CHAPTER 11: PINAPAASA
"Mahiga ka na ro'n! Kung anu-ano na ang sinasabi mo!" sita ko at hinila pa siya pahiga sa kama. Humalakhak siya bago dumapa at niyakap ang unan ko. Inamoy pa niya iyon kaya napailing na lang ako.
Cup noodles at nilagang itlog na lang ang hinanda ko para mabilis. Nakakahiya naman kasing gisingin sina Ate Gina para lang magpaluto ng dinner namin ni Felix.
Kumuha na lang din ako ng dalawang bottled water para inumin namin bago ako umakyat habang dala ang mga iyon sa tray. Naabutan ko siyang kalmado na sa kama ko. Inihanda ko ang bed table para ro'n na lang siya kumain. Binuksan ko rin ang air purifier para hindi mangamoy sa buong kwarto ang noodles.
"Felix, kain na," tawag ko sa kanya at inalis na ang pagkakatakip ng cup noodles. Hinalo ko iyon at napatingin kay Felix nanag hindi siya gumalaw.
"Hoy! Bumangon ka na muna r'yan! Kain ka saglit," tawag ko at napatingin sa pang-upo niya. Pinalo ko iyon at napaungol naman siya.
Salubong ang kilay niya at may ngisi sa labi niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin. "Spank me more, mommy," sambit niya. Napangiwi na lang ako dahil kinalibutan ako sa sinabi niya.
"Kumain ka na. Hali ka rito," pagpalit ko ng usapan pero umiling lang siya. "Sige na, kahit konti lang! Para may laman ang tiyan mo."
"I will, only if you will feed me."
"O sige na!" pagsuko ko dahil kapalit na lang nito iyong pagbantay niya sa akin kanina at pagsabi kay Travis na ihatid ako rito.
Mabilis naman siyang bumangon habang malaki ang ngiti. Tumapat siya sa akin at binuka mg kaunti ang bibig. Napatingin ako sa namumulang labi niya bago ko siya sinubuan. Umungol pa siya na parang nasasarapan. Ang OA naman!
"Kumain ka na rin."
"Kung kumain ka mag-isa e 'di nakakain na rin sana ako!" dahilan ko.
Tahimik naman niyang kinuha sa akin ang cup noodles, chopstick at kutsara. "Kumain ka na," mahinahong utos niya at muling sumubo.
Tumango ako at umayos ng upo para kumain. Tanging paghigop lang namin ang namayani sa buong kwarto. Ayaw ko naman na kasi siyang kausapin.
"Can I sleep here?" maya-mayang pambasag niya sa katahimikan.
Hindi. Iyon ang gusto kong isagot pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Bahala ka."
"Really? So, you're allowing me now to sleep here? Pinapaasa mo na naman ako, huh?" nahimigan ko ang panunukso sa boses niya.
"Kung gusto mo, okay lang naman sa akin. Walang malisya!" sagot ko at napatingin sa kanya. "Gusto ko lang din pa lang mag-thank you."
Mas lumalim ang tingin niya sa akin. "You're fucking welcome," sarkastikong sagot niya.
Napanguso tuloy ako. Sasagutin na lang ang pasasalamat ko, magmumura pa siya! "Mabait ka naman, e. Sana bati na tayo?"
"Bati?" Ngumisi siya.
"Oo. 'Wag mo na akong inaasar para 'di na kita susungitan."
"Nakalimutan mo na ba 'yong sinabi ko sa 'yo kagabi, Aphrodite?"
Napayuko ako nang hindi ko na nakayanang makipagtitigan sa kanya. Baka hindi na ako makaahon kapag masyado akong nalunod. "So, ayaw mo kasi gusto mo 'ko?"
"Tangina! Oo sige na! Bati na tayo."
"Talaga?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Humalakhak siya at umiling.
Napanguso ako sa pambabawi niya ng sagot. "Ano? Sabi mo kanina, oo!"
Mas lalo naman siyang natawa. "Oo nga. 'Wag ka nang makulit baka bawiin ko!" banta niya.
Napangiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Pwede naman pa lang ganito kami! Sana dati ko pa sinubukan.
"Let's sleep, Aphrodite," tawag niya sa akin nang makabalik ako sa kwarto. Mas maayos na ang kama ko at nakahiga siya roon sa kaliwang gilid.
"Hindi na ako inaantok, e. Magbabasa-basa na lang ako," paliwanag ko at imbes na tabihan siya ay umupo ako sa harap ng study table. "Matulog ka na."
"Okay. Goodnight, Aphrodite."
Tumango ako at nginitian siya. "Goodnight, Felix."
Tahimik kong inihanda ang mga libro na kailangang basahin. Nang ma-boring ay nag-online ako para libangin ang sarili. Kakakita ko lang ng mga mensahe ni Travis. Ang dami pala no'n! Naipon mula kagabi at kanina noong naihatid na niya ako rito.
Nagtipa ako ng reply dahil nakakahiya naman. Ni hindi pa ako nakapagpasalamat sa kanya dahil tulog ako no'ng nakararing dito.
Aphrodite: Hi, Travis! Ngayon ko lang nakita 'yong chats mo. Sorry ulit! And thank you sa paghatid mo sa akin kanina. Bakit hindi mo naman ako ginising? Hindi tuloy ako nakapag-thank you. Anyway, magaling na ako! Hindi na masakit 'yong ulo ko at ngayon, gising pa rin ako kasi nasobrahan na ako ng tulog kanina. Thank you ulit at sleepwell! See you tomorrow!
Nang mai-send iyon ay nag-play ako ng soft music. Mahina lang para hindi magising si Felix.
Speaking of Felix! Sumandal ako sa likod ng upuan at tinignan ko siya. Mahimbing ang tulog niya at ngayon ay nakatagilid na, nakaharap siya sa may pwesto ko kaya kitang-kita ko ang maamo niyang mukha. Nakayakap pa siya sa isang unan ko kaya ang cute niya. Sana ganito rin siya kabait kapag gising.
Mahina akong natawa at kinuhanan siya ng litrato habang tulog. Ang cute niya kasi! Kapag inasar niya ulit ako, may ipang-aasar na rin ako sa kanya!
Nang matapos sa pag-advance reading ay nanonood ako ng movie sa iPad. Kumuha pa ako ng comforter dahil nilalamig na ako. Gusto ko sanang pahinaan iyong aircon pero baka mainintan naman si Felix.
Halos mahulog na ang ulo kong nakasandal sa upuan nang biglang may kumatok. Umayos ako ng upo at tinignan ang orasan. Alas singko na. Nakabukas pa rin ang iPad ko at iba na ang panood. Pinatay ko iyon bago tumayo at iniwan ang conforter sa upuan.
"Ano 'yon?" inaantok na tanong ko kay Clyde nang makitang siya iyong kumatok.
"Okay ka na?" tanong niya sa akin at hinipo ang noo ko.
"Oo, wala naman akong lagnat!" sita ko at inalis na ang kamay niya sa akin. "Ang aga mo naman ngayon?"
"Mas maaga ka pa rin kahapon!" sagot niya at humalakhak. "Gusto sana kitang alagaan kaya inagahan ko pero mukhang okay ka naman na."
Naestatwa ako nang marinig ang ungol ni Felix at tinawag pa ako, "Aphrodite?"
Hala! Nakalimutan kong nandito pala siya!
"Sino 'yon?" Mabilis na itinulak ni Clyde ang pinto at pumasok.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi niya nang magtanong siya, "Kuya? Anong ginagawa mo rito?"
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...