Chapter 8
"Magpahinga ka na lang muna dito. Hindi naman ako lalayo. Dyan lang ako sa may batuhan baka may mahuli akong isda. Maghahanap din ako ng mga naanod na gamit, baka may makita ulit ako."
Paalam ni daddy sa akin. Bitbit niya ang sibat at pana na siyang lagi naming dinadala kapag umaalis kami.
"May sinat ka pa ba?" Lumapit sa akin si daddy at dinampian ng palad niya ang leeg ko.
Medyo masama kasi ang aking pakiramdam. May pinainom sa akin si daddy na sabaw ng nilagang dahon kaya naman guminhawa ang pakiramdam ko.
"Okay na ako dad, nakatulong yung pina-inom mo sa akin. Mag-iingat ka please."
Ayan ang lagi kong bilin kay daddy. Ang mag-iingat siya. May mga pagkakataon kasi na mag-isa lang siyang umaalis para maghanap ng pagkain o kung ano mang bagay na pwede naming magamit.
At kapag mag-isa siya talagang halos atakihin ako sa matinding kaba at takot na baka kung mapaano siya kaya naman madalas sumasama talaga ako.
Hindi ako pumapayag na magpa-iwan ditong mag-isa. Gusto ko na kung nasaan siya ay nandun din ako. Kaso masama ang pakiramdam ko ngayon.
"Diyan lang naman ako sa malapit. Tanaw mo lang naman ako dito. Mag-ingat ka din dito. Ayang sibat mo laging itabi mo sa katawan mo. Inumin mo ulit ito mamaya para tuluyang mawala ang lagnat mo. Hindi tayo pwedeng magkasakit dito Ken."
Itinuro ni daddy ang sabaw ng nilagang mga dahon na nasa lata ng spam. Ginawa din naming gamit ang lata ng spam.
Totoo naman hindi kami pwedeng magkasakit. Ayan ang isa sa kinakatakutan ko. Ang may magkasakit sa amin. Wala na ring natira sa gamot na ipinabaon ni mommy sa akin. Nagkasakit kami nung mga unang araw namin dito.
"Sige dad, dito lang ako." Sabi ko.
Bumaba na si daddy. Nandito kasi kami sa taas ng puno. Maganda ang sikat ng araw ngayon. Nagkataon lang talaga na masama ang pakiramdam ko pero hindi naman ganun kalala. Kaya ko pa naman. At saka nakatulong talaga ang nilagang mga dahon ni daddy. Kailangan ko lang talagang magpahinga muna.
Pwede naman sana akong sumama kay daddy kaso subrang mainit na at baka mahilo lang ako. Baka sumakit lang lalo ang ulo ko.
Mula sa taas ng puno ay tanaw ko si daddy na nakarating na sa tabing dagat.
Medyo humahaba na ang buhok ni daddy. Kahit ako din naman. Napahawak ako sa aking buhok. Kung nasa Manila sana ako malamang nakapagpagupit na ako ng buhok.
Medyo pumayat na si daddy bagamat maganda pa rin ang hubog ng katawan. Kahit ako din naman ay malaki na ang ipinayat. Hindi man kami nagugutom dito pero hindi sapat ang mga kinakain namin para maging mataba ang katawan namin.
Madalas gulay, prutas at isda ang pagkain namin. Madalas walang lasa ang niluluto namin dahil wala naman kami ditong kahit na anong pampasarap maliban sa asin na kinukuha ni daddy sa batuhan. Tubig dagat ito na natuyo sa mga lubak sa batuhan na naging asin dahil sa matinding sikat ng araw.
Medyo nangingitim na rin ang mga balat namin dito. Pero mas lalo lang nagpakisig kay daddy ang kulay ng balat niya ngayon. Lalaking-lalaki siya. Para siyang mangingisda at magsasaka na banat ang katawan sa trabaho kaya maganda ang katawan bagamat may mga peklat siya gawa ng mga naging sugat niya habang nalulunod. Kahit ako din ay may mga peklat ng naging sugat sa trahedya.
Naka-sandong puti lang si daddy. Ayan lang ang tanging damit na meron siya. Yung suot niya nung magbyahe kami. Yung polo niya na nakadoble sa sando niya ay nawarak sa pagkalunod. Pinagtyagaan pa rin naman niyang suotin ito. Ayun nga lang nakasampay pa dahil nilabhan ko ito kasabay ng kanyang pantalon na may mga punit din.
BINABASA MO ANG
ISLA: A DAD and SON PARADISE (Complete)
RomanceISLA: A DAD and SON PARADISE written by Sphyxxxmenot For adult readers only. Not for everyone. This is NOT intended for MINOR readers! Hindi rin para sa mga moralista. Para po ito sa mga readers na malawak ang pang-unawa. Intended for ADULT reader...