Chapter Twenty-Seven: New

6 0 0
                                    

Aeris Madyzon Carysv

"Madyzon, where the hell are you?!" Bungad sa akin ni dad pagkatapos kong sagutin ang tawag niya. Wala sana akong balak na sagutin ito pero baka ipahanap niya ako sa mga tauhan niya.

"Chill, dad. I will come back soon. I promise." Mahinahon kong saad dahil auaw ko munang makipagtalo sa kaniya ngayon. Pinagpatuloy ko ang paglilinis ng kwarto ko habang nasa may tenga ko ang cellphone.

"Just make sure you'll come back here by the end of this month or else.." Banta niya sa akin. Hindi na dapat siya mag-alala dahil uuwi naman talaga ako sa avozta dahil mag-i-start na rin ang school year. Kalahating buwan na rin naman ang nag-i-stay dito.

"Noted." Walang gana kong sagot at inend na ang call. Siguro nakauwi na sila galing sa business trip nila kaya hinahanap na nila ako ngayon. Miss ko na rin ang mga friends ko sa Avozta kaya babalik talaga ako do'n kahit na super peaceful dito at talagang maa-attach ka.

Sa sobrang peaceful dito hindi ka talaga tatamarin sa paglilinis ng kwarto mo eh, gaya ngayon naisipan kong maglinis ng kwarto. Sumisipag na talaga ako. Biggest achievement in life!

Naglalakad ako papunta sa tindahan para bumili ng skyflakes dahil naubusan na naman kami ng stock kasi pinapakain ko kay Xyon 'yong iba.
Speaking of Xyon nasa bahay siya ngayon ni Nanay Fely dahil ayaw na talaga siyang iwanan ni Alexys.

Pinayagan ko na rin naman kasi first time niya talaga magka-pet tapos ipagkakait ko pa?

Habang naglalakad ako pabalik sa bahay ay nakita ko si Alexys na may kasamang babae at nag-uusap sila habang hawak-hawak no'ng babae si Xyon na mukhang nako-comfort na rin sa kaniya.

Aba.

Sino naman 'to?

Binagalan ko ang paglalakad para kilalanin 'yong babae, pero syempre dapat hindi halata na nakatingin ako sa kanila. Masaya silang nag-uusap ngayon at grabe makangiti si Alexys habang kaisap 'yong babaeng nakatalikod sa gawi ko.

Saya niya ah.

Mukhang napansin ako ni Alexys dahil napatingin ito sa akin kaya agad kong nilipat ang tingin sa isang balot na skyflakes na hawak ko.

Wow, ano 'to nutrition facts?

"Madyzon!" Tawag niya sa akin. Kaya agad akong tumingin ulit sa kanila.

"Yep?!" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

Act normal, Madyzon, act normal.

Humarap naman sa gawi ko 'yong babaeng kausap niya kaya nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino ito.

SABRINA?!

Ano'ng ginagawa niya rito?!

"Oh, our ghoster friend is here!!" Tila nagtatampo niyang sigaw sa akin kaya ngumiti naman ako at sinalubong siya ng yakap.

Sarap niya sabunutan, talagang sumunod pa siya rito. Hindi na ako magtataka 'pag bukas nandito na rin sina Sand. Lumalayo na nga ako sa mga bad influence eh.

"Hindi mo naman sinabing nagpunta pala kayo ng province, kasama mo pa talaga si itong crush ko!"

Crush ka ba?

"How did you find out that we're here?" Tanong ko dahil sinabi ko naman kay Dylan na 'wag niyang ipagsasasabi na pumunta akong province.

"I told her." Sagot ni Alexys kaya napakunot ang noo ko.

"You told her to come here?" Tanong ko.

"Bakit parang ayaw mo ako rito Mady? Ganiyanan na ha!" Umiling naman ako sa sinabi ni Sabrina dahil parang magtatampo na siya any minute dahil lumapit pa siya kay Alexys at pinulipot pa niya ang braso niya sa braso ni Alexys.

Crawling Back To YouWhere stories live. Discover now