Chapter 2
Nakikipagkwentuhan si daddy kanina sa katabi niyang pasahero bago ako matulog ulit after kong kumain kaninang alas tres ng hapon.
"DIOS KO PO!!!!!"
"HAY, DIOS KO NAKAKATAKOT NAMAN!!!"
"MAAWA PO KAYO SA AMIN!!!"
"GINOO KO!!!!"
"HAAAAYYYYYYYY DIOSKUPU!!"
"AHHHHHHHHHHHHH!!!!!"
Nagising na lang ulit ako ngayon dahil sa malakas na sigawan ng mga katabi kong pasahero. Grabe sila kung makasigaw. Makabasag eardrums. Pupungas-pungas na nagmulat ako ng mata.
Natatakot siguro ang mga ito dahil sa lakas ng mga alon.
Muntikan pa akong matumba nang bigla akong tumayo. Parang inaalog ang barko nang malakas dahil sa laki ng mga alon. Dinig na dinig ko din ang malakas na buhos ng ulan mula sa labas.
Wala si daddy sa teheras niya? Asan kaya siya?
Napilitan akong maupo muna ulit sa teheras ko upang matantsa ko ang paggalaw ng barko. Kinuha ko na lang muna ang cellphone ko para icheck kung anong oras na. Alas nuebe na pala ng gabi.
Malalim na rin pala ang gabi. Ginigising ako kanina ni daddy para kumain ng hapunan pero sabi ko mamaya na lang.
Ngayon ay kumakalam na ang sikmura ko. Ang problema ay umiikot na rin ang ulo ko dahil sa matinding hilo. Iyong ibang pasahero nga ay sumusuka na.
Kailangan kong pumunta muna sa banyo dahil ihing-ihi na ako. Pinilit kong tumayo ulit kahit pakiramdam ko ay umiikot na ang paligid ko dahil sa matinding pag-alog ng barko.
"Ken, saan ka pupunta?" Tanong ni daddy na kadarating lang.
Hindi ko alam kung saan siya galing. Sa hitsura ni daddy mukhang nahihilo na rin siya dahil namumula ang mukha niya, ganyan siya kapag lasing.
"Sa banyo dad, naiihi ako." Kumapit ako nang mahigpit sa teheras para hindi mawalan ng balanse at matumba.
"Mag-iingat ka. Bilisan mo, bumalik ka kaagad dito. Huwag kang magtatagal dun." May kakaiba sa boses ni daddy na hindi ko masabi kung ano. Parang balisa ang boses niya. Medyo kinabahan ako.
Tumango ako kay daddy, pinilit kong lumakad nang maayos kahit mahirap gawin. Umaalog talaga ang barko. Gumigewang-gewang ito. Maigi sana kung mahina lang ang pag-alog pero grabe talaga at pakiramdam ko tatagilid ang barko anytime at mahuhulog kami sa dagat.
Nakakakaba lalo na kapag naririnig mong may mga umiiyak. Yung nadaanan ko kasi umiiyak na, matindi na siguro ang takot.
Nadaanan ko din ang ilang pasaherong babae na nagdarasal. Yung isa pang babae umiiyak na din habang nagdarasal.
Nagmadali akong pumunta sa banyo. Napakapit ako nang mahigpit sa bakal na hawakan nang biglang umalog nang napakalas ang barko.
Sumambulat pa ang tubig sa loob mula sa dagat gawa ng malakas na alon. Yung ibang pasahero ay basang-basa na.
Hindi na dapat ako tutuloy sa banyo kayang lang ihing-ihi na ako. Namamanhid na ang pantog ko. Masakit na.
Pinilit kong tumuloy sa banyo kahit nakakatakot na. Basang-basa ang sahig at bahang-baha na din dahil siguro sa salpok na alon. Pumapasok ang tubig dagat.
Muntik na akong masuka dahil sa matinding hilo. Humigit ako ng malalim na hininga bago pinilit pumasok sa banyo.
Sa loob ng banyo ay para lalong inaalog ako. Lalo lang akong nahilo. Masikip kasi dahil makipot lang ang espasyo ng banyo. Sumandal muna ako sa pader na bakal para hindi ako matumba.
BINABASA MO ANG
ISLA: A DAD and SON PARADISE (Complete)
RomanceISLA: A DAD and SON PARADISE written by Sphyxxxmenot For adult readers only. Not for everyone. This is NOT intended for MINOR readers! Hindi rin para sa mga moralista. Para po ito sa mga readers na malawak ang pang-unawa. Intended for ADULT reader...