Chapter 4
Tinawagan ko kaagad si daddy. Pero walang sound. Hindi nagriring. Walang nangyayari. Ayaw ko pero nakakapraning.
Okay, hindi ko sigurado kung nahulog ba sa dagat ang cellphone niya? O baka nasira na kaya hindi nagriring?
Si mommy ang next kong naisip. Tinawagan ko kaagad siya pero wala din. Tangna, bakit hindi nagriring?
Si Kuya Emman naman, siya naman ang tinawagan ko, wala din. Walang nangyayari. Hindi rin nagriring.
Shit hindi pwede. Nagsalit-salitan ako sa pagtawag kina mommy at Kuya Emman pero wala talaga. Hindi pa rin nagriring. Nag-eexit lang ang dialed number.
Hindi pwede ito.
Ayaw kong tanggapin kahit alam ko naman kung bakit hindi ko sila makontak? Kitang-kita ko sa screen na walang signal. Dual sim ako- Globe at Smart pero parehong walang signal. Wala man lang kahit isang maliit na guhit ang signal icon ng cellphone ko.
Hindi pa rin ako huminto. Hindi pwedeng walang signal. Kailangan ko ng siganl.
Baka mali lang ako ng tingin. Ilang beses ko pang tinawagan sina mommy at kuya pero wala talaga. Hindi pa rin nagriring.
Tangina, nabubugnot na ako at the same kabado, what if wala talagang signal dito?
Shit hindi talaga pwede, bulong ko sa utak ko. Gusto kong sumigaw sa inis. Akala ko pa naman swerte ko na dahil hindi nasira ang cellphone ko.
Pinatay ko muna ang cellphone. Naisip ko baka kasi kailangang ireset. Baka kapag inopen ko ay may signal na ito.
Naghintay ako ng ilang sandali bago ko ulit ito binuksan. Atat na atat akong makita kung may signal na pero wala pa din. Para akong pinagsakluban ulit ng langit at lupa. Yung pag-asa ko kanina biglang unti-unting naglalaho.
Walang signal.
"Shit, bakit walang signal. Putang ina naman." Nanggigil kong sabi habang hawak ko nang mahigpit ang cellphone ko.
Kulang na lang ay ihagis ko ito. Nakakaubos ng pasensiya. Pero syempre hindi ko ito gagawin. Sa ngayon cellphone lang ang nakikita kong makakapagligtas sa akin dito.
Paano malalaman ng mga rescuers na nandito ako at dito nila ako kailangang kunin?
Sinubukan ko ulit tumawag. Kahit kabado hindi ako pwedeng tuluyang mawalan ng pag-asa.
Wala talaga. Hindi pa rin ako sumusuko.
Tinawagan ko din ang mga kaibigan ko, sina Jenna, Rissa, Lemuel ,Anthony at Justin, baka kasi magring sa kanila pero wala pa din. Ganun pa din, hindi nagriring at automatic na nag-e-end call lang ang tawag ko.
Itinaas, ibinaba, pakaliwa, pakanan tapos itinaas ko ulit baka kasi magkasignal na pero wala talaga.
Nanghihina ako sa inis. Naiiyak ako.
Dumagdag pa ang masakit kong katawan. Laking pasalamat ko na hindi nasira ang cellphone ko kaso useless din naman kung wala itong signal.
Nabwesit pa ako dahil four percent kaagad ang nabawas sa battery life ko. Eighty seven percent na lang. Hindi ako pwedeng basta malobat na lamang na hindi ako nakakahingi ng tulong.
Isa lang ang naisip ko. Kailangan kong humanap ng lugar na may signal. Baka dead spot sa kinatatayuan ko ngayon. Baka makahanap ako ng signal kapag naghanap ako ng tamang puwesto.
Kahit kumikirot ang katawan ko ay pinilit kong tumayo, muntik pa akong matumba dahil sa kirot. Wala pa talagang lakas ang katawan ko.
Tiniis ko na lang ang sakit. Wala naman akong ibang choice.
BINABASA MO ANG
ISLA: A DAD and SON PARADISE (Complete)
RomanceISLA: A DAD and SON PARADISE written by Sphyxxxmenot For adult readers only. Not for everyone. This is NOT intended for MINOR readers! Hindi rin para sa mga moralista. Para po ito sa mga readers na malawak ang pang-unawa. Intended for ADULT reader...