32 - Lolo Rye is Angry 😭

598 28 11
                                    

"Kaya pala layo ng layo sakin si Aina, dahil lang sa lalaking yun!" Rye said tapos binato yung glass of alcohol.

"Boss kalma lang, di pa naman sila may pag-asa kapa." Pagpapakalma ni Dos sakanya.

"Paano ako kakalma! Lahat na ginawa ko! Pero ano di niya makita lahat ng yun!" Rye said tapos hinawakan ang kwelyo ni Dos.

"Mas pipiliin niya yung Maruz na iyon, kaya pala lagi silang magkasama! Kunwari alagad ng Diyos kalat sa lahat na gusto niyang magpari pero ano! Ngayon liligawan niya si Aina!" Galit na galit talaga siya, halos lahat ng makikita niyang gamit binabasag at tinatapon ni Rye.

Nasa hideout kasi sila, nanduon siya nung singing competition kaya napanood niya lahat ng sinabi ni Maruz. Ganun nalang ang hamak niya para mapa-oo lang si Aina, feeling niya kasi natatapakan ang ego nito kapag inaayawan siya ng isang babae.

"Bweset! Antagal kong nanliligaw sakanya, pero nilalayuan niya lang ako! Akala ko nung pumayag siyang nakipagdate sakin may chance na, pero p*tang ina!" Yung dalawang alagad niya ay di na makaimik dahil baka sila lang ang pag-initan nito, nagngingit ang mga bagang nito at nakayukom ang mga kamao.

"Bukas na bukas, lagot sakin yang Maruz na yan! May araw din siya. Pinaka ayaw ko sa lahat yung inaagawan ako!" He said while drinking an alcoholic drink at nakaupo sa table chair.

"Ano naman po ang gagawin mo sakanya?" Al asked.

"Kakausapin na layuan niya si Aina, kapag hindi siya sumunod malilintikan siya sa akin." Kalmado na nitong saad pero galit parin.

()()()()()()()()()
()Time skip()
()()()()()()()()()

Maruz's Pov

Inutusan ako ni Prof na ipadala yung form sa guidance office. Napadala ko naman ito, ngayon pupunta na ako sa Cafeteria dahil sabi ko hintayin nila ako para sabay-sabay kumain dahil malapit lang naman ang inutos ni Prof. Nasa hallway na ako kung saan onti lang ang dumadaan na student dito dahil short cut ang daan na ito. Nagmamadali narin kasi ako kanina.

"Maruz." I looked at my back and nakita ko sila Rye kasama yung dalawa niyang alipores, lumapit sila saakin.

"Bakit Rye, may kailangan kaba?" I asked na walang mababasa sa reaksyon ko.

"Ikaw ang kailangan ko." Pagsisindak niya sa akin, alam kong tinatakot niya ako pero ayokong magpalamon sa takot.

"Kung walang kwentang bagay yan Rye, don't waste my time okay?" Kalmado kong batid, pero nakita ko ang dalawang kamao niya ay nakayukom na at nakitingin ito ng masama sa akin.

"Kunwari bait-baitan, kunwari anak ng diyos ang alam ng maraming tao magpapari ka! Pero isa ka rin pa lang mang-aagaw!" Sigaw nito saakin, yung dalawang alagad niya ay patawa-tawa lang. Ako mang-aagaw kelan ko siya inagawan, nagtiim ang dalawang kilay ko sa sinabi niya.

"Kelan kita inagawan? Si Aina ba? Kung sa tingin mo inaagaw ko siya sayo nagkakamali ka. Dahil hindi naman siya sayo at hinding hindi siya magiging sayo." Matapang kong saad dito na nga niya hinawakan ang magkabila kong kwelyo, wala akong ramdam na kung ano mang takot ang nananaig lang ay galit. Dahil sa mga ibinibintang niya, tinitigan ko siya sa mata maging siya ay ganuon din. Di ako nagpapakita ng pagkaduwag.

"Ano sasapakin mo ko? *Fake laugh* Do it! Pero do you think ba if nasapak mo ako mapapasayo ang puso ni Aina, diba hindi?" Kitang-kita ko sakanya ang pang-gigigil.

"Sinasabi ko sa'yo layuan mo na si Aina!" He said habang hawak parin ang kwelyo ko.

"Bakit ko naman siya lalayuan? Batas kaba?" Sa totoo lang i want to punch him na, pero pinipigilan ko lang ayoko siyang pag-aksayahan.

YES I DO FATHER | MIKHAIAH Where stories live. Discover now