Aeris Madyzon Carysv
Kasalukuyang nag-aayos ako ng mga gamit na dadalhin ko sa probinsya. Natapos na ang recognition namin and thank you Lord!
Nakapasa ako!
Okay lang kahit walang honors AT LEAST nakapasa.
One month ang bakasyon namin and walang kaalam-alam ang mga kaibigan ko na magbabakasyon ako sa probinsya.
Bahala na sila rito.
Habang ina-ayos ko ang mga gamit ay pumasok dito sa kwarto ko ang tukmol.
"Ano na naman kaylangan mo?" Inis kong saad.
Makita ko lang talaga ang mukha nitong kapatid kong ito naiinis na ako.
"Sama ako, Ate." Saad niya at nag puppy-dog eyes pa.
Pangit.
"Kaya nga ako pupunta sa province para hindi ka makita, tapos sasama kapa."
"Edi 'wag! 'Wag ka nang babalik dito ha!" Sigaw niya at pinakyuhan pa ako at lumabas.
Talagang!
Mamaya ka sa'king tukmol ka!
Lumabas na ako ng kwarto ko habang dala-dala ang mga maleta.
Marami akong dinalang mga gamit dahil one month akong mag-e-stay sa probinsya.
Finally!
Malalayo narin ako sa mga toxic people.
"Bye." Tila labag sa loob na ba-bye ni Dylan.
"Bye, Dylan. Love you!" Pag ba-bye ko sa kaniya, kahit na nakakainis siya.
Inirapan lang niya ako at pumasok na sa bahay.
Mom and Dad are still on there business trip.
Business trip really?
'Wag na silang umuwi. Lagi naman silang ganiyan.
Ni hindi nga nila alam na pupunta akong probinsya ngayon eh.
Sumakay na ako sa sasakyan para bumyahe na.
After one hundred years narating ko na rin ang probinsya.
Ang sarap sa pakiramdam na nakakalanghap ka ng sariwang hangin.
Sumakay na ako sa mahabang sasakyan.
Andami kong kasama ngayon dito. And fuck ang init! Ang sikip pa.Ano bang tawag dito?
Sumakay lang naman ako dito kasi may nagsisi-sigaw na lalaki na Buena daw—yung bayan kung saan nakatira si Lola Miranda.
Medyo natatandaan ko pa yung bayan na pinuntahan namin ni kuya nung bata pa ako.
Nagpatugtog ang driver ng kanta habang nagda-drive.
Ang puso ko'y nagdurugo at parang sumisikip ang dibdib ko~
Sa t'wing nakikita ko na magkatabi kayo, oh-oh.~
Agad kong kinuha ang earphones ko dahil ang iba ng music.
Grabeng music taste naman 'yan.
May gano'n palang music.
Nagising ako dahil may naramdaman akong tumatapik sa balikat ko.
"Ineng, nadito na tayo sa buena, bumaba kana." Saad nung lalaking nag sisisigaw kanina.
Tumango naman ako at kinuha na ang mga maleta at binigay ko na ang bayad ko.
Agad akong naglakad papunta sa isang tindahan upang magtanong kung saan matatagpuan ang bahay ni Lola Miranda.