CHAPTER 01: TATTOO
Natulala ako sa pinto ng kwarto ko kung saan siya lumabas. Si Kuya Felix ba 'yon?
Napatitig ako sa katawan ko at biglang tumulo ang luha dahil sa labis na hiya at pagsisisi. Anong ginawa ko?
Mabilis kong kinuha ang mga damit at underwear na nasa malamig na sahig at pumunta ng bathroom. Napaawang ang labi ko nang makita ang katawan ko mula sa malaking salamin. Namumula ang halos lahat ng parte ng katawan ko at ramdam ko pa rin ang labi at kamay ni Felix sa katawan ko.
"Hindi..." Umiling ako at kaagad na pumailalim sa shower para sabunin ang katawan. Pinalitan ko pa ng cold ang warm shower para mahimasmasan at magising ako.
"Ang tanga mo!" paninisi ko sa sarili at mabilis na inalis sa isip si Felix.
Nag-mouth care na rin ako bago nagbihis at lumabas. Sinubukan kong matulog pero mukha ng lalake ang nakikita ko.
Ginulo ko ang buhok dahil sa frustration. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya ng ginawa ko. Kuya ko 'yon tapos-
Paano kung malaman ni Clyde? Nina tita at tito?
Napatili ako dahil sa inis para sa sarili. Nilibang ko na lang ang sarili sa pagre-review hanggang sa muli ko na iyong makatulugan.
"Aphrodite!"
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatatok. Napatingin ako sa desk clock at nakitang tatlumpung minuto na lang ay alas otso na!
May exam pa ako ng 8AM!
Mabilis akong tumayo at pinagbuksan si Clyde. Nakita kong nabigla pa siya. "Bakit hindi ka pa naka-ready?"
"Sorry! Nakatulog kasi ako ulit!" natatarantang sagot ko at nagmadali nang maligo at nagbihis. Kinuha ko na lang ang bag ko nang matapos dahil may mga gamit naman ako roon na pang-ayos.
"Clyde!" tawag ko sa kapatid nang makababa pero wala siya roon.
Iyong kuya pa niyang ayaw kong makita ang naabutan ko sa living room. Prente itong nakasandal sa sofa at nakabukaka pa. Nakasuot ito ng black long sleeves na bukas ang unang dalawang butones. Fitted ang black pants niya at may tent pa sa gitna no'n. Sa baba ay leather shoes and suot niya. May silver pa siyang relo sa kaliwang palapulsuan.
"Nauna na," bored niyang sagot.
Napanguso ako dahil sa irita at nagsimula nang lumabas. Ramdam kong sumunod siya sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad.
"Ihahatid na kita."
"Ayaw ko," mabilis na sagot ko at tinignan ang bakanteng parking lot. Nasaan ang mga kotse rito? Tatlo ang kotse nila, ah?
Magko-commute na lang ako. Bahala na kung ma-late!
"Tss!" narinig kong asik ng lalakeng nasa likuran ko nang magtuloy-tuloy ako ng lakad matapos pagbuksan ng bodyguard namin.
Nakita ko ang hindi pamilyar na Mercedes Benz sa malapit. Sa sobrang kintab nito ay parang bago lang.
"Hop in."
Nagbingi-bingian ako at nilampasan ang kotseng iyon nang biglang may humigit sa braso ko. Para akong nakuryente kaya mabilis ko iyong binawi. Ni hindi ko siya magawang tignan!
"Clyde told me to drive you. Sumakay ka na," mahinahon pa rin ang boses niya.
"Magco-commute ako."
"So you're avoiding me after what happened night?" nag-iba na ang tono niya. May bahid na roon ng pang-aasar.
Biglang uminit ang mukha ko. Pati na ang gilid ng mga mata ko dahil sa inis! "P'wede ba, hayaan mo na lang ako!" pagtapos ko sa usapan at naglakad kahit mainit na ang sikat ng araw.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
