Binabawi kona wag kana palang babalik aasarin mo lang ako." Pagtataray ko.

"No babalik nako, papaalam ako kay mama na babalikan ko yung taong espesyal sakin at ikaw yun. My princess." Natameme na nanaman ako sa sinabi niya at the same time kinikilig rin.

"Hello Princess, bat ka natahimik?"

"Sige na umuwi kana dito, baka magbago pa isip ko i unlike kita."

"Sus wala ng bawian nasabi mona ang nararamdaman mo para sakin."










LAYAG LAHAT NG MGA OG BARKO² DITO MGA BAI!

Shout out kay chesi88 thank you sa pagsupport! Love you

YES I DO FATHER | MIKHAIAH Where stories live. Discover now