CHAPTER 07: BIRTHDAY GIFT
Binisita ko ang account niya at nang makita ang latest post niyang beach view ay nag-follow back na agad ako. May mga buildings din siyang pino-post. Parang halos lahat ng mga pictures niya ay sinasamahan niya ng lugar kung nasaan siya. Ang aesthetic ng feed niya!
Pinindot ko ang post niyang beach photo. Hindi pa kasi ako nakapunta sa gano'n. Sa swimming pool pa lang ako nakasubok na magbabad. Hindi kasi ako marunong lumangoy gaya ni Clyde.
Napangiti ako nang kaagad ko iyong natapos. Maliit lang naman kasi ang canvas ko. Pinirmahan ko iyon sa likod at nilagyan ng date pati na ang username ni Travis. Gano'n kasi ang ginagawa ko sa lahat ng ipinipinta ko. Nilalagay ko kung kanino ko ginaya.
Pinatuyo ko iyon bago muling nag-browse sa account. Nakita kong nag-heart si Travis sa mga posts ko. Napangiti ako at ginantihan din ng heart ang mga pictures niya. Nagagandahan din naman kasi ako roon.
Maya-maya ay may nag-notif na naman.
Felix Saavedra started following you.
Napatitig ako sa pangalan niya. Totoo ba 'to? Bakit naman niya ako ifo-follow? Pinindot ko ang profile niya dahil white lang iyon. Napangiwi ako nang mukhang bagong gawa iyon at wala pa siyang post, isa pa lang din ang pina-follow niya.
Hindi ko siya finollowback. Pinost ko na lang ang bago kong painting nang matuyo iyon at itinag si Travis.
Kaagad naman siyang nag-react at nag-comment, "Wow! Can I have the copy of this masterpiece?"
Napangiti ako at nag-reply, "Sure!"
Inihanda ko iyong envelop na lalagyan ng paiting ko. Ibibigay ko na lang kay Travis mamaya. Wala namang kaso sa akin kung gusto niyang hingiin. Masaya pa nga ako kasi na-appreciate niya 'yong gawa ko.
"Aphrodite!" Malaki ang ngiti ni Clyde nang pagbuksan ko siya ng pinto. "Let's go to the Mall. I wanna buy gift for kuya!"
"Anong meron?" kuryosong tanong ko. Dahil bakit kailangan ng gift? At bakit nagdala si Felix ng mga kaibigan niya rito?
"It's Kuya Felix's birthday! Let's go!"
Hinila na niya ang braso ko kaya hindi na ako nakapag-ayos. Ayos lang, wala namang dahilan para magpaganda.
"Hi, Clyde!" bati ng mga kaibigan ni Felix sa kapatid ko. Nasa pool area na sila ngayon. Hinila ako roon ni Clyde kaya wala akong choice kun'di sumama.
"Kuya! May pupuntahan ako, isasama ko si Aphrodite."
Salubong ang kilay ni Felix nang tignan niya ako. Kulang na lang ay umirap siya sa akin dahil parang naiinis siya. Kanina pa siya gan'yan! Ako na ang umirap sa kanya at hindi na siya pinansin.
"'Wag kayong magtatagal," bilin pa ni Felix.
Hindi ko alam na birthday niya pala ngayon. Bilhan ko na lang siya ng damit? Iyon lang naman ang afford ng budget ko. Monthly akong binibigyan nina tito at tita ng allowance pero hangga't maaari ay iniipon ko ang iba para may maipapambili ako kapag may okasyong gaya nito.
"I'm planning to buy a couple pair of shoes para parehas kami. What do you think, Aphrodite?"
Nagkibit balikat ako at tumango. "Okay lang. Damit na lang ang bibilhin ko sa kanya."
"Marami na siyang damit! Hindi na niya kailangan no'n!" reklamo niya na parang kasalanan ang naisip ko.
"E, anong ibibigay ko?" naguguluhang tanong ko.
"How about a watch?"
"Wala akong budget!" mabilis na sagot ko at kumuha na lang ng white hoodie na large dahil matangkad siya. Plain lang iyon, lagyan ko na lang ng painting mamaya.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
Roman d'amourAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...