Chapter 3
Wala na akong nagawa nang nilamon na ako ng tubig dagat.
Nagpalutang-lutang ako. Lulubog-lilitaw. Yung pakiramdam ko para akong labadang damit ni mommy na pinapaikot niya sa washing machine.
Napuno ng tubig dagat ang bunganga ko. Sigurado akong napakadaming tubig alat ang pumasok sa sikmura ko. Napakaalat at parang sinasakal ako. Hindi ako makahinga.
Napadaing ako nang may tumamang bagay sa akin. Nahila lalo ako pailalim. Ramdam ko ang hapdi sa bewang ko gawa ng pagkakahila sa akin.
Yung lubid na itinali ni daddy sa akin, sigurado akong ito ang dahilan kung bakit ako nahihila nang nahihila.
Pinilit kong umangat para makakuha ng hangin pero lalo lang akong lumubog sa tubig pailalim. Wala akong makita. Wala din akong magawa. Ramdam ko ang pagragasa ng malalakas na puwersa ng tubig. Paiba-iba ang direksiyon ko. Kung saan-saan ako tumilapon. Para akong bola.
Sigurado ako na hindi lang ako ang nilalamon ng dagat. Sigurado akong marami kaming nilalamon ng tubig dagat ngayon.
Sumasabay sa malakas na buhos ng ulan at sa malalaking alon ang hiyawan at iyakan ng ibang pasahero.
"Ahhhhhhhhhhhhh..." Daing ko nang mahila na naman ang bewang ko. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa bewang ko.
"Kennnnnn...anak... asan ka?" Rinig kong sigaw ni daddy.
Pinilit kong umahon sa tubig. Hindi ko alam kung nasaan siya. Wala akong makita dahil madilim.
"Daddy..... daddy..." Sigaw ko nang makaahon sa ilalim ng dagat pero bigla lang ulit akong nilamon ng malaking alon pailalim.
Ramdam ko ulit ang paghila ng lubid na nakatali sa bewang ko.
Pinilit ko ulit umahon sa tubig pero isang malaking alon na halos kasing laki ng mataas ng building ang lumamon sa akin.
Kahit sa malakas na ulan at maingay na alon ay rinig ko pa din ang mga iyakan at hiyawan ng ibang pasahero na kagaya kong nalulunod na din.
Muling nilamon ng malaking alon ang barko na ngayon ay nakatagilid na at halos tumilapon na sa dagat ang lahat ng laman nito.
"Arayyyyy..." Daing ko ng isang lalaki ang pilit sumasampa sa katawan ko. Sabu-sabunot niya ang buhok ko.
Ginawa niya akong salbabida. Nagpumiglas ako. Pinilit kong hulihin ang kamay niya saka ko ito kinagat kaya lamang niya ako binitawan.
May lifejacket kami pero useless din dahil sa halip na lumutang ay lumulubog din kami kapag nilalamon kami ng malalaking alon.
"Kennnnnnn... Asan ka???" Narinig ko na namang sigaw ni daddy.
Isang malakas na hila ng lubid ang naramdaman ko kaya kung saan-saan ako tumama.
Hanggang sa maramdaman ko ang mga braso ni daddy. Mahigpit niya akong inakap.
"Anak....."
"Daddy...." Iyak at daing ko.
"Ken kumapit ka nang mahigpit sa akin. Inakap ako nang mahigpit ni daddy."
Ilang magkasunod na alon na mas mataas pa siguro sa hanggang anim na palapag na building ang lumamon sa amin.
Tuluyan na kaming nagkahiwalay ni daddy ulit. Kung saan-saan na naman tumama ang katawan ko.
Tanggap ko na. Katapusan na namin. Sa mga pagkakataong aangat ako sa tubig ay may nakikita akong mga nakalutang nang pasahero, sigurado akong patay na ang mga ito.
BINABASA MO ANG
ISLA: A DAD and SON PARADISE (Complete)
RomanceISLA: A DAD and SON PARADISE written by Sphyxxxmenot For adult readers only. Not for everyone. This is NOT intended for MINOR readers! Hindi rin para sa mga moralista. Para po ito sa mga readers na malawak ang pang-unawa. Intended for ADULT reader...