Aeris Madyzon Carysv
Habang nagdidilig ako ng halaman ay napaisip ako kung ano naba ang nangyayari ngayon sa Avozta.
Baka hinahanap na ako ng mga tukmol do'n.
Bahala na sila, matatanda naman na ang mga 'yon.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa may lamesa rito sa garden upang picturan ang mga halaman.
Maganda rin itong pang IG 'pag magiging active na ulit ang account ko.
Habang busy ako sa paghahanap ng tamang anggulo sa pagpi-picture ay natanaw ko si Alexys na kausap 'yong mama ni Lucas habang nasa loob sila ng bakuran.
Anong pinag-uusapan nila?
Hay nako, bakit ang chismosa ko na?
Kasalanan 'to ni Lola Mirands eh.
Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko kanina.
Bahala na sila diyan, dadagdag pa sila sa problema ko.
Tinan-awan ko ulit sila and nakita ko na wala na sila ro'n. Saan 'yon nagpunta?
Habang sinisilip ko sila ay laking gulat ko nang sumulpot sa harapan ko si Alexys.
Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat.
"What are you looking at?" Tanong niya, kaya nagkunwari akong nagsi-selfie para makalusot. SANA.
"Ha? What do you mean? Eh nagsi-selfie lang naman ako rito." Saad ko at awkward na tumawa.
"Mamamo nagsi-selfie." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
Saan niya natutunan 'yon?!
Magtataka pa ba ako? Eh tropa rin niya si Sand and Juztine.
"Alam mo, you're wasting my time, umalis kana nga." Pagtataboy ko sakaniya.
"Okay, I'm just checking on you, chill. Aalis na rin naman ako eh, susunduin ko pa si Lucas sa school." Saad niya kaya nagtaka naman ako.
Susunduin niya si Lucas?
Ah, kaya siguro nag-uusap sila ni no'ng mama ni Lucas kasi pinapasundo niya muna.
Habang naglalakad na siya palayo ay naisipan ko namang sumama, wala naman akong gagawin dito sa bahay eh.
"Wait lang!" Tawag ko sa kaniya.
Lumingon naman siya saakin habang may nagtatanong na mukha.
Dali-dali akong tumakbo papalabas ng bakuran namin at pumunta sa pwesto niya.
"Sama ako." Saad ko kaya naman ngumiti siya, nakita ko tuloy ang dimples niya.
Bakit ang palangiti niya?
Sinasadya niya ata na palabasin 'yon para ma-cutan ako sakaniya eh.
What the? Ma-cutan talaga, Madyzon??