Chapter Thirteen: Planning

9 1 0
                                    

Aeris Madyzon Carysv

Nagising ako nang maramdaman ko na may tumatamang sinag ng araw sa mukha ko.

Iminulat ko ang mga mata ko only to see Juztine's ugly sleeping face!

Ba't may unggoy dito?!

Teka paano ako nakapunta dito sa kwarto ni Juzt?

Hindi ko na maalala.

Bumangon ako sa kama para maghilamos na.

Infairness parang hindi na masyadong masakit ang paa ko.

Parang kaya ko ng maglakad ng hindi ika-ika.

Pero Fudge! Ang sakit ng ulo ko! Parang ngayon lang tumama ang hang-over!

Hindi na talaga ako iinom!

Paglabas ko ng CR ay siya ring pagpasok dito sa kwarto ni Alexys.

"Wake them up. Breakfast is ready." Malamig sa utos niya.

Parang hindi nanghingi ng sorry sa akin kagabi ah.

Ganiyan yan siya.

Dapat pala 'di ko muna siya pinatawad.

Ba't hindi na lang siya ang mang gising tutal nandito naman na siya.

"Ikaw nagluto?" Tanong ko.

"Yes, wake them up. Stop asking questions." Masungit na sagot niya at lumabas na ng kwarto.

Kaaga-aga ang sungit.

"Hoy! Magsigising na kayo!" Sigaw ko at pinaghahampas sina Juzt, Sand, and Sab ng unan.

"Hmm, mamaya naaa." Nakapikit na saad ni Sab at nagtalukbong ng kumot.

Tiningnan ko si Sand at Juzt, hindi parin sila nagigising!

Mga HEAVY SLEEPER!

"Sab, tara na!" Pinipilit ko siyang bumangon pero ayaw niya talaga!

Pagkatapos ng ilang minutong pagpipilit sa kanila ay ni-isa ay walang nagising!

Mga bwesit!

"Bahala kayong magutom, che!" Sigaw ko at lumabas na ng kwarto.

Padabog akong naglakad papuntang dining area.

Agad akong umupo at nagsimula nang maglagay ng pagkain sa plato ko.

"Where are they?" Nagtanong ang masungit habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Nasa kwarto 'di na gumising." Sagot ko at nagsimula ng kumain.

"Wait,wait,wait." Pagpigil niya sa'kin na kumain.

Problema nito?

"Don't forget to pray." Saad niya at umupo na sa katapat na bangko ko at nilagay na ang tubig na nasa pitcher sa lamesa.

Ay sorry naman.

Nahiya naman ako at binaba ang kutsara na may pagkain pabalik sa plato ko.

"Lead the prayer." Utos niya habang nakatingin sa'kin.

Wow naman.

Tumikhim muna ako bago nagpray.

"Lord, thank you for the food that you've given to us. Amen."

Pagkatapos kong mag pray tumingin lang siya sa'kin at kumuha na ng pagkain.

"Nasa'n si Nanay Myrna?" Tanong ko dahil bakit siya ang nagluto? Sunog tuloy yung hotdog.

"She's at the garden. I volunteered to cook for our breakfast, that's why." Sagot niya pagkatapos niyang uminom ng tubig.

"Ang sipag mo naman. Sana tamad ka nalang para hindi nasunog." Pabulong kong sinabi yung panghuli dahil baka hindi niya na ako pakainin.

Crawling Back To YouWhere stories live. Discover now